“A-Anong ibig sabihin nito Apollo? Sino ang babaeng iyan? K-Kapatid mo?” nauutal na tanong niya sa lalaki. Nagkunwari siyang hindi kilala ang babae kahit na kilalang-kilala naman niya ito. “Ahh siya nga pala Honey, si Sharmaine kapatid ng matalik kong kaibigan. Parang kapatid ko na rin siya kung ituring, kaya iyang mga iniisip mong kalokohan kalimutan mo na dahil mali ka ng iniisip,” nakangiti pang pagpapakilala nito sa babae. Kung diba naman makapal ang mukha ng walang hiya, talagang kapatid pa daw kung ituring buti sana kung hindi niya alam ang kababoyang ginawa ng dalawa. At kapatid lang ang turing pero nagmamadaling tapusin ang honeymoon nila para lamang sa babaeng iyan na may dysmenorrhea. Bilugin pa talaga nito ang kanyang ulo. Samantalang alam na alam na niya ang karakas ng

