26
TRAVIS POV
Mariin pinikit ni Travis ang kanyang mata, ninanamnam ang mahina at magandang musika. Kanina pa siya naka upo sa single couch sa loob mismo ng kanyang silid, naka cross-legs at parang hari kung umasta base sa kanyang prostura.
Naka patong ang kaliwang kamay ni Travis sa sandalan sa upuan, samantala naman ang kamay niyang isa may hawak na baso may laman ng matapang na whiskey na kanina niya pa iniinom ng sandaling iyon.
Napuno ng katahimikan sa silid na iyon, na madarama mo ang lamig lalo’t may ibang parte ng silid nilamon na ng dilim na kokonti lang ang makikita mong liwanag roon na naka bukas.
Ang pananahimik na pag inom ni Travis, bigla na lang napukaw na madama ang pag vibrate ng kanyang cellphone. Wala sa sariling kinuha niya iyon at tinignan na galing lang iyon sa katiwala niyang tauhan.
“Good evening Sir, nandito na po sa Mansyon si Mam Clarisse,”
“Kakarating lang namin,”
Pag babalita na lang ng tauhan ni Travis na ginalaw na lang ang kanyang panga.
Binalik ni Travis na binaba ang hawak na cellphone, perinteng nag hihintay lamang hanggang ilang sandali lang rinig na niya ang pag bukas-sara ng pintuan tanda na may pumasok sa loob.
Kasunod na lang ang yabag ng mahina at mabagal na pag lakad na alam ni Travis sa kanyang sarili na ang asawa niya na iyon. Tahimik niya lamang itong pinapanuod sa isang sulok ng loob ng silid ang pag dating ng kanyang asawa, walang imik na nag lalakad at hindi napansin ang presinsiya niyang kanina pa naroon sa loob ng kwarto.
Nakaka ilang hakbang pa lamang ito na binasag niya na ang katahimikan.
“Saan ka galing?” Ang malagong niya na lang tinig ang iyong maririnig na kamuntik nang atakehin sa pag kagulat. Kaagad na hinanap ng mata ni Clarisse kong saan nag mumula ang malagong ma boses na iyon hanggang mag tagpo ang kanilang mga mata. Kahit medyo may kadiliman sa loob ng silid, nakita niya pa rin ang gulat na hindi inaasahan na naroon siya sa kwarto.
Hindi rin naka ligtas sa kanyang pag masid ang pag hawak neto na lang ng medyo mahigpit sa bag na dala neto.
“Ah, Sa Mall sinamahan ko lang si Faye, may binili lang siya.”
Hindi na umimik pa si Travis, sa sinabi neto subalit pinag laruan niya na lang ang hawak na baso sa kanyang kamay at walang pasintabi na nilagok iyon. Hindi alintana sakanya ang pait at tapang na humahagod sa kanyang lalamunan, na unti-unti niya rin iyon binaba.
“Ahh.” Iyan na lang ang naisagot niya na kina sandal niya ang likod sa upuan na hindi pinuputol ang malamig niyang pag titig rito. “And then?”
“At pag katapos, kumain rin kami sa Cafe at umuwi na ako.” Hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan si Clarisse sabay lunok ng mariin na hindi na ito makampanti sa malamig niyang emosyon na binibigay rito.
“Kayo lang na dalawa?” Pabahol niyang tanong muli na kinagat neto ang ibabang labi sabay sumagot.
“Oo, kami lang na dalawa.”
Bahagya pa siyang napa tango ng ulo at pakawala ng malalim na buntong-hiningga. “Wala na bang ibang nangyari sa pag labas niyo ngayon?” Ang salita niya na lang ang mag palikot ng mata nito.
“W-Wala na.” Pag tatapos neto ng sasabihin na alam niya sa kanyang sarili na tila ba’y wala itong sinasabi sakanya. “Sige na, kailangan ko na mag palit ng damit,” naging malilikot na ang mata neto at hindi na maka tingin ng diretso sakanya pag katapos kumilos na itong umalis.
Sinundan na lang ni Travis ng tingin ang kanyang asawa palayo hanggang nilagok niya na lang ang huling laman ng matapang na inumin sa kanyang baso, hindi dinarama ang pait at tapang no’n.
Tinaas ni Travis ang hawak na cellphone at pinindot niya ang conversation na pag uusap nila ng katiwala niyang tauhan kanina.
Binasa niya ang palitan nila ng conversation kanina hanggang inisroll up niya na makita niya ang samo’t-saring mga litrato.
Litrato kong saan palihim na kinunan ang kanyang asawa ng litrato kasama ang kaibigan neto palabas ng sasakyan.
Litrato na nag lalakad silang mag kasama sa loob ng Mall hanggang pumasok sila sa National Book Store.
Hanggang ang huling litrato kung saan nahagip na nakuhaan na kasama ni Clarisse ang ex- boyfriend nitong si Luke na naka hawak sa pulsuhan neto.
Tumiim-baga na lang si Travis na napa titig na lang sa litrato na mag kasama ang dalawa na mukhang seryoso na nag uusap, na unti-unti ng nabahiran ng galit ang kanyang mga mata.
Sa isang iglap naging nakaka kilabot ang mga mata ni Travis na hindi niya inaalis ang mata sa litrato.
BETINA’S POV
“Tina, are you free on Wednesday?” Jena.
“Not sure, kasi may date kami ni Luke that day. Why?” Halukip kong tinig na mag kakasama kami ngayon sa Cafeteria and we’re having a lunch. Medyo matao-tao rin sa loob dahil na rin pasado alas onse na iyon at iilan rin sa mga estudyante bakante na.
Sinasamantala nila ang pag kakataon during break hours para sa susunod nilang pasok.
Pumila na kami para maka pili ng lunch at hawak namin ang tray kong saan ilalagay ang mga napili namin kakainin. Mag kakasunod lang naman kaming naka pila at ako ang nasa unahan nilang dalawa.
“Mag va-vacation kasi kami ng family ko sa tagaytagay. Tinatanong ko lang if available ka. Sasama rin si Cath.” Jena.
“Oo, Tina sumama kana para naman makapag bonding na rin tayo dahil nakaka stress kaya this past few days sa rami ng gagawin.” Cath. Natapat na ako sa unahan at nag simula na akong kumuha ng gusto kong ulam at ganun rin ang kaibigan kong naka sunod lang sa akin. “And besides let’s unwind naman dahil malapit na exam natin.”
“Cath, has a point Tina,” pag sasang-ayon ni Jena. “Medyo matagal-tagal na rin last bonding natin kaya sumama kana.” Pag hikayat na lang nitong sumama na ako sakanila but I already have my own plans.
“I’m so sorry guys, mukhang hindi ako nakaka sama.” Aniya ko. “You know naman si Luke busy lately at ngayon lang kami makakapag date dahil busy din siya sa training sa nalalapit nilang tournament.” Gustong-gusto ko naman talagang sumama sakanila pero may plans na kami ni Luke na mag da-date kaming dalawa at iyon ang inaabangan ko sa lahat.
Nito kasing mga araw, busy na si Luke sa training at wala na kaming panahon sa isa’t-isa na hindi na kami masyado nag bo-bonding dahil puspusan na ang kanilang ginagawang training at ganun na rin ako busy rin sa school
Kaya’t no’ng sinabi sa akin ni Luke na lalabas kami this kaming Wednesday, tuwang-tuwa talaga ang puso ko. Hindi ko papalampasin ang pag kakataon na ito na sulitin at pag handaan ang date naming dalawa.
“Ahh, ganun ba? Sayang naman kong hindi ka makakasama sa amin.” May halong pag kadismaya naman sa tinig ni Jena. Nababasa ko naman na inaabangan niya sa lahat na makakasama ako sa pag alis nila.
Natapos na kami sa pag pila sa mga pag kain kaya’t mag kakasunod na kaming tatlo nag hahanap ng mauupuan.
“Oo nga Tina, but don’t worry we will buy you na lang some pasalubong at stuff na gusto mo sa Tagaytay kahit hindi ka makaka sama sa amin, right Jenna?” Catherine.
“Yea.” Jena.
“Thanks, guys.” Pinakita ko na lang ang matamis na ngiti sa aking labi na lumingon sa kaliwa’t-kanan para maka hanap ng mauupuan dahil nangangalay na ang paa ko na sampung minuto na naka tayo at gusto kong maupo na.
Hindi na maipinta ang aking mukha dahil wala naman akong makitang ibang bakante na upuan dahil medyo dumagsa na nga ang mga tao sa loob ng Cafeteria.
Iyong kanina na medyo maluwag-luwag na pero ngayon heto bigla naman napuno out of the blue. The heck!
Gustong-gusto ko na maka upo at maka hanap ng pwesto at nag kataon naman na walang bakante.
Kainis naman.
“Oh Jeez, ngayon pa talaga nawalan ng bakante.” Pag iinarte ko na lang na tinig.
“Just relax Tina, tiyak na maka hanap naman tayo ng empty seat.” Pag papakalma naman ni Jena dahil alam niyang mainipin ako.
Tumulong na lang din ang mga kaibigan ko maka hanap ng mauupuan para maka kakain na nga kami hanggang sa aking pag hahanap lamang sa tao sa loob ng Cafeteria, bigla uminit ang mag kabila kong pisngi na mahagip ng aking mata ang familiar na bulto na bagong dating lamang.
Isang bulto ng isang tao, na biglang kumulo ang dugo ko na makilala iyon walang iba kundi si Clarisse.
Ano ang ginagawa ng babaeng, iyan dito?
Hindi ko alam sa tuwing nakikita at nararamdaman ko pa lang ang presensiya ng babaeng iyan, bigla na lang ako naiinis at nagagalit na walang dahilan.
Just because he’s Luke's ex-girlfriend.
At higit na rin sa lahat,that fvcking girl stealing my boyfriend.
Hindi ako makakapayag na agawin niya sa akin si Luke.
Mag kakapatayan talaga kaming dalawa kong nag kataon.
“Oh she’s here.” Nanuyang tinig ko na lang na sinundan ito ng tingin papasok pa lang sa Cafeteria, hindi siya nag iisa kundi may kasama ito walang iba kundi ang kanyang parang linta na kaibigan, na si Faye!
“Sino?” Cath.
“That b***h, Clarisse.” naka taas na ang isa kong kilay, puno ng talim ang aking titig na sinusundan sila ng tingin na nag lalakad sa Cafeteria. Bawat kilos at galaw niya, lahat ng iyon big deal sa akin.
Wala naman akong gusto sa lahat ng mga ginagawa niya kundi lalo lamang akong naiinis.
Sinundan ng mga kaibigan ko kung saan ako naka tingin at wala na silang imik pareho na makita nila si Clarisse, ilang distansiya lang ang layo mula sa amin.
Hindi na naalis ang matalim na titig ko sakanya, na pinapatay siya.
Bakit ba hindi mamatay-matay ang babaeng ito?
“Ayun, naka hanap na ako ng pwesto natin.” Jena at may tinuro na ito sa kabilang dako, hindi na ako interesado na lingunin pa kong saan iyon na naka centro lang ang atensyon ko kay Clarisse.
“Let’s go, Tina.” Aya naman ni Catherine na maya’t-maya napapa sulyap sa akin binabantayan kong gagawa ako ng anumang gulo na sugudin ang walang hiya na Clarisse na iyon.
Hindi naman malabo, dahil possible na gawin ko iyon kapag hindi ako nakapag timpi na sakanya.
Nauna na ang dalawa kong kaibigan para maupo na sa silya na nakita nila samantala naman ako, labag sa kalooban na sinundan ko na sila at nag paiwan na ako ng matalim na tingin kay Clarisse bago ako sumunod.
Nang maka lapit na kami sa pwesto sakto naman may naka pwesto doon na nerd na lalaki, mag isa lang siya kumakain at mukhang lalampa-lampa sa itsura niya pa lang.
“Anong ginagawa mo diyan? Move!” Sindak na lang ni Jena sa lalaki kaya’t para siyang aso na takot na takot at pinag papawisan na makilala kong sino ang nasa harapan niya ngayon. “Faster! Ano ba!” Pananaboy ni Jena na medyo may pag tataas na boses kaya’t napa tango na lang ito nang sunod-sunod:
“Sige po.” Natataranta na ang lalaki na dali-dali niya naman na kinuha ang tray na kinakain niya na hindi na nakalahati na tapusin. Kulang na lang madapa ang pangit na nerd sa pag mamadali na takot na takot para sa sarili niya.
“What a weirdo!” Hirit pa ni Catherine na napapa iling ng ulo na sinusundan ang pangit na nerd na iyon palayo.
Nag ngitian na lang kaming tatlo bago namin napag pasyahan na maupo sa bakanteng silya kasama nila. Habang naka upo ako sa silya nilapag ko na ang hawak kong tray sa table at nag simula nang kumain ang mga kaibigan ko. Imbes na kumain, napako na lang ang mata ko sa gawi ni Clarisse, na naroon pa rin na nakikipag usap sa kaibigan niya.
Lalo lamang akong uminit ang mata ko na pinapanuod siya na abot langit ang ngiti sa labis.
Nakaka inis.
Nagawa mo pa talagang ngumiti matapos mong lumalandi ka sa boyfriend ko?
Ang kapal naman talaga ng pag mumukha mo!
Buong higpit ko nang hinawakan ang tinidor sa matinding pang gigil at galit sakanya matapos maalala ko pa rin ang pag haharap namin noon sa Mall.
“Tina, kong nakaka matay lang talaga ang matalim na titig siguro, nauna na iyan si Clarisse pinag lalamayan panigurado.” Gatong naman ni Jena na mag pabalik na lang sa akin sa realidad. Doon ko lang napag tanto na kanina pa pala siya naka masid sa akin at napa buga na lang ako ng hangin.
“Aba, dapat lang para mawala na ang salot na iyan sa buhay ko!” Labas sa ilong na himutok ko. “Ughh I hate her!” Inis na lang akong napa sandal sa silya na hindi ako magiging okay hangga’t nakikita ko pa rin ang babaeng iyan dito sa Campus!
Hindi matatahimik ang buhay ko hangga’t hindi siya nawawala sa landas ko.
“Just relax, Tina.” Cath na kasalukuyan na kumakain na pinaningkitan ko naman siya ng mata kaya’t napa lunok siya ng mariin. Halatang kabado lalo’t ang matalim kong titig napunta na sakanya..
“So tell me Cath, paano ako mare-relax na umaaligid pa rin ang babaeng iyan sa boyfriend ko, huh? Tell me!” Medyo napa taas ng konti ang aking boses at naihampas ko ang kamay ko sa lamesa kaya’t maka gawa ng malakas na tunog, na mag paagaw namin ang atensyon ng katabi namin na table.
Fvck it!
Nanlisik na lang ang mata ko na hindi kami naka ligtas sa maka hulugan nilang pag titig sa gawi namin na table, na mariin ko na lang pinikit ang mata ko. Sinapo ko ang aking mukha, na sinandal ko ang aking siko sa lamesa.
Ilang segundo akong ganun na posisyon pilit na pinapakalma ang namumuong galit sa aking dibdib.
Kumalma ka lang Betina, kumalma ka lang.
Pag papasunod ko na lang sa sarili ko at baka sa pag kakataon na iyon mahimas-masan na ako.
“Oh my god. Totoo ba ito? Totoo ba ito?” Ang tinig ng kaibigan kong si Jena ang mag paagaw na lang ng aking atensyon na bigla na lang siya nag panic.
“Ano iyan? Anong tinitignan mo?” Usyuso na tinig Catherine, na nag uusap silang dalawa at hindi ko alam kong ano iyon.
“So it’s true talaga nga.” Jena na, gulat na tinig. “So totooo nga talaga na lumalandi ang Clarisse na iyan sa boyfriend mo Betina.” Ang salita na lang ni Jena ang mag angat na lang sa akin ng tingin.
“What?” Nag kasalubong na ang kilay kong nag pabaling-baling ng tingin sakanila na ngayon may naka tingin sila pareho sa cellphone ni Jena na animo’y may tinitignan doon. Hindi na maipinta ang mukha ng kaibigan ko halatang nagulantang at hindi na makapaniwala kong ano man ang nakita nila sa cellphone na iyon. “Anong sabi mo?” Tumaas ng konti ang aking boses kaya’t inis kong hinablot ang cellphone ni Jena, na maagaw ko naman iyon.
Tinignan ko kong ano ang kanilang tinitignan at nagulantang na lamang ako na makita ang larawan.
Larawan na mag panginig ng aking laman.
Laman ng mag bigay galit sa aking dibdib na ang larawan na iyon kuha na mag kasama si Luke at si Clarisse.
Napa kurap na lang ako ng aking mata at bigla ng uminit ang aking mata na naka pako sa larawan na halatang palihim na kinunan.
Naka hawak si Luke sa pulsuhan ni Clarisse at mukhang seryoso at base pa lang sa kanilang itsurang mukhang seryoso silang nag uusap na kuha iyon sa parang Library na hindi ko matukoy kong ano man na lugar iyon.
Napako ang aking mata sa larawan ni Clarisse kaya’t parang tubig na kumulo lamang iyon sa matinding galit.
“Sinend lang iyan ng kaibigan kong babae Betina, kasi nakita niya raw si Luke na may kasamang ibang babae sa Mall kahapon.” Jena. Bumigat na lang ang aking dibdib lalo’t nag karoon na ng kasagutan sa aking dibdb kaya hindi sinasagot ni Luke ang mga text at tawag ko dahil nakipag kita siya sa malanding Clarisse na iyan. Ang kakapal talaga ng mga pag mumukha.. “Gosh! Hindi ko naman lubusang akalain na nilalandi na pala ng magaling na Clarisse na iyan ang boyfriend mo, Betina. No wonders kong bakit medyo cold na si Luke sa’yo lately dahil inaahas na ng babaeng iyan” Gatong niya na lang muli.
Para bang apo’y na sinilaban ng ga-as ang aking dibdib kaya’t lalo lamang uminit ang galit ko ng sandaling iyon.
Napaka hayop mo talaga, Clarisse!
Napaka hayop!
Mapapatay talaga kita.
Wala sa sariling bigla na lang akong napa tayo sa aking kina-uupuan na mabigla naman ang kaibigan ko kahit na rin ang katabi namin na kumakain.
Parang kidlat lang kabilis na bumaling ako sa direksyon ni Clarisse subalit wala na siya doon, na lalo lamang akong mangalaiti sa galit na hindi ko na siya mahagilap sa loob ng Cafeteria.
Tangina talaga.
Asan na ang pvutanginang iyon?!
“Betina, just calm down.” Pag papakalma ni Catherine. “Maupo kana muna, malay mo naman nag kataon lang na nag kita sila kaya’t mag kasama sila sa pictur——-“ hindi ko na pinatapos pa ang anumang sasabihin na mabigat ko na silang tinalikuran.
“Betina, saan ka pupunta? Betina?” Tuloy-tuloy lamang ako sa pag lalakad na marinig ko pa ang pahabol nilang pag tawag sa akin na hindi ko na sila kina-lingon pa.
Mabibigat ang yabag ng aking mga paa na animo’y nag hahamon ng away at hindi ko na namalayan na naka kuyom na ang aking kamao sa higpig na pag kaka-kuyom ko doon.
I’m gonna kill you, you fvking wench!
CLARISSE’S POV
“May nakita akong masarap na juice sa vending machine doon sa kabilang building. Try natin.” Tinaas-baba na ni Faye ang kanyang kilay, na ngayon abot-langit na ang ngiti sa labi na hikayat na subukan namin iyon.
“Sige.” Mag kasabay kaming nag lalakad samantala naman ako abala sa pag kakalkal sa loob ng bag ko habang nag lalakad.
“Kanina ka pa diyan, ano ba ang hinahanap mo?” Sinilip naman ni Faye ang ginagawa ko na ngayon hindi na maipinta ang mukha ko na hindi iyon mahanap.
Asan na ba kasi iyon?
Asan na?
“Mukhang naiwan ko ata iyong notebook ko sa Cafeteria kanina.” Wala sa sariling tinig ko. Inisa-isa ko pang halungkatin ang laman ng bag ko baka sakaling naroon iyon subalit wala talaga.
Kainis naman. Asan na?
“Sigurado ka ba?” Tumango naman ako sakanya na kanina hawak ko pa lang iyon papunta na Cafeteria dahil may kinausap si Faye na kakilala niya na kaibigan sa table kasama ng ilang mga babae. Tumambay muna kami saglit doon at pag katapos umalis na rin kaagad na hindi ko na hawak ang dala ko. “Check mo nga baka nariyan lang sa loob ng bag mo.”
“Wala talaga, Faye eh.” Sure ako na doon ko lang iyon naiwan sa table dahil wala naman sa bag ko. Nanlulumo na rin ako dahil malayo na rin kami ni Faye, saka ko naalala na nawawala ang notebook ko. Kailangan na kailangan ko pa naman iyon dahil kailangan kong mag review para sa exam mamaya. “Mauna kana ha? Babalik lang ako at kukunin ang notebook ko doon baka kasi mawala.”
“Sige.”
Inayos ko na ang bag ko sa pag kakasabit sa balikat ko at nag paalam na ako kay Faye. Dali-dali na akong kumilos pabalik sa Cafeteria, nag babakasali lang talaga na maabutan ko pa ang notebook ko at hindi kunin ng ibang estudyante.
Nilakad-takbo ko na ang pasilyo para lamang mabilis na maka punta roon hanggang lumiko na ako sa pasilyo.
Napa tigil na lang ako na kusang humarang sa aking dinaraanan na mag kasalubong na lang ang kilay ko na makilala kong sino iyon.
Anak naman ng pucha oh!
“Betina.” Iyan na lang ang aking nasambit.
Hindi ako naka ligtas sa matalim at nanlilisik niyang mata kong paano niya ako tignan.
Tangina talaga.
Ano na naman ba ang problema niya?