“Honey…” malumanay na tawag ulit ni Apollo sa kanya. "Hmmm?" Tugon niya dito pero hindi na nag-abala pang magmulat ng mata. "A-Alam kong hindi sapat ang sorry sa mga kasalanang nagawa ko. Hindi rin sapat ang mga ginagawa ko ngayon para makabawi sa inyo ni Uno. Pero hayaan mo sanang ipakita sayo na nagbago na ako. Sorry kung nabulagan ako noon, sorry sa katangahan ko dahil sa nakinig ako sa kawalanghiyaan ni Sharmaine." Maluha-luhang pahayag ni Apollo sa kanya. Napamulat siya dahil sa tinuran nito, at kinuha ang tasa ng kape at pinaglalaruan iyon. “Matagal kong hinintay na tuklasin mo ang totoo Apollo. Matagal din akong umasa na pahahalagahan mo kahit papaano ang kasal natin kahit hindi natin iyon ginusto noong una pero hanggang sa huling sandali, si Sharmaine pa rin ang pinaniwalaan

