Kabanata 5
“Matapos ang mga picture taking na hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pang mag-picture-picture eh hindi naman seryosohan ang kasal na iyon.
Kahit nga sa kanyang groom na akala niya matanda pero hindi pala. Sa tingin niya hindi rin ito seryoso, hindi lamang niya alam kung bakit ito pumayag na basta basta sa ganoong setup.
Napaka imposible naman na basta na lamang ito papayag ng gano'n na kahit hindi pa sila nakikita ay agad-agad na pumayag itong magpakasal sa kanya. Ni hindi man lamang nito inaalam kung ano ang itsura niya at kung ano ang kalagayan niya sa buhay.
Pulos kamag-anak lang naman nito ang mga dumalo pero nakikipag-plastikan na lamang din siya sa mga ito. Kapag lumalapit ang mga ito para magpa-picture sa kanya ay ngumingiti na rin siya.
Tsaka sayang naman ang ganda niya ng time na iyon, kung tutusin moment niya iyon dahil minsan na lamang siya maging maganda. Syempre naman sa araw-araw ba naman niya sa mundo ay palaging pogi lamang siya para sa mga kaibigan at mga kaklase niya.
Syempre para sa kanya napakapogi din niya, alam din kasi ng mga kaibigan niyang hindi siya straight.
Ngayon lang talaga siya nagulat ng husto sa kanyang itsura at natuklasan na maganda rin naman pala talaga siya lalo na kung naka-make up.
Pero naiimbiyerna na talaga siya, ilang oras na rin ang mga seremonya ng kasal pagkatapos nga ng kasal nahalikan pa siya ng wala sa oras ng walang hiyang groom niya.
First niya, ganon-ganon lang ang pagkawala. Tapos hindi pa mawala-wala sa isip niya ang amoy ng bibig niya.
Pinagbigyan na nga niya ito ng smack, para naman hindi na nito malanghap ang bibig niya.
Aba ay talagang nilapa ba naman ng husto ang kanyang labi, kahit na ayaw nga niya dahil nakakahiya. Hindi siya nag-toothbrush.
Pero ang walang hiya parang hindi alintana na ang amoy ng bibug niya, hindi man lang nandiri na halikan siya ng husto.
“Sus, kunyari ka pa nagustuhan mo naman, sarap na sarap ka nga. Muntik ka pa ngang bumigay ng husto kahit na nasa simbahan ka pa!” tila nang-aasar na wika ng kanyang isipan.
Natampal tuloy niya ang noo dahil naalala niya ang kapilyuhan ng lalaki sa kanya, pilyo pero may bahid na pang uuyam.
Matapos ang mga picture taking, minabuti niyang lumabas na ng simbahan, paki ba niya sa manong na asawa nya daw. Maaga siyang nagising dahil sa kasal na iyan.
Sobrang abala sa pagtulog niya samantalang anong oras na siya nakatulog kagabi halos alas kwatro na ng madaling araw iyon kaya talagang antok na antok na siya nabuhay lang ang kanyang diwa dahil sa kasal. At sa halik ng mokong na iyon.
Ngayong tapos na ay parang gusto na niyang humilata sa kanyang kama at matulog na lamang doon maghapon.
“Oh saan ka na magtutungo anak?” narinig niyang tanong ng kanyang Papa.
Nalampasan na pala niya ito.
“Uuwi na Pa, antok pa ako sobra eh. Gusto ko ng matulog!” sigaw niya sa ama dahil medyo malayo na siya dito.
Nakita niya na tila may sinasabi pa ang kanyang ama pero nagre-diretso na siya sa parking lot kung nasaan naka-park ang bridal car na sinakyan niya kanina.
Magpapahatid na lamang siya sa driver sa kanilang bahay dahil talagang napapapikit na siya ng husto at nangangati na rin ang kanyang katawan dahil sa kanyang suot-suot na damit pati na ang kanyang make-up parang gusto na niyang burahin dahil pakiramdam niya ang bigat bigat at ang kapal na ng kanyang mukha.
Nakahinga siya ng maluwag g makita niya agad ang bridal car na sinakyan niya kanina.
Binuksan niya agad ang pinto niyon, buti na lang hindi naman pala naka-lock. Maya-maya ay lumapit ang driver sa kanya na nasa may gilid lamang pala ng sasakyan at nagninigarilyo.
“Manong, pwede bang pakihatid na ako sa amin. Hindi ba at alam mo naman na ang bahay namin, doon pakihatid na ako please.” pakiusap niya dito.
“Ha? Pero Ma’am sabi po kasi ni Sir….”
“Please Manong, idlip lang ako ha. Napapapikit na kasi ako eh, gisingan mo na lamang ako kapag nasa tapat na tayo ng bahay namin.” bilin na lamang niya dito.
Tsaka minabuti niyang pumikit na dahil sa totoo lang antok na antok na talaga siya.
Tulog mantika siya lalo na kung puyat, hindi sana tama na matulog siya lalo na at hindi naman niya kakilala ang driver pero hindi na niya mapaglabanan ang antok.
SAMANTALA
Paikot na ang hanap si Apollo sa kanyang bride, iyong babaeng amoy kimchi ang bibig.
Natawa na nga lang siya dahil na-gets agad niya kung bakit katawa-tawa ang mga ikinilos ng bride daw niya.
Mukhang ni hindi nakapag- toothbrush ang babae, gaya ng tinawag sa kanya kanina ni Rhea, ang baklang inatasan niyang magtungo sa tahanan ng mga Imperial.
Gaya na lamang din sa kahilingan ng kanyang Lolo Pilo, o Apollo I. Ang kanya kasing daddy na matagal ng yumao ay si Apollo II kaya siya ang third. Pero ayaw niyang magpatawag ng Thirdy gaya ng mga tinatawag sa kanya ng kanyang pamilya.
Mas gusto niya ang Apollo, para sa kanya kasi dapat lamang na sa tunay niyang pangalan siya ng mga ito tawagin. Ayaw niya ng nickname lang.
Napilitan siyang magpakasal sa babaeng napupusuan ng kanyang Lolo dahil sa iyon daw talaga ang nakatakdang mangyari, bata pa lamang daw siya ay Usapan na iyon ng kanyang lolo at ng lolo ni ng kanyang bride pero dahil na mas naunang nawala ang lolo ng babae.
Kaya lola na lamang nito ang nakausap ng kanyang lolo pilo, Sakto namang may problema ang mga ito sa maliit na factory na naipatayo daw ng ama ng asawa nito kaya pumayag ang apo nitong magpakasal sa kanya.
Ang hindi lang niya maunawaan ay kung bakit mukhang ang alam ni Miss Kimchi, ay ang kanyang Lolo Apollo ang mapapangasawa nito.
KUng tutuusin masyado pang bata ang bride, kung hindi siya nagkakamali mga nasa early 20’s ang babae. Kumpara sa edad niyang 35 de hamak na mas matanda siya dito, pero bakit mas gusto pa yata nitong mapangasawa ay matanda.
Mukhang pera siguro ang babae kaya ang nais ay apat na M ang mapangasawa. Matandang Mayaman Madaling Mamatay, doon siya nainis kanina.
Batid naman niya sa kanyang sarili na maganda ang pangangatawan niya, may itsura din naman siya. Bagay sa kanya ang kanyang kasuotan at talagang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan pero dahil sa kompanya ay hindi na niya nakuhang magseryoso sa mga nakakarelasyon niya.
Tama na sa kanya yung mga fling at mga pagpaparaos kapag nangangailangan siya ng babae.
Pero wala pa talagang babaeng nakakuha ng interes niya. Hanggang sa kanina ng bumungad ang napakagandang bride sa pinto ng simbahan.
Kahit na halatang napipilitan lamang ang pag ngiti nito habang naglalakad ito papalapit sa kanya ay hindi pa rin iyon nakabawas sa kagandahang taglay ng babae.
Kahit na nakayuko nga ito at ayaw pa rin talaga siyang makita hindi pa rin maitago ang kagandahan nito.
Alam naman niya na hindi nais ng babae na magpakasal sa kanya dahil na rin sa kagustuhan nitong maisalba ang factory ng lola nito kaya siguro ito pumayag.
At siya naman ay pinagbigyan na lamang din ang kahilingan ng kanyang lolo dahil nga sa matanda na ito at ayaw na niyang biguin pa. Para sa kanya eh wala lang naman iyon kahit hindi nila seryosohin.
pero talagang halos malaglag ang kanyang panga ng pumasok na kanina ang bride pero nairita lamang siya dahil ayaw talaga nitong siya ang mapangasawa at parang mas gusto pa ang kanyang lolo na kung tutusin napakatanda na nito.
Halos hindi na nga makalakad ng walang alalay at walang tungkod pero tinanong pa nga nito na kung bakit siya daw ang groom. Hindi daw ba ang kanyang lolo, kahit sino naman talaga maiinsulto dahil parang mas gusto pa nito ang matanda kaysa sa kanya.
Tapos ang dami pang kalokohan kanina pero hindi talaga niya makakalimutan ang tamis at lambot ng labi nito na kahit na amoy kimchi ay nakadagdag pa iyon sa sarap ng lasa ng labi nito.
kaya naman balak sana niyang parusahan ito sa pamamagitan ng halik dahil sa ginawa nga nitong biglang paghila sa kanya at smack lamang ang nais nitong halik.
Pero ayon nga talagang hindi na niya napigilan ang kanyang sarili, ilang minuto ba naman ang paghahalikan nilang dalawa na halos lapain na nga niya ang labi ng babae. At sa kanyang pagkagulat, tumugon din ito ng mas marubdob sa paraan ng halik niya.
Para tuloy nais niyang hilahin na ito palabas ng simbahan at dalhin kung saan para ito ay maangkin na niya.
Pero pinigilan niya ang kanyang sarili dahil nasa simbahan sila at nakakahiya din sa mga magulang nito.
Patuloy pa rin siya sa paghanap sa babae kung ano-ano ang naiisip niya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone nakita niya na si Manuel iyon.
Ang driver niya na pinag-drive muna sa bridal car para ihatid ang kanyang bride sa simbahan.
Sinagot niya ang tawag nito at mapangiti siya ng wala sa oras sabay tatango-tango pa.
“Hayaan mo na, dalhin mo na lang sa hotel ingatan mo lang ng hindi magising mukhang pagod na pagod ang asawa ko.” wika niya kay Manuel.
Biglang nasamid ito, siya naman ay nagulat din sa lumabas sa kanyang bibig kailan pa niya inisip na totoong asawa niya ang babae pero ayun at talagang tinawag na niya ito na “asawa ko”.
Magalang naman na nagpaalam sa kanya ang driver pero bago pa patayin nito ang call ay natawa pa siya dahil naririnig niya ang malakas na hilik ng babae.
Talagang naaaliw siya dito kakaiba ang energy ng batang iyon, mukhang isip bata pa nga kasi talagang napaka-energetic.
Iyon nga lang mukhang para dito ay laro-laro lamang ang lahat. Siya man ay gano'n din, pero mukhang biglang nagbago ang kanyang plano.
Napangiti siya tsaka tumakas na rin sa mga bisitang nasa simbahan para magtungo na lang din sa hotel kung saan dadalhin ng kanyang driver si Miss Kimchi.
ITUTULOY