“SERYOSO ka ba ate?! As in gano’n kabilis? Kaloka ka, ayoko na!” palatak niya sa kapatid.
“Sasapakin na talaga kita diyan Honeylita!” halatang galit na ang kanyang Ate princess kapag ganon ang tono ng boses nito.
Ang sagwa na ring pakinggan ng pangalan niya kapag buong-buo nitong binigkas iyon.
“Nakakainis naman kasi, bakit ura-orada ka kasi? HIndi mo man lang sa’kin sinabi ng maaga, ano iyon turn over ng crown bilang fiancee ng matandang iyon? Literal na substitute ang labas ko nito eh, kaka-hire mo lang sa’kin ngayon tapos kasal agad bukas?” inis na wika niya dito.
Kahit limang taon ang tanda nito sa kanya, parang gusto talaga niyang manapak ng nakatatandang kapatid ngayon.
Sabagay, palagi naman silang nagpapabuno nito lalo na pag may hindi sila pinagkakaintindihan. Oo mas bata siya pero hindi rin siya nagpapatalo dito.
“Noong una kasi akala ko kaya ko, sige na bunso. Mabuti ikaw safe ka naman sa kanya eh. Hindi ka niya magagalaw kaya safe ang pukekay mo. Eh ako, mamamatay ako kapag walang s*x. Gusto mo bang maging imoral ang ate mo? Iyong tipong may asawa na pero nagpapakangkang pa sa iba? Hindi ba at ayaw na ayaw mo ng ganon? Kaya sige na oh, akala ko ba sanggang dikit tayo kahit na magkahiwalay tayong lumaki magtutulungan tayo. Uyyy Honey, sige na oh…” mababa na ang boses nito.
Kaybait talaga kapag may kailangan, sino bang bunso ang makakatanggi kapag ganyan na ang mga banat ng kanyang ate.
“Hayyss mukhang napasubo ako don ah. Sige na nga, kawawa ka naman eh.” kunwari’y inis na wika niya sa kapatid.
“Ayiieee… love talaga ako ng bunso ko ah, ayaw mahirapan si Ate.” tuwang-tuwa nitong turan tsaka niyakap siya nito ng buong higpin.
Pabiro pa nga siya nitong pinaghahalikan sa pisngi.
“Ate! Haysss, kadirriiiii!” tili niya pero tawa na rin siya ng tawa.
“I love you sistah! Byeee…. Hinihintay na ako ni boyfie, sabik na siyang bembangin ako..” wika pa nito ng kumalas sa kanya at naglakad na palabas ng bahay.
“Bunganga mo talaga! Kaloka ka, kita mong virgin pa ako!” sigaw niya dito, halakhak na lang naman nito ang narinig niyang tugon nito.
Naiiling na napasalampak na lang siya sa sofa, hindi niya alam kung totoo nga bang bukas na pero bahala na si Batman. Nandito na eh, aatras pa ba siya tsaka wala namang mawawala sa kanya, hindi naman siya magagalaw ng mapapangasawa niya. Mananatili siyang virgin dahil hindi naman daw tinatayuan dahil siguro sa katandaan.
KINABUKASAN
“Hmmm… haysss…ano ba, inaantok pa ang tao eh… Manang naman, ang aga pa…” reklamo ni Honey.
Naalimpungatan siya dahil sa mabining pagyugyog ng balikat niya, tiyak niyang si Manang iyon.
Silang dalawa lang kasi sa bahay, ang kanyang Daddy ay may lakad kasama ang mga kaibigan nito, ang lola naman nila ay nasa ospital. Naka-confined kasi ito doon, ang bantay ay ang isa pa nilang lola, nakababatang kapatid ng lola Maria nila.
Nag-unatan pa siya pero hindi iminumulat ang kanyang mata.
Tsaka kinuha niya ang life size spongebob stuffed toy na niregalo pa sa kanya ng ate Pricess niya. Palagi niya iyong katabi sa pagtulog.Kapag yakap niya iyon, kayhimbing ng tulog niya.
Ngunit muli na namang may yumuyugyog ng bahagya sa balikat niya. Kaya naman tuluyan na siyang nainis, bumalikwas siya ng bangon.
“Hayss manang naman eh sabing….. Huh! Sino kayo?” gulat na bulalas niya.
Tatlong babae at isang bakla ang nabungaran niya na nasa loob mismo ng kanyang kwarto.
“Ms. Imperial, kami po ang pinadala ni Mr. Salazar para sa make up ninyo at pag-aayos ng inyong isusuot sa inyong kasal. Patawad po kung kami ay tumuloy na dito sa inyong silid dahil ito po ay inutos ng inyong kapatid. At isa pa, pasado alas otso na po ng umaga, ala diyes po ang inyong kasal kaya kailangan na po nating magmadali dahil baka mainip po ang inyong groom sa paghihintay sa inyo.” magalang na paliwanag ng bakla.
Automatikong napakunot naman ang noo niya tsaka napangisi.
“Kasal? Pasaway, anong kasal ang pinagsa— uffff! Gagi, oo nga pala!” laking gulat niya ng maalala ang usapan nga pala nila ng kanyang ate kagabi.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga babae at sa bakla, biglang natuliro ang kanyang isipan.
“Gagi, totoo nga pala iyong kasal, naloko na!” wika niya sa sarili.
“Aahmm mga miss, p-pwede bang bigyan nyo pa ako kahit 5 minutes man lang para makaligo pa ako? Promise bibilisan ko lang kahit wisik-wisik lang basta bumango naman ako ng konti.” nakangiwing paalam niya sa mga ito.
Tumingin naman ang babaeng malapit sa kanya sa kasama nitong bakla. Tila hinihingi ang pahintulot ng bakla. Mukhang ito ang boss. Tumango naman ito, mukhang sang-ayon ito sa nais niya.
“Sige Miss Imperial, 5 mins lang po dahil baka ma-late po tayo sa simbahan.” magalang na wika ng babae.
“Okey, sa labas po muna kayo tatawagin ko na lang kayo kapag okey na ha.” wila niya sa mga ito.
Tumayo naman na siya mula sa kama, napatingin ang mga ito sa kanya tsaka nagkatinginan ang mga ito.
Doon niya na-realized ang itsura niya na ternong jersey ang kanyang suot na pantulog. Naalala niyang sinabi ng ate niya na bawal malaman ng kanyang mapapangasa na tomboy siya dahil baka hindi pa nasisimulang matulungan ang kompanya ng kanilang lola at ma-kick out siya ng dahil lang sa katauhan niya.
Kaya naman namilog ang kanyang mga mata, mukhang iniisip ng mga ito na tibo siya. Sabay inilibot pa ng mga ito ang mata sa kabuoan ng kanyang silid.
Gagi, kahit kailan talaga ang ate niya pahamak. Bakit kasi pinapasok pa sa kwarto niya ang mga ito. Dark blue pa naman ang paint ng kwarto niya at panglalaki ang ilang mga kagamitan doon.
“Ay hindi po ako tibo ha, naku sa ganda ko ba naman na ito ‘no?” parang timang na wika niya sa mga ito.
Todo ngisi pa siya, pero nagpaalam na ang mga ito na animo walang narinig.
“Kaloka, di sila nagagandahan sa mukhang ito?” wika niya sa sarili sabay harap sa salamin.
Sinipat ng husto ang mukha at tiningnan ang bawat anggulo.
“Hayss, gagi gwapo ko talaga!” palatak niya sa sarili.
Maiksi kasi ang kanyang buhok, korean hairstyle siya palagi eh kaya naman dami niyang chikz sa school. Pero si Marian talaga na crush ng bayan ang bet niya kaya lang mukhang malabo na kung ikakasal na siya sa matandang iyon.
“Hayss! Sayang ang kapogian ko, di ko magagamit ng ilang buwan kaasar talaga!” naiiritang wika niya.
Maya-maya ay narinig niyang may kumakatok na sa pinto niya, napatingin siya sa wall clock at agad na tumakbo sa banyo. Pano ba naman halos 10 minutes pala siyang nagpapa-cute sa salamin.
Minabuti niyang bilisan ng paliligo kahit na sanay na sanay siya na sobrang tagal sa cr pero kasi 5 minutes lamang ang paalam niya. Kaya minadali na talaga niya ang pagsasabon ng katawan.
Matapos magsabon ay agad na siyang nagbanlaw. Pagkatapos, agad siyang lumabas ng banyo.
Saktong paglabas niya ng pinto ay kumakatok na ang mga babae, kaya mabilis na lamang siyang nagsuot ng kanyang panty at bra tsaka muling nagtapis ng tuwalya bago binuksan ang pinto.
Halatang inis na ang mga ito dahil nakasimangot na, parang naiinis na sa kanya dahil nga naman napakatagal niya. Tama lamang din na hindi na siya nagsuot ng kahit na anong damit dahil pinasuot na sa kanya ang damit na dala ng mga ito.
Para iyong roba pero mukhang sinadya iyon para mas mabilis na lamang niyang maisuot mamaya ang wedding gown na hindi pa nga nakikita.
Hindi na lamang din siya nakipag-usap sa mga ito dahil seryoso na ang apat alam naman niya na ginagawa lang ng mga ito ang trabaho. Halos isang oras din siyang inayusan ng mga ito. Ilang beses nga rin siyang naidlip bago natapos ang make up.
Pinasuot na rin sa kanya ang napakagandang gown na animo isinukat sa kanyang katawan dahil saktong-sakto lamang iyon.
Tsaka siya pinaharap sa salamin.
"Oh s**t! A-Ako 'yan?! Gagi, ang ganda ko naman! Whooaah!" Bulalas niya.
Gulat na gulat talaga siya, halos di niya makilala ang sarili sa salamin.
Ang pagkaka-make up sa kanya ay katulad nong mga make up nong sikat na make up artist iyong palaging nagti-trending ang mga gawa.
Hindi talaga siya makapaniwala sa itsura, lalong kuminis ang kanyang mukha at para na siyang artista.
"You're so beautiful Miss Imperial. Ngayon lang ako nakakita ng napakagandang bride na maihahalintulad ang ganda sa mga sikat na artista!" Bulalas ng baklang nag-make up sa kanya.
Walang halong pambobola ang pagkakasabi niyon sa kanya dahil kahit mga mata nito ay nagnining-ning pa habang nakatingin sa kanya.
Kayganda din talaga ng wedding gown na kanyang suot. Hantad ang maputi at makinis na balikat, wala siyang cleavage kasi nga pader daw ang dibdib niya gaya ng pang asar palagi sa kanya ng Ate Princess niya.
Pero ang galing kasi nagawan ng paraan ng bakla, akala mo eh may cleavage siya at nagmukhang may laman ang dibdib niya. Hindi naman kasi totally flat na gaya ng pader, may umbok naman di nga lang talaga kalakihan.
Bumagay din ang ayos ng buhok niya sa kanyang make up at wedding gown.
Maging ang ibang kasama nila doon ay hindi maitago ang paghanga sa kanyang kagandahan.
"Tayo na po Miss Imperial, may 30 minutes na lamang po tayo para makahabol sa kasal. Ang iyong ama at ina ay nasa labas na po, naghihintay na sa inyo." Nakangiti ng wika sa kanya ng bakla.
"Ha? Si Mama at Papa nandito?" Maang na tanong niya dito.
Hindi niya akalain na maririnig ang ganon kaimposibleng pangyayari.
"Yes po Ma'am, kasal po ninyo kaya dapat lamang na present ang iyong mga parents." Sagot pa ng bakla.
Biglang tila naging emosyonal siya sa sinabi nito. Napatingala siya para pigilan ang pagtulo ng luha, sayang kasi ang make up.
20 years old na siya ngayon, sa loob ng 20 years na nabubuhay siya sa mundong ito, ni isang birthday niya simula ng maghiwalay ang kanilang mga magulang ay hindi pa niya nakasama ng sabay ang dalawa.
Tapos ngayong kasal niya na para nga sa kanya ay laro lamang, talagang present ang mga ito. Pero kahit gano'n, masaya siya.
Kahit hindi totoo para sa kanya ang kasal na iyon, umaapaw pa rin sa kaligayahan ang kanyang puso dahil sa wakas. Nakasama na muli niya ng sabay ang kanilang mga magulang.
"Okey ka na po ba Miss? Maaari na po ba tayong lumabas baka po kasi ma-late tayo." Magalang na wika ulit ng bakla.
"S-Sige po, o-okay lang po." Nauutal na sagot niya dito.
Iyon lang at inalalayan na siya nito sa paglalakad.
ITUTULOY