Malamig ang simoy ng hangin sa dalampasigan, kung normal lang sana ang sitwasyon ay talagang masisiyahan siya at maaapreciate ang kagandahan ng lugar. Pero hindi eh, nasa alanganin pa rin siyang sitwasyon. Buong magdamag siyang hindi nakatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip ang sigaw ng anak, ang mahigpit na yakap nito kay Owen at mga tinging tila takot sa kanya. Siya dapat iyon eh, ang tingin nito na kanya ay masama na at ang Uncle Owen nito ang nais nito. Limang taon, kaytagal na panahong inaasam-asam niya na mangyari ang sandaling ito. Ang makita si Honey at ang kanilang anak. Nais sana niyang kausapin ang kanyang asawa ng masinsinan pero hindi siya makalapit dito. Katabi nga lang ng kanyang silid na inuukopa ang silid ng kanyang mag ina pero hindi niya maaaring pasu

