KABANATA 7

1551 Words
Halos matunaw naman sa hiya si Honeylet dahil sa katangahan niya, isipin ba naman niya na honey na ang tawag nito sa kanya. Bakit siya kinilig ng wala sa oras kung di ba naman siya timang. Honeylet ang pangalat niya, siguro tinamad lang itong idagdag iyong let sa honey kaya honey na lamang ang sinabi tinawag nito sa kanya. Tsaka nasukahan niya pala ito, at talagang nginitian pa niya ito ng husto, ang pasaway talaga niya sobra. Pano niya nagagawang ngumiti samantalang ito ay hindi na maipinta ang mukha. Siya nga na walang suka ay amoy na amoy ang baho ng suka niya, ito pa kaya na nagkalat sa damit nito at pundilyo nito ang suka niya. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin kaya minabuti niya na tumalikod na lamang dito para hindi na makita ang galit na pukol na mga tingin nito sa kanya. “Ano ba naman iyan Honeylet, bakit ba puro kapalpakan ka na lamang talaga! Jusko naman kakahiya ka na sa totoo lang!” palatak niya sa sarili. Kung bakit naman kasi nasa helicopter sila, ang alam niya tulog lang sya sa bridal car eh, tsaka bakit kasama niya ang kumag na ito ay samantalang nais lamang niya na umuwi sa kanilang bahay, matulog doon maghapon sa kanyang silid. Pero heto at bigla na lamang siyang nagising na nasa kalawakan na pala, akala pa niya ay nasa langit na siya dahil may ulap at nakikita na niya ang mga kabahayan at mga building sa ibaba. Malay ba niya na nasa helicopter siya eh sa hinagap hindi talaga niya man lang naisip na sasakay siya sa ganitong sasakyan. Takot kasi siya sa matataas na lugar pero dahl sa kagagahan niya, ayon heto at ni hindi niya magawang tumili. Para bang mas naging concern pa siya sa sasabihin ng lalaki sa kanya. Ang inaalala niya kung saan siya nito dadalhin parang sinabi nito kanina na sa Palawan. Magaganda ang lugar doon at dinarayo nga ng mga turista kaya pangarap din niyang magtungo doon. Pero akalain ba naman niyang makakapaunta siya doon na may kasama at mismong honeymoon pa nila. “Jusko, ano bang gagawin ko para maiwasang hindi niya kuhain ang parte niya. Baka pagdating doon pwersahin ako ng walang hiyang ‘to. Hayss ate Princess naman kasi bakit naman kasi ako pa ang pinalit. Hindi naman pala matanda ang groom eh, kaloka kung pwede lang tumalon na dito sa helicopter na ito ginawa ko na. Kaya lang ayoko pa ma-dedz! Sayang naman ang kapogian ko kung di mapapakinabangan ng mga girls.” wika niya sa sarili. Halos isiksik na niya ang sarili sa gilid ng chopper na sinasakyan nila, ayaw niyang mapalapit kay Apollo. Mahirap na baka masakal na siya nito dahil sa sobrang inis sa kanya. “Umayos ka ng upo, baka malaglag ka diyan!” inis na wika nito sa kanya, nagulat pa siya dahil malakas ang boses nito. Syempre malakas iyon sa tenga niya dahil headset ang gamit nila. Mabilis tuloy siyang napatuwid ng upo para bang kusang sumunod ang katawan niya dito. “Hmmp! Ang sungit naman.” bulong niya. “Ano iyon, may sinasabi ka?” nagulat siyang tanong nito bigla sa kanya. Gagi, naka headset pala siya kaya maririnig nito kahit na bumulong lamang siya. “Wala, s-sabi ko salamat.” nakangiwing wika niya dito. Tsaka dahan-dahang umusad papalapit dito. Pakapa-kapa pa siya ng isang kamay, ayaw kasi niyang mapadikit dito. Pero nasobrahan naman siya sa kapa, kaloka hita na ng lalaki pala ang nakakapa niya. Agad niyang binawi ang kamay pero nilingon niya ito. “S-Sorry.” hinging paumanhin niya. Pero napako ang kanyang paningin sa matipunong dibdib nito at sa abs nitong nakahantad, aba eh pano ba naman naghubad pala ang mokong. “Ay gagi, ang macho nya!” tili niya sa isipan. Wala sa loob na napakagat labi siya sabay hagod ng dila sa labi. “Ehemm!” tikhim nito. Sabay nakasimangot na tumingin sa kanya. Iniiwas na lamang niya ang tingin dito. Walang silang imikan, minabuti niyang pumikit na lamang dahil nakakahiya talaga ng sobra sa lalaki. May mga asar na sulyap kasi ito sa kanya, nakikita niya iyon sa gilid ng kanyang mga mata. Ilang sandali pa hanggang sa maramdaman niya na tila pababa na sila. Parang sa isang rooftop din iyon ng building. Sana all na lang talaga sa mayayaman, kaydali lang ng mga ganitong senaryo sa kanila pero sa katulad niyang nasa middle class lang ang pamumuhay. Makakasakay lang sa ganito kapag talagang kinakailangan. Swerte naman ng babaeng talagang mapapangasawa ng lalaking ito, iyong sa kanila kasi hindi niya masabi kung talaga bang mag-asawa sila o ano. May mga sumalubong sa kanilang staff ng hotel na pinagdalhan nito sa kanya. Saglit lang na nag-usap ang mga ito, humingi lang ito ng pasensya dahil sa wala itong pang-itaas tapos may mga sinabi pang iba sa babaeng staff tsaka inaya na siya nito ng maglakad na ang babaeng staff na sumalubong sa kanila. Dinala siya ng babae sa isang suit, na sobrang ganda ng interior design pang VIP talaga ang datingan. Pero nagkalata ang mga petals sa sahig ng room na iyon. May malaking kama sa gitna at may nakakalat din doong mga petals ng red roses pero naka heart shape iyon, then may mga candles. Mukhang ito na iyong sinasabi ni Apollo na magiging silid nilang dalawa, Honeymoon suite ang tawag dito kung hindi siya nagkakamali. Kaloka, kinakabahan tuloy siya mukhang mangangnib ang kanyang pukekay niya sa lalaki. Pero hindi pa rin nawawala ang pag-asa niyang hindi talaga ito tinitigasan, baka naman may balitang ganon o haka-hakang ganon kasi nga baka may problema ito sa t**i nito. “Sayang naman kung totoo nga.” wika naman ng bahagi ng kanyang isipan. Naipilig tuloy niya ang ulo, ano ba naman kasing isipin iyon. Kailan pa siya nanghinayang sa ganon. Paki ba niya kung di na tumitigas? Mas okey nga iyon, safe pa siya. Nakahinga ng maluwag ng ilang oras na siya doon eh walang Apollo na pumapsok. Mas okey iyon, mukhang pakitang tao lang din talaga na nagpakasal ito sa kanya pero ang totoo siguro katulad niya ay wala din itong planong totohanin ang kasal. Kaya lang ang problema niya ngayon, ni wala siyang dalang kahit na anong damit. Walang hiya kasi ang lalaking iyon, basta na lang siya dinala sa kung saang lugar. Mabuti na lang at nagdoble siya ng mahabang short kanina tapos nasa bag din niya ang partner niyon na jersey. Baka bukas magpasama na lang siya sa lalaki para makapamili siya ng kanyang isusuot. Sa ngayon gusto na niyang humilata sa kama at matulog na lang magdamag. Balak niyang tawagan na lang ang kanyang Ate Princess bukas para awayin ito dahil muntik pang manganib ang kepepay niya dahil sa kalokohan nito. HIndi niya alam kung alam ba ito ng kanyang ate o hindi talaga. MInabuti niyang mahiga na sa kama, napagod siya talaga ng husto at sobrang antok pa kaya balak na sana niyang matulog kahit na wala pa siyang kain, Maya-maya ay may kumatok, agad naman siyang napabalikwas ng bangon. Lakas ng kabog ng dibdib niya, naisip niya na si Apollo iyon. Hindi tuloy niya malaman kung bubuksan iyon o hindi, pero makulit ang kung sinong nasa labas kaya napilitan na siyang buksan ang pinto. Nakahinga siya ng maluwag, isa iyong staff ng hotel. May ibinigay sa kanyang paper bag na mukhang damit ang laman sa loob, napangiti siya dahil akala talaga niya ay magtitiyaga siya sa kanyang ternong jersey. Pagkabigay ng babaeng staff, nagpaalam na rin ito. Siya naman ay excited na pumasok na sa loob. Nangangati na kasi siya, nais na niyang mag-shower muna bago matulog. KInuha niya ang damit sa loob ng paper bag, pero napangiwi siya ng masilayan iyon. Isa iyong uri ng damit, kulay itim na yari sa lace. At halos kita na rin lahat, iyon bang sana di na lang nagdamit kasi wala rin namang natakpan. Halos mamula ang kanyang pisngi ng iangat niya ang tila panty niyon, lace din iyon na black na kitang kita din naman ang dapat sana tinatakpan niyon. Ang masaklap pa sa pang upo wala talagang itatago kasi parang iyong pinakabutas na lang ng pwet niya ang kayang takpan ng tila tali na paty na iyon, sa harap lang medyo may matatakpan pero silip pa rin dahil lace iyon. “Gago manong na iyon ah! May plano yatang masama sa’kin. May pa sexy lingerie, baka iba talaga ang balak nito, baka mali ang hula niya. Jusko, pa'no 'to?! Kung bata pa ang groom baka tumitigas pa talaga ang.... p*ta! Patay ang pukekay ko!" Tili niya sa isipan. Bigla namang nabuksan ang pinto ng room na kinaroroonan niya, halatang binalya ng kung sino. "M-Manong! Ay este, A-Apollo!" "Maghubad ka na!" tila naiiritang utos nito sa kanya. Dali naman nitong sabihin na maghubad, may pabigay pa ng lingerie papahubarin din naman pala siya. Sarap barahin eh! "Ha?! P-Pero...." hindi pa siya tapos magsalita ng walang pakundangang hubarin nito ang lahat ng saplot sa katawan. Kaya gano'n na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng masilayan ang mahaba, mataba at maugat nitong alaga. Galit na galit iyon, animo matigas na batuta na nais umatake sa pukekay niya. "Ay jusko po! Tumitigas nga!" Sigaw niya, sabay karipas ng takbo papasok sa banyo. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD