CLARISSE'S POV
Umikot pa ako sa harapan ng salamin para pag masdan ang ayos ko. Bihis na bihis na ako na suot ang light blue na bestida na bago mag lagpas tuhod ang haba at naka patong rin sa balikat ko ang medyo malambot na white na coat proteksyon sa lamig at sa pang ibaba naman ang simpleng puting white flat sandal.
Simpleng tint at pulbo lang ang nilagay ko sa mukha. Hinayaan ko lang naka lugay ang mahaba kong buhok, hindi na ako gaano'ng nag ayos pa sa aking sarili.
Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa aking labi at pag kasabik na matapos ng mahigit dalawang buwan makaka labas na ulit ako. Matapos naming ikasal na dalawa ni Travis, naging mahigpit siya sa akin na hindi niya ako hinahayaan na lumabas na halos bahay-skwela lang ang ginagawa ko.
Hindi ko na rin nagagawa ang madalas kong ginagawa noon kaya't labis akong nagagalak talaga na sa wakas pinayagan rin ako ni Travis na mamasyal. Kinausap ko siya kahapon at nag paalam sakanya na mamasyal kaming dalawa ni Faye sa Mall, nag babakasali na paboran niya ang aking kahilingan subalit hindi ko lubusang akalain na papayag siya kaagad.
Diba, nakaka gulat?
Maski nga ako nabigla at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi, na hanggang ngayon talaga parang panaginii lang ito.
Tumingin pa ako sa aking relo, bahagyang napa ngiti na lang na may sapat pa akong oras para sa pag kikita naming dalawa ni Faye.
Ang mahinang pag katok na lang sa pintuan ang mag patigil sa akin at maya't-maya ang pag pasok ng katulong sa kwarto. Tumigil ito malapit sa akin at pomosisyon ng tindig. "Mam Clarisse, nag hihintay na po ang sasakyan sa labas," anunsiyo neto pahiwatig na kailangan na naming umalis.
"Sige maraming salamat." Kinuha ko na ang katamtaman na purse katerno ng aking damit at sumunod na ako sakanya na tumahak papunta sa unang palapag para maka gayak na.
Pag baba ko pinag patuloy ko lang ang pag lalakad ko hanggang mag paagaw ng aking pansin na makita ko si Travis. Bihis na bihis siya at mukhang aalis, naka sunod sa kanyang likuran ang katiwala niyang tauhan na si Liam at mukhang nag mamadali sila sa kanilang kilos.
Palabas na sila sa may pintuan kaya't binilisan ko na rin ang pag lakad ko para maabutan na sila.
"Travis." Sapat na ang lakas ng boses ko para maagaw ko ang kanyang pansin. Kaagad naman napa hinto si Travis ganun rin ang katiwala niyang si Liam kaya't tumigil na ako sa harapan niya.
Isang senyas lang ni Travis kay Liam, at nakuha na kaagad neto ang ibig ipahiwatig. Nag vow na siya rito tanda ng pag galang at nauna na itong nag lakad na paalis.
Humarap si Travis sa akin, naroon ang pag kaseryoso neto kung paano niya ako tignan. "Ahh, eh. Gusto ko lang mag pasalamat sa'yo," mababa kong tinig at nanatili lang siya naka harap sa akin at walang kibo. "Maraming salamat dahil pinayagan mo akong lumabas kasama si Faye at tyak——-" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko nang may kinuha siya sa loob ng suot niyang suit, nilabas ang wallet doon at may inabot sa akin na card.
"Here take this," seryoso nitong tinig at naka titig lang ako sa kamay niya hawak ang card, nag dadalawang isip pa rin kong tatanggapin ko ba iyon o hindi.
"Ha?"
Nilapit niya ang card sa akin palatandaan kunin ko na iyon sa kanyang kamay. "Kunin mo na, nangangalay na ang braso ko!" Pag susungit na lang neto kaya't dali-dali ko naman na tinanggap kong ano ba talaga ang inabot niya.
"Sige," napa tingin na lang ako sa card na inabot ni Travis, hindi ko alam kung ano bang klase iyon dahil napaka layo naman ang itsura sa alam kong ATM CARD dahil iba nga ang kulay at itsura.
"Gamitin mo iyan na card at bilhin niyo ni Faye kung ano ang gusto niyong bilhin." Ha?
"Hindi naman kailangan pa, Travis," pag tatangi ko na lang, may sapat naman akong naipon na pera na naitago kaya't iyon na muna ang gagamitin ko. "May pera pa naman akong naitabi rito at iyon na lang ang gagamitin ko."
"Gamitin mo na nga iyan," pag pipilit niya na lamang na mapa hinto na lang ako. Tumitig na lang ako kay Travis, seryoso ang mukha at nag papahiwatig na huwag na akong umanggal pa. "Aalis na ako, kita na lang tayo mamaya." Bago ko pa maibuka ang aking bibig, tinalikuran na niya at dire-diresto na lamang siyang nag lakad palabas sa Mansyon samantala naman ako nanatili lamang naka tayo at sinusundan siya ng tingin hanggang mawala siya nang tuluyan sa paningin ko.
Wala sa sariling napa tingin na lang ako sa card na hawak ko.
Sandali, anong nanyari sa mokong na iyon?
Bakit parang may mali ata?
"STILL CLARISSE'S POV
"Mam Clarisse, nandito na po tayo." Napukaw na lang ako na mag salita ang driver. Sumilip ako sa bintana at doon ko lang napag tanto na naroon na kami sa parking lot ng Mall, kung saan kami mag kikita ngayon ng kaibigan ko.
"Sige maraming salamat," kinuha ko na ang purse para ready na umalis. "Paki hintay na lang po ako rito."
"Opo Mam," tumango na lang ito na makuha ang ibig kong sabihin at binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan. Inapak ko na ang paa ko palabas, pansin ko rin ang napaka lawak na parking lot kung saan naka park ang iba't-ibang mga sasakyan.
Napaka tahimik ng lugar at may ibang parte ng parking lot ang nilamon na nga ng dilim, na may ibang lugar kung saan tumatama ang ilaw. Mayron naman akong nakikitang mga tao na naroon subalit bilang lang talaga sa palad ko.
Pinag patuloy ko na ang pag lalakad hanggang dinala ang paa ko sa elevator, pinindot ko na ang button kung saan kami mag kikitang dalawa ni Faye sa third floor ng Mall. Ilang sandali lang at dinala na ako roon, nag lalakad lang ako at nalilibang rin sa bawat store na madaanan ko sa gilid ko.
Medyo madami-dami rin na mga tao sa Mall dahil araw ng Sabado no'ng araw na iyon kaya sa mga ganitong araw dumadagsa talaga ang mga pumupunta.
"Clarisse," ang familiar na boses na lang ang pahinto sa akin. Kaagad ko naman kina lingon kong saan nag mumula ang tinig at nakita ko na lang ang kaibigan kong abot-langit ang ngiti sa kanyang langit.
Bihis na bihis na siya at pansin ko ang pag gaan ng aura neto.
"Sorry medyo nalate lang ako ng konti, medyo traffic lang kasi. Kanina ka pa ba?" Inayos niya na ang suot netong damit na umiling na lang ako ng ulo.
"Hindi, kakarating ko pa lang," pansin ko na kaagad si Faye na tumingin sa kaliwa't-kanan ko na para bang may tinitignan siya roon. Kaagad ko naman napansin ang panaka-naka niyang pag lingon na iba para sa akin.
"Bakit, Faye?" Taka kong tinig dahil kakaiba talaga ang kilos niya.
"Ikaw lang?" Nag kasalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
"Oo naman, bakit? Anong mayron?"
"Wala, sinisilip ko lang kung mayron na naman naka buntot sa'yo na mga tauhan ng asawa mo," napa nguso nitong saan. "Hindi natin alam at baka pinapanuod at minamanmanan lang nila tayo sa malayo. Matinik kaya ang asawa mong iyan." Pabulong na salaysay ngunit narinig ko ang sinabi niya.
"Wala, hindi sila naka sunod sa atin." Bahagya akonb napa ngiti na lang dahil para siyang detective, inaalam talaga kong mayron na tauhan ni Travis ang naka sunod sa amin.
Iyon nga rin ang pinag tataka ko, simula no'ng umalis ako sa Mansyon driver lang ang kasama ko, wala ng iba. Alam ko naman na hindi naka manman na naka sunod ang mga tauhan ni Travis sa akin kagaya noon na laging naka buntot sa akin parati.
Siguro nag titiwala na siya sa akin?
Hindi ko alam, hindi ko na inaalam pa iyon pero mabuti na rin iyon na malaya kong nagagawa ang lahat ng gusto ko na walang nag babawal sa akin.
"Ts, iba pa din talaga ang kutob ko, na hinayaan ka niyang maka labas ngayon na kasama ako." May halo pa rin na pag dududa sa kanyang tinig. "Malakas ang pakiramdam ko, na may binabalak na naman na masama iyan na asawa mo. Sinasabi ko talaga sa'yo, Clarisse,"
Kinawit ko na lang ang kamay ko sakanya para hindi na siya mag tanong ng kong ano-ano. "Halika na nga, diba manuod tayo ng sine?"
"Pero talag——-" akmang lilingun pa sana para hanapin ang mga tauhan ni Travis na hinatak ko na siya pasunod sa akin.
"Halika na, Faye." Tinig ko pa na wala na siyang nagawa pa kundi sumunod na lang sa akin.
Sinulit ko na lang ang oras na kasama kami ni Faye, nanunod kaming dalawa ng sine. Hindi lang isa kundi dalawa pa na mga bago ngayon na palabas at labis akong nag enjoy dahil pareho pa namin paborito at inaabanggan ang bagong labas ngayon. Nang matapos na kaming mag sine na dalawa, inaya na ako ni Faye na kumain dahil kanina pa talaga kumakalam ang sikmura namin dahil pasado alas dos na iyon ng hapon.
Nag pahingga muna kami saglit para maibaba sa tyan dahil sa rami ng mga nakain namin bago pinag patuloy ang pamamasyal. Inaya na naman ako ni Faye na pumunta para mamili ng kong ano-ano kagaya ng mga damit, bags at shoes. Ilang stores na ang nadaanan naming dalawa na ngayon mag kasama na kaming nag lalakad na dalawa na hatak-hatak niya ang pulsuhan ko.
"Bilisan mo na, Clarisse, dali," hinatak na ako ng kaibigan ko at nag padala naman ako sa pag hatak niya. Ngayon pareho na kami may dala ng paper-bag laman ng mga binili namin kanina.
"Sandali lang Faye, saan ba talaga tayo pupunta?" Taka kong tinig na abot-langit na ang ngiti sa labi niya.
"Secret, malalaman mo na lang mamaya pag dating natin doon." Hindi na siya mag papigil pa kung saan man gusto niyang puntahan at hinayaan ko na lang siya. "I'm so excited na kaya, hihi." Hagikhik niya pa hanggang ilang sandali lang at tumigil na kami sa harapan ng store.
Cosmetic store?
Nag kasalubong na lang ang kilay ko, habang binabasa ang pangalan ng stores na kaagad naman kaming binati kaagad ng sales-lady pag kapasok pa lang namin.
Binitawan na ni Faye ang pulsuhan ko, excited na siyang lumapit sa isang aile kung saan naka display ang iba't-ibang mga cosmetic. Ilang beses ko pa siyang nahuli na kinikilig at ang mata'y may kakaibang kislap na pinapanuod ang mga naka latag doon na mga cosmetic na parang maharlika iyon sa kanyang paningin.
Pumipili na si Faye at para siyang batang tuwang-tuwa na maka kita ng mga laruan kundi ang pinag kaiba nga lang talaga cosmetic ang gusto niya.
"Ano naman iyan, Faye?" Lumapit ako at bahagyang sinilip ang pinipili niya.
"Foundation? Hihi." Tinignan niya isa't-isa ang mga shades no'n at naka lagay sa isang maganda at mamahalin na lalagyan. "No'ng isang araw kasi nakita ko ang magandang shades ng foundation kaya't bibilhin ko na siya ngayon. Kuha kana lang ng magustuhan mo Clarisse, it's my treat na." Hindi ko alam kung ano ba talaga ang sasabihin ko sa kaibigan ko.
Nakapag tataka hindi ba?
Si Faye iyong klase ng kaibigan kong hindi pala ayos at klase ng tipong babae na magugustuhan ang make-up pero heto't pumipili siya ngayon.
Nag tataka pa rin ako sa kanyang kinikilos na bigla-bigla na lang niyang nagustuhan ang mamili ng ganito na hindi naman ganito ang kaibigan ko.
Anong nangyayari?
"Ano ba ang meron? Hmm?" Panimula kong tinig. "Bakit bigla kana man ata nag kahilig sa mga make-up na hindi ito sa style mo, hindi ba?"
"Wala, gusto ko lang mamili." Kibit-balikat nitong tinig at binalik ang atensyon sa pamimili muli.
"Iyong totoo, Faye."
"Okay fine," pag susuko niya na lang at binitawan niya ang shades ng foundation na hawak niya. "May titipuhan kasi ako na bagong cute na transfereee sa other department. Napaka guwapo niya talaga Clarisse, at talino pa. Tyaka lahat ng mga pretty girls lumalapit at nag papansin sakanya."
"So, ginagawa mo ito para mapansin ka ng lalaking iyon, hindi ba?"
"Exactly, masisi mo ba ako, Clarisse?" Napa nguso na lang ito.
"Hindi, halata naman na gustong-gusto mo ang lalaking iyon." Tumango naman ang kaibigan ko. Halata nga talagang tinamaan ang bruha sa lalaking iyon na ngayon ko lang nalaman na may crush na pala ito. "Sino ba iyon?"
"Si Alfred, diba pangalan pa lang napaka guwapo na?" Para na siyang bulate na kinikiliti na binabanggit ang pangalan ng lalaking iyon. Iyong expression na pinakita ko na lang kay Faye, hindi maipinta na mukhang nadidiri na ewan. "Naisip ko kasi, baka baguhin ko ang style ko at gayahin ang mga pretty na mga babae na nag ma-make up baka mapansin at nagustuhan rin ako ni Alfred," What?
Napa awang na lang ako ng labi na pinapanuod ang kaibigan ko na kumuha na lang ng iba't-ibang cosmetics na kanyang matipuhan, kahit ako mismo hindi ko alam kung saan ba iyon gagamitin o ano ang mga iyon. Hindi rin kasi ako madalas mag lagay ng make-up kaya't wala rin akong alam.
Ilang sandali pa at natapos na rin sa wakas mag pili ang kaibigan ko, sinamahan ko na siya sa counter para makapag bayad.
"Hi, Mam total of 10,000,"
"The heck Faye, mag babayad ka talaga ng 10,000 para sa make-up lang?" Pabulong na sita ko sakanya. Seryoso ba siya rito?
"Okay lang naman para sa crush ko naman ito." Napa labi niyang tinig. "At tyaka binigay na rin sa akin ni Mom and Dad ang monthly allowance ko kaya't may naitago pa naman ako rito."
"Cash po ba Mam or kaya naman card babayaran?" Tanong ng nasa cashier.
"I'll pay by card, wait lang po." Sinilip ni Faye ang kanyang bag para hanapin ang card niya roon. "Here na," iaabot niya na sana ang card niya na una kong nilahad sa cashier ang atm na dala-dala ko.
"Here na miss." Matamis kong inabot sakanya ang card na binigay sa akin ni Travis kanina. Wala naman masama na gamitin ko ito dahil siya naman mismo nag sabi sa akin na bilhin namin kung ano ang gusto namin.
"Sandali Clarisse, is that a black card?" Gulat na gulat na parang naka kita ng multo ang kaibigan kong si Faye, na tinignan ang hawak kong card na inabot sa cashier.
"Yea, siguro?"
"Here you go Mam," inabot na sa akin ang card ng matapos na ito, na matamis na lang akong ngumiti.
"Thank you," ilalagay ko na sana sa purse ang hawak kong card na pinigilan ako ni Faye, sabay panlaki ng mata sa akin. "Bakit?"
"Hindi ka sigurado kung ano ang hawak mo ngayon?"
"Yea, a card?" card nga naman talaga. Ano pa ba?
"Hindi lang iyan simpleng card na hawak mo, Clarisse." Giit nito na kumunot na ang noo ko na hindi mahulaan ang ibig niyang ipahiwatig doon. "Ang hawak mo ngayon black card Clarisse, na iilan lang na tao ang mayron na card na hawak mo ngayon."
"Tapos?" Rare ba ito?
"Anong tapos? Iyan na black card usually pag mamay-ari ng mga mayayaman at kilalang tao lang Clarrise, na hindi basta-basta mag kakaroon ang simpleng tao ng ganiyang klaseng uri ng card.. Kung baga maharlika ang hawak mo ngayon na card, kahit mag spend ka pa ng ilang libo at million sa isang araw walang limit ang card na iyan." Wow, may ganun pala? "Kanino galing iyan? Bakit may ganiyan ka?"
"Binigay sa akin ni Travis kanina." Grabe, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may hawak ako na ganitong klaseng card.
Sa totoo lang talaga, wala naman akong alam sa mga ganito at ngayon pa lang ako naka hawak ng ganito kamarhalika na card sa tanang buhay ko.
"Ha? Si Travis? Iyong asawa mong kapatid ni Hitler?" Wala sa sariling napa tango na lang ako. "Ibang klase ha? Ngayon ko lang napa tunayan na totoo pala ang chismiss na sobrang yaman pala ng asawa mo. Akala ko fake news lang."
Hindi na lang ako kumibo pa at napa titig na lang ako sa card na hawak ko, kahit na rin ako nag tataka pa rin.
TRAVIS POV
Napa tigil na lang si Travis sa kanyang ginagawa na marinig na lang ang sunod-sunod na pag vibrate ng kanyang cellphone. Humingga muna siya ng malalim bago niya nilapag sa table ang ginagawa niyang pag babasa ng paper-work at kinuha ang cellphone.
Binuksan niya ang minsahe na pinadala ng kanyang katiwalang tauhan.
[Naka manman pa rin po ako Sir, kay Mam Clarrise. Kasalukuyan na kasama niya pa rin ngayon ang kaibigan niya, kakalabas lang nila sa Cosmetic Store,]
[Silang dalawa lang ang mag kasama at wala naman akong nakikitang may kasama pa sila,]
Napa tango lang ng ulo si Travis hanggang mag vibrate na cellphone niya muli sa kamay at lumabas na doon ang iba't-ibang kuha ng litrato kung saan kasama ni Clarisse ang kaibigan niya.
Kuha rin doon ang anggulo kung saan papunta na sila sa sinehan, restaurant kung saan sila kumain hanggang sa kasalukuyan na mag kasama silang dalawa palabas ng cosmetic store.
Pinindot ni Travis ang huling litrato na pinadala ng kanyang katiwala kaya't nag zoom na lang ang picture at doon kung saan nakita niya ang larawan ng dalawang babae na mag kasama.
Hanggang mapako na lang ang mata ni Travis sa kanyang asawa na ngayon napa tamis na ngiti ang pinukulan sa kanyang labi na naka tingin sa kaibigan neto.
Wala sa sariling napa ngisi na lang si Travis, na pinapanuod ang magandang mukha ng kanyang asawa sa pinadala ng kanyang tauhan na mga litrato.
"Ngayon ko pa lang kayo Sir, nakitang ngumiti muli ng ganiyan," unti-unti na lang nawala ang matamis na ngiti sa labi ni Travis at napalitan ng pag kaseryoso na hindi niya namalayan na nasa gilid niya na ang secretary na si Eunice, mukhang kanina pa siya nito pinag mamasdan.
Naging masungit ang itsura niyang umayos ng pag kakaupo. "Wala ka bang gagawin?"
Akward na napa ngiti na lang ang secretary at buong ingat na nilapag ang hawak na documento sa ibabaw ng desk niya. Sinusundan niya ng tingin ang ginagawa nito at bigla na lang ito na alangan sa pag obserba niya rito na kahit na rin ito hindi na naka kibo. "Siya nga pala Sir, ito na po ang mga hinihinggi niyo sa akin na mga documents na kailangan niyong pirmahan at basahin.." umayos na ito ng tindig at hindi na kumibo pa si Travis.
Nilapag niya ang cellphone niya sa lamesa, nanatili pa rin naka tayo sa gilid niya ang secretary na hindi pa ito tapos.
Kinuha ni Travis ang documents na nilagay pa lang ng kanyang secretary at sinimulan niyang tignan iyon.
"Tyaka po Sir, may meeting po kayo ni Mr. Ferrer mamayang alas singko ng hapon at pag katapos wala na po kayong sunod pang appointment.. Bukas po ng umaga, may meeting po kayo kay Mr. Logan ng 10 am in the morning but unfortunately nag pa cancel at mag reschedule na lang next week."
"Okay." Tipid niyang tinig at naka tuon lang ang atensyon at mata ni Travis binabasa ang naka lagay roon.
"At tyaka Sir tumawag si Mr. Villaforte kanina iyong Ama po ni Mam Clarisse, gusto ka raw pong maka usap. Pupunta raw siya sa Mansyon mamayang gabi." Ang salita na lang ng secretary niya ang pag patigil kay Travis at ang mata niya'y naging blangko na lang.
STILL CLARISSE'S POV
Mag kaaam na kaming nag lalakad ni Faye, bitbit ang mga napamili naming dalawa. Pasado alas singko na rin nang hapon iyon at labis na napaka saya ang aking puso lalo't matapos ang napaka habang panahon naka labas at naka pasyal rin ako.
Sinilip ko na lang ang kaibigan kong kasama mag lakad na ngayon na hindi maalis-alis ang matamis na ngiti sa labi.
"Hmm, ano happy kana?"
"Oo, maraming salamat talaga Clarisse sa mga binili mo sa akin lalong-lalo na ang mga cosmetics. Hehe." Kinikilig na tinaas nito ang hawak na mag kabilang paper-bag. "Napaka astig talaga ng asawa mo,"
"Oh, pinupuri mo na siya ngayon eh kani-kanila lang pinag dududahan mo pa si Travis," napa iling kong tinig. Kani-kanila lang nag ku-kwento siya na hindi niya gusto si Travis na nag sasalita pa siya na hindi maganda tapos ngayon, napaka astig na raw.
Ewan ko ba rito sa kaibigan ko bigla na lang nabago ang pananaw.
"Ganun talaga iyon," tinaas-baba niya pa ang balikat. "Isa na lang ang pupuntahan natin na Store may titignan ako and after that, mag hahapunan na tayong dalawa may alam akong masarap na buffet restaurant. Treat ko na talaga this time Clarisse, pang bawi ko sa'yo, dahil nilbre mo ako kanina sa mga cosmetics hehe."
Iniling ko na lang ang aking ulo at sa aming pag lalakad na dalawa may nahagip na lang ako ng aking paningin. Nakita ko ang isang sikat na bakeshop na madalas kong binibili noon no'ng pumupunta ako rito at, bigla akong natakam na makita iyon. "Sige, mauna kana Faye may dadaanan lang ako."
"Sige, itext na lang kita kung anong floor at store ako pupunta. Sunod ka ha?" Isang tango na lang ang sinagot ko at nauna na ang kaibigan kong umalis kaya't nag kumilos na ako papunta roon.
Nag lakad na ako papunta sa bakeshop at nilalampasan ko na lang ang taong maka salubong ko sa daan. Taas-noo akong nag lakad hanggang unti-unti na lang napawi ang matamis na ngiti sa aking labi may humarang na lang sa aking dinaraanan.
Kaagad nag kasalubong na lang ang aking kilay na makilala kong sino iyon.
Hindi ako naka ligtas sa galit niyang mga mata kong paano niya ako tignan na naka pamaywang na siya sa akin.
"Betina," iyan na lang naisambit ko.