“B-Balik na ako Apollo, baka kasi hanapin na ako na anak natin alam mo naman yun iiyak kapag hindi ako na mamulatan. Kaya maiwan okay na kita dito ha, bukas na lang ulit.” paalam niya dito. Pero ang totoo nais lang niyang umiwas sa lalaki, kahit naman kasi namutawi na sa labi nito na mahal daw sia nito, hindi ganon iyon kadaling paniwalaan kaya naman mas mainam ng umiwas kesa naman patuloy pa rin siyang umasa. “S-Sige Honey kung iyan ang nais mo.” parang napipilitang pag-sang-ayon nito sa kanya. Iyon lang at tumayo na siya. “Goodnight Honey.” pahabol pa nito. “Uhm… G-Goodnight.” tipid na sagot niya dito. KINABUKASAN “UNO, kumusta anak?! Na-miss agad kita ng sobra.” bulalas na turan ni Owen. Ka-video call na ito ng kanilang anak, pagkagising kasi ni Uno ay agad na hiniling ni

