“A-Anak…”
“Honeylet…”
Magkasabay na tawag sa kanya ng kanyang mama at papa na noon ay naghihintay na sa labas ng bridal car.
Nasa tapat iyon ng gate ng bahay ng kanyang lola.
“M-Mama, P-Papa…” Mahina ang boses at garalgal na tawag niya sa mga ito.
Kahit hindi niya nais ay kusang umagos ang luha sa kanyang mga mata pinigilan niya iyon pero namalisbis pa rin sa kanyang pisngi.
“Salamat naman anak at pumayag ka na maikasal, siguradong hindi matatanggap ng iyong lola kapag tuluyang mawala ang factory. Patawad kung bilang iyong ama ay wala akong magawa. Alam ko na ayaw mo ito pero masaya pa rin ako na makita kang nakasuot ng traje de boda na akala ko talaga ay imposible ng mangyari pa.” Wika ng kanyang ama.
Ikinagulat niya ang pagbubukas nito ng saloobin sa kanya dahil bihira itong magsalita ng gano'n. Palagi nga silang nagtatalong dalawa pero close naman sila iyon nga lang ayaw na ayaw nito sa katauhang meron siya.
Kahit naman daw gustong-gusto nitong magkaanak na lalaki pero hindi daw nito maatim na maging tomboy siya. Na siya itong maging lalaki sa pamilya.
Ginagalang naman niya ang paniniwala nito at isa pa hindi nga siya nagpapasaway at hindi niya pinapakita dito ang mga ginagawa niya.
Katulad na lamang ng pagkahilig niya sa basketball. Ayaw na ayaw ng kanyang Papa ang ganon kaya patuloy pa rin siyang nagtago ng kinahiligan niya.
Samantalang ang kanyang Ate Princess ay nagagawa lahat kasi maluwag naman ang kanilang Mama dito.
“Napakaganda mo anak ko, halos hindi na kita nakilala. Noong huli tayong magkita ni wala sa isip mo ang magboyfriend, pero ngayon bigla-bigla ay ikakasal ka na pala.” maluha-luhang wika ng kanyang Mama.
“S-Salamat po sa pagdalo ninyo parehas, sa wakas po natupad na din ang pangarap ko na magkasama-sama tayo.” magalang na wika niya sa mga ito.
Naluluha pa rin siya pero pinipigilan niya dahil nga sa nanghihinayang siya sa maganda niyang makeup. Baka imbes na napakaganda niya sa kasal na iyon na kahit hindi naman totoong kasal ay dapat maging maganda siya dahil isang beses lang mangyayari iyon.
“Sakay na po kayo Sir, Ma’am sa bridal car. Kailangan na po kasi nating umalis, baka magalit po si Mr. Salazar kapag na-late po tayo.” Magalang nasabat naman sa kanila ng bakla.
Sumunod naman dito ang kanyang mga magulang, Siya naman ay inalalayan mo na ng kanyang tatay bago ito pumasok sa kotse.
Kung iisipin, sobrang nakakatawa lang dahil ni hindi niya alam kung saan ang venue ng kasal. Wala siyang kaalam-alam, basta na lamang siya ginising at binihisan ng traje de boda. Ni hindi niya kilala ang groom o kahit nakita man lang sana niya ito.
Sarap sanang umatras, sarap sanang hindi ituloy.
Pero wala eh nakapangako na siya sa kanyang Ate Princess. Mahal na mahal lang kasi niya ang kanyang lola kaya hindi talaga siya makatanggi. Ang factory na ang naging buhay nito, kapag nawala iyon ng tuluyan baka manganib ang buhay nito.
Pinaghirapan pa ng kanilang lolo ang factory na iyon kaya napakahalaga niyon sa kanilang lola, iyon na lamang kasi ang tanging alaala ng kanyang lolo dito.
Ang bait naman sana ang kanyang tatay ngunit hindi rin kasi marunong magpatakbo ng negosyo at ewan niya hindi niya maintindihan kung bakit bigla bigla ay gano'n na lamang ang sitwasyon ng maliit na factory ng kanyang lola.
May naririnig siya na sinasabi ng lola niya na lulong daw sa sugal ang kanyang papa. Ewan lang niya kung totoo iyon.
Pero sa totoo lang kinakabahan din siya sa maaaring mangyari sa kanya. Paano na lamang kung masama ang ugali ng kanyang magiging asawa.
Paano na lamang kung dahil sa katandaan nito ay magsungit ng sobra sa kanya at pagsalitaan siya ng kung ano-ano. Baka hindi na niya ito matantsa ay masagot niya at baka atakihin pa sa puso ng wala sa oras.
Sa pagmumuni-muni niya hindi niya namalayan na nakarating na pala sila sa pupuntahan nilang simbahan. Hindi kalayuan sa kanila, buti naman kasi hindi pa naman siya sanay bumiyahe ng malayo.
Pagbaba niya ng sasakyan ay sinabihan sa iyo ng bakla na maghintay saglit mukhang siya ang huling papasok.
Dami talaga kadramahan sa kasal-kasal na 'yan. Kung pwede nga lang na dumiretso na siya sa unahan ng altar at umupo doon.
Tsaka hintay na lamang ang sasabihin ng pare na kasal na sila ginawa na niya, kaya lang ang dami pang mga seremonya.
Maganda siya oo, sa makeup, sa kanyang suot na wedding gown. Pero hindi kasi siya sanay na ganito kaya nangangati na siya. Kung pwede nga lang eh magsuot na lamang siya ng terno na jersey.
Tapos hintayin na lamang yung pagtatanong ng pari at ianunsiyo na mag-asawa na sila ng mister Salazar na iyon.
Pero alam kasi niya na kailangan niyang makisama sa mga ito, mukhang dumalo ang buong angkan ng Salazar na iyon. Samantalang siya siguradong ang kanyang ate, nanay at tatay lamang ang nandoon.
Kahit na nga kaibigan niya ay hindi na niya nasabihan syempre bigla-bigla ang naging desisyon ng kanyang ate. Kaya wala na talagang oras pa. Pero mas okay na lamang din yun kesa naman malaman ng mga kaklase niya at mga kaibigan na yung poging si haneylet ay biglang ikinasal sa matandang lalaki.
Namataan niya ang matandang lalaking nakaputi sa may malapit sa may pintuan ng simbahan. Sa katandaan niyon ay may tungkod pa itong hawak-hawak. Napansin niya na inaalalayan ito ng isang lalaki mukhang assistant nito iyon.
Bigla niyang naisip na baka iyon ang kanyang groom gaya ng sa paglalarawan ng kanyang ate matanda na daw ang groom at yun nga hindi na inuutugan.
At sa tingin naman niya sa matandang kanyang nakikita ngayon ay angkop sa paglalarawan ng kanyang Ate Princess.
“Yuckk, sana lang ‘wag akong hawakan ng matandang iyan. Gagiii, pano kung sa pag anunsyo ng pari na kasal na kami, halikan ako ng matandang iyan! Yucckkkk talaga!” tili niya sa isipan, magkandaduwal-duwal pa siya.
Isipin pa lang na hahalikan siya ng matanda, nakakasuka na talaga. Nanindig tuloy ang kanyang mga balahibo.
Sabihin man na mukhang mabango naman ito at mukhang mabait, pero kasi halos hindi na ito makatayo ng maayos. Tsaka mukhang hindi naman manyakis pero hindi pa rin dapat siya pakampanti.
Mga lalaki pa naman kahit matatanda na eh hindi pa rin nawawala ang l*bog sa katawan. Bigla siya nitong tinapunan ng tingin, agad naman niyang binawi ang tingin dito. Nahuli pa sya baka kung ano pang isipin ng matanda niyang groom.
Maya-maya ay bumukas na ang entrance ng simbahan, tsaka pumailanlang ang isang awiting palagi niyang naririnig sa mga kasalang napapanood niya.
Inalalayan na ng lalaki ang matanda papasok ng simbahan.
Siya naman ay pinaghanda na ng bakla sa pagpasok. Mukhang tama nga ang hinala niya, confirm na ang matanda nga ang kanyang groom.
Napaka-romantic sana ng music na pumapailanlang sa loob at labas ng simbahan. Kung totoo sanang kasal niya iyon baka naluha na siya pero hindi eh.
Nagsimula na siyang maglakad papasok sa simbahan, ayaw niyang makita ang kanyang matandang groom.
Nandidiri siya promise, ayaw niyang makita ang ekspresyon ng mukha nito pero sa gili ng kanyang mga mata, nakikita niyang iilan lamang ang mga taong dumalo.
Pero ang ganda ng pagkakaayos ng simbahan parang totoong kasalan na nga naman. Nagmukhang paraiso ang kanyang tinatapakan red carpet dahil may mga nakakalat doon na pigtal na petals ng iba't-ibang klase ng mga rosas.
Hawak-hawak siya ng kanyang Papa sa braso, ganon din naman ang kanyang Mama. Akala mo eh tatakas siya sa pagkakahawa ng mga ito.
Hanggang sa malapit na sila sa unahan ng altar. Ramdam din niya na sa kanya nakatutok ang lahat ng mga mata ng mga taong nandoroon lalo na siguro ang matandang groom.
Maya-maya lamang nga ay nakita na niya ang dalawang pares ng sapatos sa kanyang harapan. Meaning nasa harapan na niya ang matanda, pero nagtataka siya dahil wala ang tungkod nito.
"Kumusta Mr. Salazar, heto na ang kamay ng anak ko. Sana ay pakaingatan mo siya at huwag mong paiiyakin. K-Kahit ganyan iyan, mahal na mahal ko ang bunso kong iyan." Wika ng kanyang Papa na hindi napigilan ang pagaralgal ng boses.
Saka kinuha nito ang kamay ng matanda at pinagdaop sa palad niya.
"Gagi, ang lambot ng kamay! Tsaka teka bakit hindi yata kulubot?" Kunot noong tanong niya sa sarili.
Hindi pa rin niya iniaangat ang mukha, ayaw niyang makita ang mukha ng matanda.
"Huwag kayong mag-alala Mr. Imperial, makakaasa kang aalagaan ko ng husto ang anak ninyo." Tugon nito sa kanyang Papa.
"Teka, bakit yata kakaiba ang boses niya. Masarap sa tenga ang paraan ng pagbigkas niya ng salita at napaka-kalmado din. Hindi mahahalatang matanda ang nagsalita." Parang timang na wika ulit niya sa sarili.
Kaya naman iniangat na niya ang kanyang paningin.
"Ay kabayo! Ay este.... gwapo! Ay ano ba, s-sino ka?!" Gulat na bulalas niya pagkakita sa lalaki.
Kunot noo namang tinitigan siya nito.
Inilibot naman niya ang paningin, hinahanap niya ang matanda kanina.
Nakita niya iyong nakaupo sa upuan.
"Anak, napapa-ano ka ba?" Tanong naman ng kanyang Mama.
"M-Ma, hindi po ba siya ang g-groom ko?" Tanong niya sa ina na may nginig ang boses. Sabay turo sa matandang nakaupo.
"Ay susmaryosep kang bata ka! Si Mr. Apollo Salazar I iyan! Lolo nitong mapapangasawa mo!" Tila di makapaniwalang wika ng kanyang ina.
Napatingin naman siya sa lalaking nasa harapan niya, tumiim ang anyo nito at parang galit na tumingin sa kanya.
Kung hindi siya nagkakamali, mga nasa 30+ ang edad ng lalaki. Nakakapaso pa kung tumingin.
Nanlamig ang kanyang buong katawan, hinanap niya ang kanyang Ate. Mukhang wala ang luka-luka sa kasal niya. Sarap talaga sabunutan niyon, mukhang naisahan siya ng Ate Princess niya.
"Anak, kailangan n'yo ng lumapit sa harap ng altar." Bulong sa kanya ng kanyang ina.
Napansin niya na naguguluhan naman ang mga bisita. Ang matanda namang kanyang napagkamalang groom niya ay tila natatawa. Narinig kasi nito ang sinabi niya kanina na ito ang akala niyang groom niya.
Dahan-dahan siyang umatras, mukhang mapapahamak talaga siya kaya binabalak na lamang niyang umatras. Kumaripas ng takbo papalayo sa lugar na iyon.
"Aba anak, bilisan mo na nakakahiya kay Mr. Salazar tsaka bakit kaba umaatras na bata ka?" Maang na tanong naman ng kanyang Papa.
"Tay sorry pero......ayyyy! Woi, kabayo! Bitiwan mo ako... ibaba mo nga ako, haysss.... hoy manong!" Tili niya.
Bigla ba naman siya nitong pinangko, animo nagpasan lang ng isang sakong bigas ang mokong.
Sabay pabagsak siyang iniupo sa upuang nasa harap ng pare. Buti na lang malambot ang upuang iyon.
"Hoy! Sino ka para buhatin ako ng gano'n ha! Ayoko na, hindi ako magpapakasal! Kalokang manong 'to!" Inis na wika niya dito.
Magsasalita pa sana siya pero biglang ilinapit ang mukha nito sa mukha niya. Agad niyang nahigit ang kanyang paghinga, pero langhap niya ang mabangong hininga ng lalaki.
"s**t! Mauuna yata ang kiss the bride nitong mokong na 'to ah!" Tili niya sa isipan.
Mamula-mula pa naman ang labi ng lalaki at dahil don, dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata. At tila naghihintay na may lumapat na labi sa labi niya.
"Wag mo akong inisin dahil kapag nabwesit ako sa'yo, baka pagsisihan mo ang kaya kong gawin sa factory ng lola mo." Wika nito na mahina man, pero may pagbabanta.
Agad naman niyang naimulat ang mga mata.
"Gagi! Bubulong lang pala ang kumag!" Palatak niya sa isipan.
Pulang-pula pa tuloy ang kanyang pisngi dahil tamang hinala siya, sa halik nito. At talaga hinintay pa niya, kelan pa siya nagka-interes sa halik ng lalaki?!
Pero agad siyang umayos ng upo, natakot siya sa sinabi nitong iyon tungkol sa factory ng kanyang lola.
At ilang sandali pa, nagsimula na ang seremonya ng kasal.
ITUTULOY