Halos umusok ang ilong niya sa sobrang galit kay Apollo. Akala talaga niya ang babaeng nagsasalita na tinatawag itong kuya at tila iniipit pa talaga ang boses ay isa sa mga kapatid ni Apollo. Sa last video reels ni Sharmaine ay nasa ospital ang babae kaya inaasahan niya na nasa ospital ito at baka nga nagtungo na si Apollo sa bahay ng mga magulang nito pero hindi niya akalain na ang babae palang iyon ang kasama nito. “Sumosobra ka na Apollo, hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa mong ito sa akin wala akong ginawang masama sayo para maranasa lahat ng mga kagaspangan ng ugaling pinapakita mo sa akin ngayon! Hindi ko akalain na magagawa mo ang bagay ito sa akin!" Galit na wika niya sa sarili. At saka tama pa bang sasamahan nito ang babae sa cr tapos tinawag pa itong kuya, ano iyon kuya

