“Hindi po, ayokong iwan si Uncle Owen Mommy. Bakit kailangan pa nating umalis dito hindi po ba sabi mo hindi tayo aalis? S-Sabi mo kung aalis man tayo matagal pa iyon, pero bakit po ngayon sinasabi mo na iiwan na natin si Uncle Owen? Alam ninyo naman po malulungkot siya kapag umalis tayo. Nag-aaway po ba kayong dalawa ni Uncle? Hayaan mo po sabihin ko sa kanya na magsorry na lamang siya sayo para naman po hindi ka na po magalit at para hindi na tayo umalis dito. Mommy po ba nangako ka akin? Bakit naman po bigla bigla aalis na lang tayo dito ng gano'n gano'n lang?” Umiiyak na pahayag ni Uno sa kanya. Pinagtapat na kasi niya dito na bukas ay aalis na sila at susunduin na sila ng tunay nitong ama. Noong una natuwa pa ang kanyang anak dahil sa wakas daw ay makikilala na nito ang daddy n

