Chapter 24

2541 Words
Chapter 24 CLARISSE’S POV “Betina,” iyan na lang ang nasambit kong tumitig sa mata niya’y walang halong emosyon at galit. Naka pamaywang pa siya sa harapan ko at naka taas pa ang kilay neto na naamo’y ko kaagad na nag hahanap na naman siya ng gulo. Ano na naman ba ang kailangan niya? Relax lang Clarisse, kumalma ka. Huwag mo siyang papatulan. Basta, umiwas ka lang sakanya at magiging okay rin ang lahat. Tama, ganun nga. Hinakbang ko na ang aking paa at dumaan sa gilid niya para iwasan ito subalit bago pa man ako tuluyang maka lampas, nang hindi inaasahan marahas na lang akong hinigit ni Betina paharap sakanya. Ramdam ko ang matinding galit at pang gigigil niyang naka hawak sa braso na ramdam ko ang kirot. Walang kibo na lang akong tumitig sa kamay niyang naka hawak sa akin sabay tingin ng walang bahid na emosyon. “Anong ginagawa mo? Bitaw,” malamlam subalit mababa kong tinig. Nanuya na lang siyang ngumisi sabay hatak sa akin kaya’t sumampa ang katawan ko sakanya. Sumiklab na lang ang matinding galit sa mga mata ni Betina. “Nag hahanap ka talaga ng gulo ano?” “Hindi kita maintindihan.” Sumikli rin ako ng matapang na titig sakanya. Ano bang problema niya? “Huwag mo akong gawing tanga,Clarisse!” Dumiin pa lalo ang pag kakahawak niya sa braso ko at binabawi ko naman ang sarili kong kumuwala sakanya subalit sobra pa din diin kung paano niya ako hawakan. “Masaya na kami ni Luke, pero nanggugulo ka pa rin! Lumayo ka sakanya baka hindi mo magustuhan ang kaya kong gawin.” Seriously? Kaya siya nag kakaganiyan ng dahil lang kay Luke? Hindi ko alam kong matutuwa o maiinis na lang ako na hindi na ako nangugulo pa sakanila pero heto’t pinag bibintangan na naman ako. “Bakit ano ba ang kaya mong gawin, Betina?” Hamon ko naman at hindi siya nakapag salita. “Hindi ako nanggugulo, si Luke ang kusang lumalapit sa akin. Kong ayaw mong kung saan-saan pumupunta ang boyfriend mo, pwedeng paki-talian ha?” Pang iinis ko pa lalo at hindi naman ako nabigo dahil nanginig pa ang laman neto sa pag titimpi na masaktan ako. Akala niya, kung demonyo siya. Aba, mas demonyo ako! “Tangina.” Singhal na lang nito at lalong dumiin ang pag kakahawak niya sa braso ko. Pinag halong galit at sakit ang gumuhit sa aking mga mata na tumitig sakanya na pilit kong binabawi subalit napaka higpit talaga ang pag kakahawak niya. “Ano, ba!” “Huwag ka ngang mag patawa Clarisse. Si Luke ang kusang lumalapit sa’yo? Ikaw lang naman ang parang asong lumalapit at nag mamakaawang balikan ka niya, hindi ba?” Anito. “Malayo pa lang amo’y na amo’y ko na ang kalansahan ng pag katao mo, Clarisse. Bakit sa tingin mo pa ba babalik pa rin siya sa’yo? Huwag kanang mangarap pa dahil hindi kana mahal ni Luke at ako na ang mahal niya.” “Grabe,” napa buga na lang ako ng hangin at nanunuyang tumugon. “Wala pa nga akong ginagawa Betina, pero heto’t nangangalaiti kana ngayon sa inis.. Bakit takot ka bang mawala si Luke sa’yo, o baka takot ka lang talaga malaman na ako pa rin ang mahal niya?” Nilapit ko pa ang mukha ko at parang nangamatis na ang mukha nito sa galit. Kung marunong siyang mang inis. Aba, marunong din ako! Akala niya. “How dare you!” Singhal niya na lang na tinaas niya ang kaliwa niyang kamay para bigyan ako ng malutong at malakas na sampal, bago niya pa iyon magawa na padabog ko siyang tinulak palayo sa akin kaya’t napa bitaw siya. Kulang na lang tumalsik si Betina sa lakas nang impact nang pag kakatulak ko na, binalanse niya pa ang katawan niya para hindi matumba. Inis na sinuklay na lang ni Betina ang kanyang buhok gamit ang kanyang palad at tiim-baga na lang tumingin sa akin. “Napaka walang hiya mo talaga!” Napa buga niyang tinig. “Ako, walang hiya?” Gatong kong tinig. “Mukhang mas bagay ata ang salitang iyon sa’yo Betina.” Peke na lang akong ngumiti at hindi ko na siya hinintay pang makapag salita na talikuran ko na siya. “What? Anong sabi mo?” Pulang-pula na ang mukha nito sa galit. “Bumalik ka Clarisse, hindi pa ako tapos sa’yo! Bumalik ka!” Malakas na singhal niya na lamang na imbes huminto, pinag patuloy ko na lang ang pag lalakad na animo’y parang walang narinig na mag alburoto pa lalo siya sa galit. Ang malakas at matinis na sigaw niya na lang ang tangi mo na lang narinig na pinag patuloy ko ang aking pag lalakad na may galit sa aking mga mata. ***** “Good evening po Mam Clarisse,” bati na lang sa akin ng katulong pag labas ko ng sasakyan. Humampas na lang ang malamig na simo’y ng hangin sa aking balat at ginala ko ang tingin ko at pansin ko ang ilang mga tauhan ni Travis naka bantay sa iba’t-ibang sulok. Ramdam ko ang matinding pagod at pananakit ng aking katawan sa mag hapon naming pamamasyal ng kaibigan kong si Faye. Pasado alas otso na ng gabi ako naka rating at masasabi kong ito na ata ang pinaka masayang araw sa aking buhay. Kinuha na ng mga tauhan ni Travis ang paper-bag mula sa loob ng sasakyan at mainggat na lang na inabot iyon sa katulong, na iyon ang mag hahatid sa aking silid. “Paki dala na rin iyan na mga paper-bag sa kwarto.” “Opo Mam.” Magalang naman na sagot neto. “Ito po Mam, na isang kahon? Sa kwarto ko rin po ba idi-diretso?” “Hindi po.” Kinuha ko na lang sakanya ang isang lalagyan na binili ko kanina sa bakeshop at hinawakan sa kabila kong kamay. Papasok na sana kami sa loob ng Mansyon na agad naman akong napa tigil ng mapansin ang isang itim na sasakyan na naka parada sa isang tabi. Hindi familiar sa akin ang sasakyan na iyon na mukhang mamahalin base pa lang sa itsura.. “May bisita po ba tayo?” Kina sunod naman ng katulong kong saan ako naka tingin at matamis na ngiti na lang ang sinukli. Hindi naman kasi karaniwang nag kakaroon kami ng bisita sa Mansyon kaya’t pinag tataka ko talaga nang husto na maka kita ng hindi familiar na sasakyan. “Meron po Mam, Clarisse.” Anito. “Nandito po ang iyong Papa,” Ano? Nandito si Papa? Hindi maipaliwanag ang saya at excitement sa aking dibdib na marinig na narito ngayon si Papa. Halos kasi matagal-tagal na rin ang huli ko silang nakita ni Mama kaya’t ganun na lang ang aking pag kasabik. Sabay na kaming nag lakad ng katulong papasok ng Mansyon, nauna na siyang umakyat sa ikalawang palapag para ihatid ang mga paper-bag samantala naman ako nag paiwan na lang dahil gusto kong makita si Papa. Ginala ko ang aking paningin sa tahimik at kasulok-sulokan ng Mansyon, hinahanap ng aking mata ang kanyang presinsiya subalit hindi ko siya mahagilap. Nag patuloy ako sa pag lalakad hanggang dinala ako sa napaka lawak na sala at ilang segundong lumipas nahagip ng aking pansin ang presinsiya ng bagong dating. Bagong dating na gustong-gusto ko ng makita. “Papa,” wala sa sarili kong tinig na makita ko siyang mag isang nag lalakad, pormang-porma kaya’t dali-dali na akong lumapit sakanya para batiin siya. “Magandang gabi po Papa,” pinakita ko pa ang matamis na ngiti sa aking labi, tinignan niya lang ako ng malamig at walang amor-amor na makita ako. Gumuhit ang tabang at lamig kung paano niya ako tinignan subalit pinag sawalang bahala ko na lang iyon. “Mano po, Pa,” akmang mag mamano ako sakanya subalit kaagad naman akong napa hinto muli na nilayo niya ang sarili niya sa akin. Bigla akong natigilan at hindi ko maipaliwanag ang aking maramdaman sa biglang pag iwas niya lang sa akin, na may konting kirot iyon sa akin. Isang tikhim ang pinakawala miya sabay ayos ng tindig. Hindi ko masabi kong galit ba siya sa akin o kung ano pero ramdam ko ang panlalamig niya na makita ako. “Ahh, kumain na po ba kayo Papa?” Tinig ko pa dahil hindi na ako maka tiis sa lamig sa pagitan namin ng sandaling iyon. “Sandali lang at mag papahanda lang ako ng hapunan para sainyo,” kikilos na sana ako para umalis subalit kaagad naman akong napa hinto sa malamig niyang boses. “Hindi na kailangan, busog pa naman ako.” Ramdam ko talaga ang tabang sa kanyang boses kung paano niya ako kausapin. Pinag lalaruan ko na lang ang aking palad na nanatili lamang si Papa naka tayo sa harapan ko hanggang nakita kung gumalaw ang mata niyang sinusuri ang katawan ko. Naging mabigat ang aking pag hingga ng sandaling iyon dahil hindi rin ako komportable kung paano niya ako kilatisin na may halong galit at panunuya. Hanggang tumigil ang mata ni Papa sa hawak kong dalang pasalubong, kaya’t “Ah, para sainyo po Pa.” Nilahad ko ang kamay ko para iabot iyon sakanya subalit imbes na tanggapin tinignan niya lamang iyon. “Saan ka galing?” Gumuhit ang galit sa kanyang tono na para akong batang paslit, na pinapagalitan na hindi nag paalam na umalis. “Ahh, sa Mall po namasyal kasama ang kaibigan kong si Faye.” “Inuuna mo pa talaga ang ganiyang klaseng bagay kaysa pumirmi reto sa bahay kasama ang asawa mo?” Mababa subalit ramdam ko ang galit sa boses niya. “Eh, nag paalam naman po ako kay Travis at pinayagan niya naman ako, Pa.” “Siguraduhin mo lang na wala kang ginagawang kalokohan sa pag kakataon na ito Clarisse, at pahiyain ang pamilya natin sa mga Ross!” May pag tataas ng konti ang boses niya na hindi na ako nakapag salita pa. Umiba na ang timpla ng mukha ni Papa at masasabi kong hindi na nga magandan iyon lalo’t napaka dilim na. Nilapit niya pa ang sarili niya sa akin na hindi na lang ako gumalaw sa aking kina-tatayuan, hindi ako naka ligtas sa galit niyang mga mata kung paano niya ako tignan ngayon. “Baka nakaka limutan mo kung paano ka nalagay sa sitwasyon na iyan Clarisse, na dapat nating suklian lahat ng tulong na binigay niya sa pamilya natin kaya’t kailangan mo rin gawin na bigyan si Travis ng anak!” Ha? Anak? Bigla akong kinabahann na banggitin niya ang bagay na iyon lalo’t hindi pa ako handa. Wala pa iyon sa plano ko. “Pero ho Pa, napaka bata ko pa.” Mababa kong tinig, iniiwasan kong maka sabi na hindi niya magugustuhan, na ikakagalit niya na naman. “Wala pa iyon sa plano ko tyaka nag aaral pa ako Pa, gusto ko hong maka tapos sa pag aaral at maka hanap ng magandang trabaho,” Iyon naman talaga ang gusto ko, ay iyon ang maka tapos ng pag aaral at maka hanap ng trabaho pag katapos. Ayaw ko naman na hanggang dito lang ako. Tiim-baga na humarap na lang sa akin si Papa na alam kong nasagad ko na nga siya. Kay dilim ng mustra ng kanyang mukha at may takot na namuo sa aking dibdib lalo’t kilala ko siya kung paano magalit. Alam ko ang kaya niyang gawin sa tuwing nagagalit at hindi nasusunod lahat ng gusto niya. “Please Pa, huwag niyo na muna itong pilitin. Gusto ko ho talaga maka tapos ng pag aaral mun——-“ napa singhap na lang ako na bigla na lang marahas ni Papa na hinawakan ang pulsuhan ko sabay hinigit palapit sakanya. Umaapoy ang mata niya sa galit, na nag karerahan na ang malakas na kalabog ng aking puso. “Tangina talaga! Uunahin mo pa talaga ang lintik na pag aaral na ayan? Hindi mo na kailangan pang makapag tapos dahil kayang-kaya naman ni Travis ibigay ang magandang buhay at karangyaan sa’yo at sa pamilya natin!” Giit niya pa na lalong sumiklab ang galit sa kanyang mga mata. Hindi na maipinta ang kirot sa aking mukha na pahigpit na nang pag kahigpit ang pag kakahawak niya ng marahas sa pulsuhan ko na alam kung mag iiwan iyon ng marka pag katapos. “Susunod ka sa lahat ng pinag uutos ko Clarisse, naiintindihan mo ba ako?!” Uyam niyang tinig na napa ungol na lang ako ng mahina na lalo niya pang hinigpitan ang pag kakahawak sa akin kaya’t maluha-luha na lang ang mata ko. “P-Pero Pa.” Puno ng pakiusal kong tinig. “N-Nasasaktan po ako Pa,” pilit kong binabawi ang sarili ko paalis sakanyang pag kakahawak subalit hindi ako makawala. “Tigilan mo ako sa kaartehan mo Clarisse!” Banta na lang nito na yumanig ang takot sa puso ko lalo’t kay dilim na ng mukha niya na nakaka takot na.. “Isa na lang ang trabaho mo, hinding-hindi mo pa magawa ng tama! Hindi ka marunong mag tanaw ng utang na loob, na dapat mong suklian ang kabutihan na nagawa niya sa pamilya natin sa pamamaraan ng gawin ang responsibilidad bilang asawa at paligayahin siya!” Napa singhap na lang ako nang hindi ko inaasahan na marahas na hinablot ni Papa ang suot kong coat na naka takip sa aking katawan kaya’t naagaw niya iyon sa akin. “P-Pa,” basag kong tinig na ngayon na expose na maganda kong katawan at kutis sakanya. “Ganiyan, much better!” Napaka bigat na ang aking pag hingga lalo’t tinignan ako ni Papa sa ayos ko ngayon na tila ba’y nagustuhan niya, kong ano man ang suot kong kita ang aking balat. Wala akong nakitang awa o emosyon sa kanyang mga mata, naging malamig lang iyon. “Huwag mo nang isusuot ang lintik na coat na ito, kuha mo?” Patuloy na pagalit niya sa akin na konti na lang sasabog na ang dibdib ko sa bigat na parang may naka patong roon na napaka bigat. Bakit? Bakit ganito ka sa akin, Pa? Bakit pakiramdam ko, wala akong naramdaman na pag mamahal mula sa’yo? Gusto kong itanong at sabihin ang bagay na iyon subalit wala na ako ng lakas ng loob. “P-Pa.” Tawag kong muli na puno ng pakiusap sakanya subalit hindi niya ako pinakinggan. Hindi niya ako dininig. “Haharap ka sa asawa mo ng ganiyang ayos at gagawin mo ang pinag uutos ko sa’yo. Hindi kana nagaya sa Ate Erisse mo, hindi ganitong napaka iresponsable na para kang bata na dapat pang turuan ng mga dapat gawin!” Uyam niya na lang na tinig na bago ko pa maibuka ang aking bibig, na padabog na niya akong tinalikuran. Nag martsa siyang nag lakad palayo at wala sa sariling napa yakap na lang ako sa aking katawan na dumapo ang malamig na hangin sa aking kutis. Sa bawat mabigat na yabag niya ng paa paalis, nag bigay kirot sa aking puso. Tuminggala na lang ako para pigilan na tumulo ang namumuong luha sa aking mga mata. Bakit Pa? Bakit hindi niyo man lang ako kayang mahalin, kagaya ng pag mamahal mo kay Ate? Bakit pakiramdam ko, parang hangin lang ako sa’yo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD