KINAGABIHAN Matapos ang insidenteng iyon, tahimik si Uno habang nakaupo sa veranda. Nasa tabi nito ang ina ngunit ang paningin ng bata’y nasa bituin sa langit. Dahan-dahang lumapit si Apollo, dala ang isang baso ng mainit na gatas. Inilapag niya ito sa maliit na mesa. “Para sa ‘yo, Uno. Inom ka ng milk bago matulog para naman mabilis kang lumaki." Nakangiting wika niya sa anak. Saglit na tiningnan siya ng bata, walang imik, ngunit hindi rin itinaboy ang baso. Kinuha nito iyon at dahan-dahang uminom. Napakagat labi naman siya at sa isipan tuwang-tuwa dahil mukhang kahit papaano ay napapalambot na niya ang puso ng anak. Nasa loob ng bahay si Owen at may pinagkakaabalahan sa laptop kaya naman tatlo lang sila doon. At sobra-sobra ang saya sa kanyang puso dahil isang pamilya sila na na

