Mabaliw-baliw si Apollo sa kanyang asawa na kahit itlog pala ay hindi marunong magluto. “Tang*na! Kung ganyan lang pala ang mapapala ko sayo buti pang hindi na lang ako nag-asawa. Papano na lamang pala kung walang mga katulong, at wala rin akong alam sa pagluluto eh di parehas tayong nagutom!” wika niya ditong di na talaga napigilan ang pagkainis. Pangarap pa naman niya ay makaasawa ng babaeng marunong sa bahay at masarap magluto. Okey naman sa lahat sana si HOney, lalo na sa kama pero mukhang ang main na reason bilang ideal wife para sa kanya ay sablay. Heto nga asar na asar siya sa pagpulot ng itlog na nabasag dahil sa pagtalsik nito mula sa kawali. Sa inis niya, binato niya ang itlog sa trash bin. Napansin niya, tila napapikit si Honey at bahagyang nayakap ang sarili. Sumambula