KABANATA 4

1315 Words
"YOU MAY KISS THE BRIDE." katagang tumaginting sa kanyang tenga na binigkas ng pari. Tapos na pala ang seremonya, kasal na siya. Asawa na siya ng gwapong mama na ito na nasa kanyang harapan. Jusko kung totoong kasalan lang ito, siguro magiging masaya siya. Ganito ba naman ka-gwapo at kalinis ang araw-araw mong makikita sa pagmulat ng mata mo. Mukhang kahit na babae ang trip nya eh, bigla yata siyang naging bakla pagdating sa manong na ito. Napatingin siya sa iilang mga bisita nila na pawang mga kamag-anak lang naman ng lalaki, ang ingay kasi ng mga ito. Isinisigaw ang “kiss the bride” kaloka, parang normal na kasalan lang ah. At talagang may pa-kiss the bride pang nalalaman. Pero kabado bente talaga siya, iniisip niya kung saan na sila magtutungo after nitong kasalan kuno na ito. Siguro naman sa bahay pa rin nila, o baka sa bahay ng groom. Napatingin siya sa lalaki, aba at malalim kung tumingin. Teka nga, parang gusto nga yata nitong sundin ang sinasabi ng pari. Pero kaloka, gan’on ba talaga iyon? Hindi pa siya ready eh, tsaka wala sa usapan ito. Hayss, pahamak talaga ang kanyang ate. Lagot talag ito mamaya sa kanya kapag nahawakan niya ang kanyang cellphone. Nasa kanyang Mama kasi niya ang cellphone kaya hindi siya makatawag sa Ate Princess niya. Pero mukhang may balak nga ang mokong na halikan siya. Naloko na, hindi niya alam kung anong amoy ang bibig niya. “Ay shittt! Oo nga pala hindi ako nag toothbrush!” halos maimbyernang tili niya sa isipan. Naloko na, oo nga pala sa pagmamadali niya kanina hindi na niya nakuha pang masipilyo. Ay shiittt, kung minamalas ka nga naman. Hindi na nga tamang tao iyong makakakuha ng first kiss niya, nakakahiya pa dahil baka amoy imburnal ang bibig niya. “Juskoooo ano ba naman kamalasan mo ito Honeylet! Kaloka ka!” inis na wika niya sa sarili parang nais tuloy niyang batukan ang sarili dahil sa puro na lang kapalpakan. Muli na namang nagkaingay ang mga bisita. “Kiss the bride!” “Kiss the bride!” Sigaw muli ng mga ito, parang nais niyang mag super saiyan ng mga oras na iyon. Iyon bang magbuga siya ng makapal na usok at bigla siyang mawala sa harapan ng groom niya at mga bisita. Maya-maya ay napaangat ang kilay niya ng hawakan nito ang kanyang belo. “Hoi, anong gagawin mo?!” eksahederang tanong niya dito. Napakunot noo naman ito. “Eh di ano pa? Malamang iki-kiss ka gaya ng request nila.” masungit na sagot nito sa kanya. Napakagat labi siya at agad na nag-isip ng alibi. “Ahmmm m-manong, ay este Apollo p-pwedeng mag-request.” nakangiting wika niya dito. Talagang pina todo cute niya ang mukha para hindi ito magalit at mapapayag niya. Biruin mo iyon, sa kasal na lamang niya naalaman ang name ng groom niya na ngayon ay ganap na niyang asawa. “Bakit, ano iyon?” kunot noong tanong nito pero binitiwan nito ang kanyang belo. Kaya naman nakahinga siya ng maluwag. “Ano kasi, f-first kiss ko ikaw kapag nagkataon. Pero gusto ko sana na ipagpaliban na lamang muna natin, pwede bang sa reception na lang kung meron man? Ano kasi eh, na-aano ako, uhmm naiilang.” napapangiwing turan niya dito. Pero mukhang sablay, sa itsura pa lamang nito. Sa aura pa lamang ng mukha nito na halos mag-isang linya na ang guhit sa noo nito eh tiyak na niyang hindi ito sang-ayon. “Ano tayo mga bata na naglalaro dito? Hindi mo ba alam na mahalaga ang kiss dahil iyan ay sumisimbolo na kasal na tayo at mag-asawa na tayong dalawa? Hindi ko akalain na isip bata pala ang anak ni Mr. Imperial na ipapaasawa sa’kin!” halata sa boses nito na naiinis na ito sa kanya. “Ano ba naman ‘tong mama na ito, seryoso agad. Shiitt pano ko ba sa kanya sasabihin ang reason ko? Ang lakas lakas pa ng loob ko kanina na pumikit noong akala ko hahalikan niya ako, iyon pala hindi pa ako nagtoothbrush! Baka amoy na amoy pa sa bibig ko iyong kimchi na pinapak ko kagabi.” wika ulit niya sa sarili. Halatang asar na asar na talaga ang lalaki. Ang mga bisita naman ay tila naguguluhan sa kanya, at tsaka baka napapaisip na kung bakit hindi pa rin siya hinahalikan ng groom. “A-Ano kasi…. Hay bahala na nga!” palatak niya. Agad niyang iniangat ang belo, nagulat naman ang lalaki. Mabilisan niyang ni-check ang hininga niya. Dalawang beses niyang ibinuga iyon sa kamay niya sabay amoy. Nanlaki naman ang mata ng lalaki tila hindi makapaniwala sa ginawa niya. Tawanan naman ang mga bisita. “Tang*na! Amoy kimchi nga!” palatak niya sa isipan. Parang gusto na lamang niyang maglaho ng tuluyan, gagi first kiss niya iyon pero nakakahiya ang amoy ng kanyang bibig. Nag-isip siya ng pwedeng gawin. Gulong-gulo naman ang lalaki sa kanya, siya naman ay napatingin sa labi nito. “Gagi, labi pa lang mukhang mabango na!” wika pa niya sa isipan. Kaya naman lalo siyang nahiya dito. “Miss, okey ka lang? Woiiii…” tanong pa nito, iginalaw pa ang kamay sa harap ng mukha niya. Bigla siyang nakaisip ng paraan. Mabilis niyang hinatak ang necktie ng lalaki at pikit mata niyang inilapat ang labi sa labi nito. Pagkalapat, agad niyang itinulak ang lalaki. Hindi niya nakontrol ang pagtulak, at dahil hindi rin iyon inaasahan ng lalaki kaya naman patihaya itong napabalandra sa sahig ng simbahan. Mabilis naman niya itong dinaluhan. “Ohhh!” “OUchh!” “Naku po!” Ilan lamang sa mga naging reaksyon ng mga bisita. “N-Naku! Sorry Apollo, kaloka ka bakit ka naman tumihaya diyan!” bulalas pa niya habang tinutulungan itong tumayo. “Nagtanong ka pa!” inis na wika nito. “S-Sorry na… Oh tapos na iyong kiss ha. Huwag ng humirit!” wika pa niya dito. Nakangisi siya, ito naman ay todo simangot sa kanya. Tawanan naman ang mga bisita maging ang pari na nagkasal sa kanila. Mas okey ng mapagtawanan siya ng lahat ‘no kesa naman matuklasan nitong wala pa siyang toothbrush. Mamaya, hindi lang amoy kimchi ang bibig niya, baka mag amoy panis na laway pa mahirap na ‘no. Tsaka paki ba niya kung hindi maipinta ang mukha nito. Basta naibigay na niya ang hiling ng lahat na kiss, smack lang iyon halos ilang segundo lang na naglapat ang labi nila pero iyon na rin ‘yon. Pero pwede na iyong silyo ng kasal nilang dalawa. Tangka na siyang aalis sa harap ng altar para sana lumapit sa kaniyang mga magulang ng bigla siya nitong hawakan sa braso. “Anak nang! Bitiwan mo nga ako!” galit-galitang singhal niya dito. Pero ang totoo, kabado bente talaga siya dahil mukhang nagalit sa kanya ang lalaki. Baka mapagbuhatan pa siya nito ng kamay. “Sinong may sabi sayong tapos na?” nakangising tanong nito sa kanya. Nanlamig nama ang buo niyang katawan dahil sa ngising iyon. “Hoy Apollo, umayo…..ugghhh…” banta sana niya dito pero hindi na niya naituloy dahil bigla siya nitong kinabig sabay sinibasib ng halik ang labi niya. Nanlalaki naman ang mga mata niya dahil sa ginawa nito, pero dahan-dahan ding napapikit iyon at ninamnam na lamang ang marahas na halik ng lalaki sa kanya. Hanggang sa namalayan na lamang niyang tinutugon na pala niya ito. “Gagi, ang sarap nyang humalik!” tili niya sa isipan. Tuluyan na siyang nadala ng halik na iyon, kaya naman kahit hindi marunong aba eh mapusok na rin ang paraan ng pagtugon niya dito. Pero biglang itinigil ng lalaki ang paghalik nito sa kanya. “Reserve mo yang wild side mo mamaya sa first night natin, wag dito nasa simbahan pa tayo.” tila nakakalokong bulong nito sa kanya. Hiyang-hiya tuloy siya, halos magkamatis ang pisngi niya dahil sa pamumula. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD