Tahimik lamang silang kumakain, ang sarap pa naman ng DIY ramen niyang ginawa pero iyong kakulitan ni Honey ay biglang nawala. Hindi niya alam kung may nasabi ba siyang nakasakit dito o ano pero nakakapanibago lang talaga. “Dyan ka na sa kama matulog, dito na lang ako sa lapag.” seryosong wika nito. “Ha? Pero bakit Babe?” tanong pa niya dito pero hindi na ito sumagot pa. Hindi pa siya tapos pero tumayo na ito sa pagkakaupo. At ng makatapos siya niligpit na nito ang kanilang pinagkainan. Siya na sana ang gagawa niyon pero nagulat pa siya dahil pinaalis siya nito at ito na ang nagligpit ng kanilang pnagkainan at naghugas niyon. Halatang hindi rin ito marunong pero nagpumilit ito, iilang pirasong hugasin pero inabot ito ng halos kalahating oras sa paghuhugas. Pagkasabon kasi nito ng