25
MRS. VILLAFORTE POV
Malalim na ang gabi at pababa na sa unang palapag si Mrs. Villaforte, bihis na bihis na nabalutan ng kumikinang na mga alahas ang katawan neto.
Sakto naman pag baba niya sa unang palapag ang katahimikan ng malaki niyang bahay ang unang bumunggad sakanya at katulong na abala sa kanilang ginagawa.
Pinag dikit ni Mrs. Villa forte ang kanyang palad at sakto naman na bagong dating ang kanyang asawa. Mabibigat na kaagad ang yabag ng paa nito papasok pa lang sa kanilang bahay at mukhang hindi na kaagad maganda ang timpla ng mood, pinag sawalang bahala na lang iyon ni Mrs. Villaforte dahil sanay na rin siya sa medyo masungit na ugali neto.
“Manang, paki handa ng mainit na tsa-a ang aking asawa.” Magalang na utos ni Mrs. Villaforte na nilapitan ang katulong na kasalukuyan itong nag lilinis.
“Opo, Mam.” Magalang na wika nito na makuha ang kanyang pinag uutos at nag lakad ha ito papunta sa kusina para ipag handa ito ng mainit na tsa-a.
Nang maka alis na ang katulong, lumapit na si Mrs. Villaforte sa kanyang asawa para salubongin ito. “Hon, kumusta ang pag uusap niyo ni Travis?” Iyon kaagad ang tanong niya na maka lapit na ang asawa.
Tumigil ang asawa niyang si Dominggo na pareho sila naroon sa malawak na sala. “May bagong balita na ba sa anak nating si Erisse?” Dugtong niya pa.
Iyon naman talaga ang sinadya ng asawa niya na pumunta sa Mansyon ni Travis, iyon ang mapag usapan ang negosyo na kanilang inaayos at pati na rin pag update sa bagong balita sa pag hahanap ng kanilang anak.
Bilang isang Ina, masakit at mahirap na bigla-bigla na lang ang pag biglang pag laho ng kanilang anak, na kahit sila mismong walang balita hanggang ngayon kung saan ba ito pumunta.
O kung ano na ba talaga ang nangyari dito.
Mahigit dalawang buwan na itong nawawala at aaminin niyang hindi naging madali para sakanila iyon na kahit ang pulisya wala pa rin hanggang ngayon mahanap na lead at bagong balita kay Erisse.
Nag tanong na rin sila sa malalapit na kaibigan neto subalit wala silang nakuhang lead na makapag tuturo kung asan ba talaga ito.
Araw-araw silang nag darasal sa panginoon na nasa mabuting kalagayan lang ito.
Araw-araw silang umaasa na sa bawat pag gising nila na uuwi ang kanilang anak subalit wala pa rin.
Tila ba’y parang hangin na lang ito nag laho.
“Wala pang balita, kahit na rin si Travis.” Bumagsak na kaagad ang balikat niya na marinig muli ang salitang iyon. Bigla kaagad siya pinanlumo at pinag hinaan na wala na naman silang mahanap na bagong balita.
Walang usad ang kanilang pag hahanap.
Para bang nabalik na naman sila sa zero ang kanilang pag hahanap.
“Asan na kaya ang anak natin, Dominggo? Labis na akong nag aalala. Ilang beses ko na siyang sinubukan at i-text ngunit naka patay ang cellphone niya,” nababahala niyang tinig. “Dalawang buwan ng nawawala ang anak natin at ako’y natatakot na baka may nangyari ng masama sakanya kaya’t hindi pa siya umuuwi sa atin.” Nabahiran ng lungkot at takot ang mata ni Solidad na iniisip niya ang bagay na iyon.
Bagay na posibleng na napa hamak na ang kanilang anak.
“Tumigil ka nga diyan, Solidad.” Ang masungit na tono ng boses ng kanyang asawa ang mag patigil na muli sakanyang pag sasalita. “Babalik ang anak natin si Erisse, tutulungan tayo ni Travis na hanapin siya kaya’t mag tiwala at mag hintay lang tayo sa kanyang pag babalik.” Hindi na lang kumibo si Solidad na pinag laruan niya ang kanyang palad.
Mabibigat ang yabag ng kanyang asawa na nag lakad at hindi maganda ang timpla, alam sa sarili ni Solidad na hindi lang malalim ang iniisip ng kanyang asawa, hindi lang sa pag kawala ng anak nilang si Erisse ngunit may iba pa.
“Bakit, Hon?” Basag niya muli ng tanong rito. “May problema ba?”
“Ang magaling mong anak!” Mahina subalit puno ng pang gigil na asik ni Dominggo. Ang mata’y nito sumiklab na lang ang matinding galit na alam niya sa sariling hindi simple lang na galit ang nararamdaman neto kundi matindi pa.
“Bakit, anong ginawa ni Clarisse?”
“Napaka tigas ng ulo, hindi ko alam kong kanino nag mana! Sinagot-sagot pa naman ako kanina na pinapatigil ko na siya sa kanyang pag aaral para matutukan niya ng atensyon ang asawa niya si Travis pero anong sinabi? Hindi niya ako sinunod!” Tiim-bagang wika ni Dominggo.
Ramdam ni Solidad ang panginginig ng katawan ng asawa palatandaan ang matinding galit na naramdaman, na kahit ipakalma niya hindi ito makikinig.
“Hayaan mo na Dominggo, kakausapin ko na lang si Clarisse.” Kalmado na wika ni Solidad baka sa gano’n na paraan mapa kalma niya ito. “Baka iyon naman talaga ang gusto ng anak natin kaya pag pasensiyahan mo na. Intindihin mo na lang si Clarisse kung iyon ang gusto niya na makapag tapos ng pag aaral kaya’t hayaan na muna natin siyang mag enjoy ng buhay niya sa ngayon... Inalis na natin sakanya ang kalayaan at gusto ng anak natin no’ng mag paka sundo natin siyang ipag pakasal kay Travis kahit labag sa kalooban niya kapalit lang sa posisyon ni Erisse kaya’t maging mahinahon ka lang.”
“Maging mahinahon?” Uyam na wika nito na ang umaapoy na mga mata ni Dominggo bumaling sa asawang si Solidad kaya napa tigil na lang ito. “Sa tingin mo paano ako magiging mahinahon Solidad, kong ganiyan katigas ng ulo ng lintik mong anak!” Dugtong na lang nito na maririnig mo na lang ang malakas nitong tinig sa malawak na sala, umaalingawngaw iyon.
Mabigat ang pag hingga ni Dominggo na humarap muli sakanyang asawa at tiim-baga na lang ito.
“Kong nandito lang si Erisse, hindi tayo bibigyan ng sakit ng ulo kagaya ng binibigay ng magaling mong anak! Puro problema na lang ang binibigay sa atin, hindi na nagaya kay Erisse!” Pag mamataas netong muli na hindi na naka sagot pa si Solidad, na ang mata niya’y nabahiran ng lungkot sa mga narinig mula sa asawa. “Kaya, pag sabihan mo iyang anak mo, Solidad baka kung ano pa ang magawa ko sakanya.” Banta nito sakanya na bago pa makapag sagot si Solidad, nag martsa na paalis si Dominggo paakyat sa ikalawang palapag at naiwan na lang siyang naka tayo at tinatanaw ito ng tingin paalis.
Naging malamlam at malungkot ang mga mata ni Solidad na hindi pa rin naalis ang mata sa asawang galit na galit at sakto rin ang pag dating ng katulong bitbit ang tray laman ng mainit na tsa-a na ginawa nito.
CLARISSE’S POV
“Clarisse,”
“Huh?” Nabalik ako sa realidad na mag salita ang kaibigan ko. Kasalukuyan kaming nag lalakad na dalawa sa hallway, papasok sa aming klase.
“Kanina ka pa tahimik, may problema ba?”
“Wala naman, hindi lang ako naka tulog ng maayos.” Pag dadahilan ko at binalik ko ang mata ko sa daan. Nabahiran ng lungkot ang kanyang mata na maalala niya ang galit na mga mata ng Papa niya no’ng pumunta ito kagabi sa Mansyon ni Travis.
Naalala niya kong paano nanlilisik ang mga mata neto kong paano siya tignan na mag bigay bigat sa kanyang nararamdaman.
“Mamaya pala, samahan mo ako sa national book store, may bibilhin lang ako.”
“Sige,”
Nag patuloy lang kami sa pag lalakad hanggang lumiko na kami sa hallway, naka ilang hakbang pa lang ako na kaagad napako ang mata ko sa isang tabi.
Matang puno ng talim kung paano niya ako titigan.
“Bakit Clarisse?” Takang tinig ni Faye.
Napansin naman ni Faye, ang pananahimik ko na animo’y may tinitigan kaya’t sinundan niya kong saan ako naka tingin.
Naka tayo si Betina, may di kalayuan sa amin at naka sunod sa kanyang likuran ang dalawa niyang kaibigan na parating naka buntot sakanya. Malamlam lang na sumukli rin ako ng titig ngayon kay Betina na ngayon puno ng galit ang kanyang mga mata kong paano niya ako tignan.
Ilang segundo nag katitigan ang aming mga mata at pinandilatan niya ako, na animo’y nag tataray at pag katapos hinakbang niya ang paa niya paalis kasunod ang kasamahan neto.
“Nakaka irita talaga ang Betinang iyan.” Himutok na lang ni Faye, na sinundan ng tingin kay Betina na kasama ang kaibigan neto at hindi na lang ako kumibo pa.
Maaga naman natapos ang pasok namin, pasado alas singko pasado heto’t mag kasama na kaming dalawa ni Faye nag lalakad papunta sa National Book Store.
Ilang sandali pa at naka rating na kami kaagad doon, mabuti na lang konti lang ang tao kaya’t hindi na namin kailangan pang makipag siksikan pa.
Kumuha na si Faye na maliit na basket kong saan niya ilalagay ang mga kukunin niya samantala naman ako naka sunod lamang sakanya.
“Ano ba kasi ang bibilhin mo?” Nauna na si Faye nag lalakad bahagyang tuminggin sa kaliwa’t-kanan tinitignan kong ano pa ang kakailanganin niya.
“Marami, na kakailanganin ko sa project.” Napa nguso na lang neto at may kinuha siya na naka patong na naka display sa shelves at sabay nilagay sa basket na hawak niya.
“Kumusta na iyong crush mo?”
“Ayun crush ko pa din. Hihi.” Hagikhik na parang kinikiliti na tugon na lang neto. “Kahapon alam mo ba, naka bungo ko siya at kinikilig talaga ako na kinausap niya ako.”
“Oh, anong sinabi niya sa’yo?”
“Wala lang, nag sorry lang siya sa akin tapos umalis na siya.”
“Iyon lang? Wala na kayong ibang pag uusap?” Taas-kilay kong tanong na hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi niya. Akala ko pa naman kong nakapag usap na sila ng matagal pero hindi naman pala.
“Oo,” casual na salita neto. “Pero kahit ganun lang ang nangyari sa aming dalawa kahapon na naka bunggo ko siya pero sobrang saya-saya ko na talaga Clarisse. Finally, napansin at kinausap niya ako. Kayaaah!” Tili na lang neto at kina iling ko na lang ang ulo ko.
Hindi na ako kumibo pa. “So ikaw, kumusta?” Ilang sandali na katahimikan binasag ni Faye ang katahimikan sa panig naming dalawa.
“Okay naman.”
“I mean, kumusta naman? Hindi kana ba kinukulit no’ng Luke na iyon?” Hindi na rin iba sa akin si Faye, naiku-kwento ko rin sakanya ang pag uusap namin ni Luke at kahit na rin kay Betina.
“Hindi na.” Matapos no’ng huli naming pag uusap ni Luke sa wakas naman at hindi niya na ako ginulo pa.
Mabuti na rin iyon dahil gusto ko lang naman ng katahimikan na para sa lahat.
“Aba, mabuti naman.” Anito. “Ang kapal naman ng mukha niyang lapitan ka pa niya matapos nang pag iiwan niya sa’yo noon. Isa pa ang maharot na Betina na iyan, hindi na nahiya. Ikaw pa talaga ang inaaway niya. Ang lakas pa naman ng loob!” Patuloy na himutok ni Faye.
“Hayaan mo na Faye, may pag kalalagyan talaga siya sa akin sa susunod at lalong-lalo na ang Betina na iyan,” kalmado ko na tinig.
Aba.
Sino ba siya para katakutan ko?
Marami na akong naka away.
Marami na akong pinatulan at hindi inatrasan na may mga atraso sa akin.
Sa ngayon lang talaga, ayaw kong pumatol.
Ayaw kong makipag away.
Pinapasensiyahan ko lang naman si Betina dahil alam ko sa sarili ko na wala naman akong ginawang mali.
Pero ang pag initan niya ako at pag bintangan ng dahilan lang kay Luke?
Aba ibang usapan na iyan.
Nag pipigili lang talaga ako ngayon pero sa susunod na mag hanap siya ng away, gulo ang ibibigay ko sakanya.
“Ganiyan nga, huwag kang mag patalo sa Betina na iyon pati na rin sa mga alipores niya!” Pag gigiit na lang ni Faye.
Hindi na ako sumagot pa hanggang nag patuloy lang kami sa pag lalakad na dalawa ni Faye, sinasamahan ko siyang mamili ng mga kakailanganin niya hanggang maka lipas ang dalawang minuto. “Sandali lang Faye, doon muna ako mag titingin muna saglit.” May tinuro pa ako sakanya sa pinaka dulo ng shelves na kaagad naman netong kina-tango na makuha ang ibig kong ipahiwatig.
“Sige.”
Isang tango na lang ang sinagot ko at iniwan ko na ang kaibigan ko. Tumingin-tingin na lang ako sa mga naka display doon sa shelves para mag hanap na kakailanganin ko subalit wala naman akong napili. Hanggang sa aking pag lalakad, napunta na ako sa aile ng mga books kagaya ng mga educational, novel, non fiction at kung ano-ano pa.
Nag tingin-tingin lamang ako hanggang mag paagaw sa akin ang kabilang dako doon na naka display laman lamang ng mga novels na kilalang author. Tumapat akong tumayo at kinuha na lang ang libro na matipuhan ko, na kaagad naman iyon tignan sa blurb para alamin kong anong klaseng kwento iyon.
Ilang segundo na naka tuon ang atensyon ko sa libro na iyon hanggang marinig na lang ang mabigat na yabag ng paa palapit sa gawi ko.
Pinag sawalang bahala ko na lamang at hindi tinuonan ng pansin dahil baka isa iyon sa ilang customer na hanap rin mga libro.
“Clarisse.” Ang familiar na boses ang mag pakabog ng aking puso. Napa hawak ako ng mahigpit sa libro at napa baling ang atensyon ko.
“Luke.” Wala sa sariling tinig ko na mapako ang mata kay Luke. Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko na makita siya, pinag halong galit at puot sa aking dibdib ng mga ginawa niya sa akin.
Puno ng pakiusap ang kanyang mga mata na wala sa sariling binalik ko ang libro na hawak ko sa shelves, sabay talikod na para iwan siya.
Hindi pa naman ako nakaka dalawang hakbang na humarang na si Luke sa dinaraan ko kaya’t napa tigil na lang ako.
“Clarisse, sandali.” Mahinahon nitong tinig.
“Umalis ka sa harapan ko!” Banta ko na lang na akmang lilihis na dumaan sa gilid niya subalit humarang na lang siya kaya’t lalo pang sumiklab ang galit sa puso ko.
Tangina.
Ano bang problema niya?
“Hindi ako aalis hangga’t hindi mo ako kinakausap.” Puno ng talim kong tinignan na nag babanta na pinapatay siya sa talim ng titig ko.
Aba!
Ang kapal naman ng pag mumukha niya.
Matapos ng pag iiwan mo sa akin, ang lakas ng apog mong makipag usap sa akin na parang wala lang?
“Wala akong panahon sa’yo, Luke.” Pag tatapos ko ng usapan. “Pwede ba tantanan mo na ako? Ayaw na kitang makita at maka usap pa!” Tinangka kong dumaan sa kabilang gilid niya muli, umusok na lang ang ilong ko na humarang na naman siya.
Anak nang!
“Clarisse, just please.” Puno ng pangingusap ang kanyang mga mata na hindi pa rin nag bago ang emosyon na pinapakita ko sakanya. “Mag usap tayo, pakiusap. Pag usapan natin ang tungkol sa atin.”
“Sa atin? Nag papatawa ka ba?” Hindi ko alam kong matatawa o maiinis ako sa sinabi niya. Tangina talaga. Ang kapal talaga ng pag mumukha niya. “Wala ng natin Luke, tinapos mo na hindi ba? Iniwan mo ako sa ire, may pangako tayo sa isa’t-isa na babalikan mo ako tapos anong nangyari? Hindi ka nag pakita… Hindi mo na ako binalikan!” Nilabas ko lahat ng puot at sakit na matagal ko ng kinikimkim sakanya.
“Para akong baliw nag hahanap sa’yo araw-araw at aalala kong ano na ang nangyari sa’yo dahil hindi ka sumasagot sa text at tawag ko. Tapos ngayon papakita ka sa akin na parang wala lang sa’yo ang lahat, Luke?” Mapakla kong pag kakasabi, na nabahiran lamang ng lungkot ang mata niya.
Puno ng lamlam at pakiusap na pakinggan ko siya.
Wala na.
Tapos na ako sakanya.
Tapos na ang pag titiis at mga luha ko sakanya.
“May dahilan ako kung bakit nagawa ko iyon sa’yo, Clarisse kaya’t hindi na ako naka balik. Hindi ko naman intensyon na saktan ka ng ganun but I swear to God, gusto kong balikan ka ng panahon na iyon Clarisse. Gustong-gusto.” Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan ang kamay ko na tila ba’y mayron siyang nakakahawang sakit na iniwas ko ang sarili ko palayo sakanya.
Gumuhit lang ang lungkot at sakit sa kanyang mga mata, hindi ko alam kong bakit ganun na lang ang pinapakita niyang emosyon.
“Talaga ba? Hindi intensyon? Wow ha!” Napa buga na lang ako sa hangin na nunuya. “Sabihin mo sa akin, bakit nga ba talaga hindi kana bumalik Luke?” Tanong ko na bigla siyang natigilan.
Iyon naman talaga ang matagal ko ng gustong malaman, kong bakit?
Bakit hindi siya bumalik?
Bakit iniwan niya na lang ako nang ganun-ganun lang?
Araw-araw kong tinatanong ang sarili ko noon kung ano ang nagawa kong pag kakamali at bakit bigla na lang siyang nag laho ng ganun na lang.
Iyon ang gusto kong malaman.
Umiba kaagad ang emosyon sa mga mata ni Luke, kanina puno ng lungkot pero ngayon bigla siyang natakot. Bigla siyang namutla na ngayon ko pa lang siya nakita ng ganito.
Siya na kaagad ang lumihis ng titigan naming dalawa at maya’t-maya pa siyang napapa lunok ng laway na animo’y may tinatago siya sa akin.
May hindi siya sinasabi sa akin.
Ramam ko iyon dahil biglang nag iba ang ihip ng hangin sa pagitan naming dalawa.
Katahimikan ang nanaig sa aming dalawa ni Luke at sa bawat segundong lumilipas na pagiging tahimik niya, lalo lamang yumayakap ang matinding galit at sakit sa puso ko.
“I get it,” mapakla kong tinig. “Hindi mo na kailangan pang mag paliwanag pa sa akin, Luke. Alam ko na,we’re done.” Final kong tinig na akmang aalis na sana subalit nag paiwan pa siya ng sasabihin.
“So you’re pushing me away because of him?” May halong kirot ang kanyang tinig na pag kakasabi niya kaya’t wala sa sariling napa lingon ako muli sakanya.
“Ano?”
“You’re pushing me now because of your darn husband? Siya ba ha?” May pag tataas ng konti sa kanyang boses. Ano bang problema niya?
“Mahal mo na ba siya ngayon Clarisse kaya’t pinag tutulakan mo na ako ngayon palayo?”
“Ano bang pinag sasabi mo?” Napa buga kong tinig. Hindi ko na alam kong ano na ang tumatakbo sa isipan niya. Nababaliw na ba siya? “Hindi ko rin kailangan pang mag paliwanag pa ang sarili ko sa’yo, Luke.”
“Hindi siya kagaya ng iniisip mo, Clarisse.” May pahiwatig nitong tinig n kumunot noo na lang ako. Ano daw? “Hindi siya lubusang kilala, masama siyang tao.”
“Talaga lang, Luke?” Nanuya kong tinig at nilapit ko pa ang sarili ko sakanya. Nakipag titigan na hindi natatakot sakanya na taas-noo na puno ng galit ang mga mata ko. “You know what? Sabihin na natin, hindi ko siya lubusang kilala, pero ikaw? Kilalang-kilala rin kita Luke… Ikaw lang ang duwag na lalaking iniwan ako sa ire at napaka iresponsable.” Uyam kong tinignan at hindi ko na siya hinintay pang makapag salita pa at tinalikuran ko na siya.
Nanginginig na ang laman ko sa inis at galit sakanya at hindi pa naman ako nakaka layo at naramdaman ko na lang ang pag hawak niya sa pulsuhan ko.
“Sandali lang, Clarisse hayaan mo akong mag paliwanag sa’y——-“ hindi ko na siya pinag salita pa na nang sinampal ko na binigyan ko siya ng malutong at malakas na sampal.
Nanigas na lang ang katawan ni Luke, hindi na naka kilos dinarama ang malakas na pag kakasampal ko. Pulang-pula na parang kamatis ang mukha ko sa matinding galit sakanya. “Sa susunod na sinubukan mo akong hawakan at kahit hibla ng aking buhok. I swear to God, papatayin kita! Papatayin kita!” Matinis kong banta na hindi na siya naka imik pa.
Tiim-baga ko na lang siyang tinignan at nag martsa na paalis na hindi ko na namalayan na naka kuyom na ang aking hkamao sa matinding galit.
Napaka hayop niya.
Hayop!