SAMANTALA SA RESORT NI OWEN Panay ang tungga ng alak ni Owen, iniisip kasi niya ang kalagayan ni Uno pati na ni Honey sa poder ni Apollo. Alam naman niya na hindi nito pababayaan ang mag-ina nito pero hindi niya nakikita at nakakasama ang mga ito kaya hindi mawala-wala ang kanyang pag-aalala. Kaninang umaga habang kausap niya si Uno para bang nais niyang liparin ang patungong Manila para puntahan ito at tuparin ang kahilingan nito na sana nandoon siya sa tabi nito. Ngunit alam naman niya na kailangan na niyang umiwas sa mag-ina dahil dumating na ang tunay na may karapatan sa pagmamahal ng dalawa. Mahigit isang araw pa lamang na wala sa kanyang poder ang magina pero heto't parang paulit-ulit na siyang pinapatay sa sobrang pangungulila niya sa mga ito, lalo na kay Uno na sa kanya na

