KABANATA 6

1536 Words
Kabanata 6 Saktong dumating si Apollo sa parking lot ng hotel na pag-aari ng kanyang lolo. Kadarating din naman ng bridal car kung saan nakalulan ang kanyang asawa. Sa unahan ito nagpark. Sa taas ng hotel na iyon ang kanyang penthouse. Pero hindi doon ang deritso niya, sa helipad ng hotel dahil magtutungo sila sa Palawan para sa sa kanilang honeymoon kuno. Mismong ang kanyang lolo pa ang nagpa-book at pumili ng hotel na kanilang pupuntahan. Syempre wala naman siyang tanggi doon, sumusunod na lamang siya sa nais ng kanyang lolo para wala ng problema pa. Ayaw niyang bigyan pa ito ng sama ng loon at isa pa balak din niyang makipagkasundo sa babaeng ipapakasal sa kanya. Iniisip niya na hindi magtatagal ang kasal na iyon, nais lamang niyang paligayahin ang kanyang lolo at makita nito na ikinasal siya. Pero hindi niya aakalain na maagaw ang atensyon niya ng babaeng ipapakasal sa kanya ng kanyang lolo. Akala niya katulad lamang ito ng karamihang mga babaeng nagpapalipad hangin sa kanya. Karamihan niya doon ay nakukuha niya ng walang kahirap hirap at matapos niyang makuha ang gusto sa babae ay itatapon na lamang ito na parang basura. Sa mga kilos at pananalita ng babae ay siguradong malayong malayo ito sa ideal woman niya. Lalo na ang kakulitan nito at parang umaastang bata. Sa totoo lang ayaw na ayaw niya ang ganoong ugali para sa isang babae ngunit ang hindi niya maintindihan kapag ang babae ang nangungulit sa kanya at kinakitaan niya ng mga ugaling ayaw na ayaw niya ay bakit para bang okay lamang iyon sa kanya. Kaya mas lalo siya na curious sa babae, siguradong napakalaki ng agwat ng edad nilang dalawa. Pero wala naman siyang magagawa dahil ang kanyang lolo at lolo nito ang nagkasundo para sa kanilang kasal na dalawa. Pagkatapos niyang mabilis ang mag-park ay agad na siyang bumaba ng kanyang kotse at lumapit sa bridal car na noon ay kaka-park pa lang din. Mukhang magigising na ang babae para siguro sabihin dito na kailangan ng mga itong magtungo sa rooftop. Pero inagapan niya ayaw niyang magising ang babae dahil sigurado or baka mangulit na naman ito sa kanya, ayaw niya ng maingay. “Oh Sir Apollo!” Nagulat pa nga wika ng kanyang driver. “Sumunod ako dito sa inyo dahil naisip ko na baka matagal pa ako pag nanatili pa ako sa simbahan. Teka kumusta nga pala ang asawa ko?” tanong niya sa driver. Nagpaliwanag pa rin siya dito kung ano ang dahilan dahil nga naman halos nauna pa siya na dumating dito paharurutin ba naman niya ang sports car niya para lang maabutan ang mga ito. Akmang bubuhatin na ito ng kanyang driver, kaya bigla jiya itong pinigilan. “Ako na sa kanya Manuel paki-park na lang ng maayos yung kotse ko.” pigil niya sa lalaki. “Sige po sir.” Sagot na lamang nito sa kanya tsaka iniabot niya ang susi ng kanyang kotse dito. Iyon lang at umalis na ito para puntahan ang kanyang kotse hindi kasi iyon maayos ang pagkaka-park dahil sa pagmamadali niya. Ilang sandali pa ay pinagmasdan ang kanyang asawa na noon ay nakasuot pa rin ng traje be boda at tulog na tulog sa likod ng kotse na akala mo ay nasa bahay lang. Ang lakas lakas pa ng hilik nito, na sobra siyang naa-amaze dahil ngayon lang siya nakakita ng babaeng malakas pa sa baboy kung humilik. Wala din itong pakialam sa itsura nito natawan nga lang siya dahil naka-wedding dress ito pero may suot-suot palang short na panloob ay mahaba na parang pambasketball. Kaya kahit na nakabukaka ito ay walang makikita. Mabuti na lamang dahil syempre ibang tao ang kasama nito sa kotse maganda pa naman ang babae at kahit na parang timang ito at masyadong magaslaw kumilos ay malamang pag nasaan pa rin ito ng kung sinong makakakita dahil binti pa lamang nga ay makinis na paano na lamang ang legs nito. Kaakit-akit pa iyong tingnan dahil medyo balbon ang babae at lalong nakadagdag iyon sa ganda ng binti ito. Hanggang sa mapadako ang kanyang paningin sa pagitan ng hita nito. Na kahit may mahabang itong short ay hindi nakasagabal iyon para hindi niya mapansin. Kapansin-pansin kasi iyon dahil maumbok doon, bigla siyang napalunok ng laway ng maisip na baka matambok talaga ang noo ng kepyas nito kaya nakaumbok iyon. Automatikong napahawak siya sa kanyang batuta na nasa pagitan ng kanyang hita, nagalit kasi iyon at tumayo na animo nais na araruhin ang katambukan nito. “Gag* ka men, wala sa usapan na pagnanasaan mo ang babaeng iyan!” suway niya sa kanyang sarili. Kailan pa siya nagnasa sa babaeng kung anong pantay ng likod, ganon din ang pantay ng harap. Ang gusto niya ay iyong mga babaeng maumbok ang pang upo at malusog ang hinaharap. Kaya naman malayong malayo ang itsura ng kanyang mapapangasawa sa mga gusto niyang babae. Iyong tipong paglalaruan niya sa kama. Kaya ang ipinagtataka niya wala pa ngang ginagawa ang babae heto at ang tindi na ng epekto sa kanya. Nagulat siya ng naubo ito at animo nagkanda-samid samid pa. Pero halos malaglag ang kanyang panga ng makita na umaagos ang laway nito sa bibig. Pero patuloy ito sa pag-ubo kaya ang ginawa niya ay nilapitan niya ito qt bahagyang iniangat ang ulo. Mukhang nalulunod pa ito sa sariling laway. Napailing na lamang siya at natawa dahil kahit na bahagya niya itong iniangat para tumigil sa pag-uubo at parang nagkanda samidna nga ito sa laway nito eh hindi pa rin nagising talagang tulog mantika pa ang babae. Minabuti niya kumuha ng tissue na nasa may dashboard ng kotse para punasan ang bibig nito pati na pisngi nito na basa sa laway. May ganitong klase pala ng babae dahil sa matinding paglalaway ay muntik pang malunod sa laway lang nito. Pero ang ipinagtataka niya imbes na ma-turn off siya sa babae heto at tila aliw na aliw siya sa mga kapintasan nito. Ginawa niya ay binuhat na lamang ang babae mukhang kahit anong gawin niya dito eh wala pa rin balak gumising. May ganito pala kalalang matulog na babae, nakakamangha na nakakainis. Hindi naman siya nahihirapan dahil sa elevator naman sila dumaan. Dumiretso na siya sa rooftop para makaalis na sila. Ilang sandali lamang at nasa rooftop na nga sila nandoon naman na ang chopper na nag-aabang sa kanila na maghahatid patungo sa sikat na hotel sa Palawan. Wala nga siya sanang time sa mga ganito gusto niyang tanggihan ang nais ng kanyang lolo kaya lang iniisip din kasi niya nabakansumama ang loob ng matanda kapag hindi niya napagbigyan. Hindi naman kabigatan ang babae kaya hindi naman siya masyadong nahirapan, maya-maya ay sinalubong na sila ng isa sa mga staff sa hotel na naghihintay sa kanila. Tinulungan siya nitong maisakay ang tulog pa ring babae. Nang okey na ang lahat, nagsimula na silang maglakbay sa himpapawid. Ilang minuto na silang naglalakbay ng mapansin niyang kumilos na ang babae. Naalimpungatan na ito, pero napangiwi siya dahil sabay-pahid ng laway nito sa pisngi. Parang wala pa rin ito sa sarili tumingin ito sa kanya na nakakunot ang noo. Sabay tingin din sa dalawang kasamahang nasa unahan. Tsaka kunot noo nitong inilibot ang mata sa himpapawid. “Oh! N-Nasaan tayo manong?!” tanong nito, dinig naman niya iyon kahit nasa helicopter sila dahil may headset naman sila na may mic na din para magkarinigan pa rin sila sa loob. Hindi na lamang niya ito pinansin, pero parang timang ito na tinitingnan pa ang labas. Kahit di naman kasi niya ito sagutin, alam na nito ang sagot sa tanong nito. Maya-maya ay tila naduduwal ito, napasimangot siya. Humarap ito sa kanya na nakatakip ang palad sa bibig, lalo lamang niya itong sinimangutan. Pero halos manlaki ang kanyang mga mata at napahiyaw pa nga siya ng bigla itong sumuka. Ang masaklap, sa dibdib niya iyon napunta. “Tang*na! Honey! Kadiri ka naman!” singhal niya dito na hindi maipinta ang mukha. Pero ang pasaway, nakatulala lamang ito at bahagya pang nakaawang ang labi na nakatingin sa kanya. Tila wala itong pakialam sa ginawang kababoyan sa kanya. Sabay napangiti ito ng pagkatamis tamis na may pakisap-kisap pa ng mata, sabay ipit ng buhok nito sa gilid ng tenga at tingin sa kanya na tila kinikilig. Lalo siyang na-imbyerna dito. “T-Tinawag mo akong honey?” nabubulol na tanong nito sa kanya, at tila kilig na kilig ang pasawa. Mas lalong halos mag-isang gatlang ang guhit niya sa noo dahil sa sinabi nito, na imbis na mag-sorry iyon pa talaga ang namutawi sa labi nito. “Wag ka ngang feeling d’yan! Honeylet pangalan mo diba? Pinag-iksi ko lang kaya naging honey, feeling mo naman gagamit ako ng endearment sayo! Kapal mo ha!” inis na wika niya dito. “Ay…Naku, o-oo nga pala…” nakangiting wika na lamang nito pero mas tamang sabihing nakangiwi. Sabay talikod sa kanya, at tila hiyang-hiya pa dahil napansin niya ang pamumula ng pisngi nito. Nakita pa niyang tinuktukan nito ang sariling ulo. Napailing na lamang siya, at halos maduwal habang nakatingin sa damit niya na may suka nito pati pundilyo niya ay inagusan ng suka. Kung pwede lang manakal ng balahurang babae kanina pa niya ginawa. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD