Chapter 27

4486 Words
27 CLARISSE’S POV Napa hawak na lang ako ng mahigpit sa bag ko na ngayon puno ng talim ang pinukulan na titig sa akin ni Betina. Ano na naman ba ang problema ng babaeng ito? Kumalma ka lang Clarisse. Diba, kukunin mo ang notebook mo na naiwan sa Cafeteria? Iyon lang ang iyong gagawin at huwag mo ng pansinin pa ang Betina na iyan. Tama, ganun nga. Iiwasan mo na lang siya para sa ganun, tahimik at payapa ang lahat. Pag papasunod ko na lang sa isipan ko, dahil wala naman akong panahon para sa isang kagaya niya. Iniling ko na lang ang aking ulo at sa kahit anong mangyayari, pinutol ko na ang eye contact naming dalawa pero naroon pa rin ang nakaka matay na pag titig nito sa akin. Hinakbang ko na ang paa ko, padaan sa gilid niya para maka alis na subalit bago pa ako tuluyang maka lampas humarang na lang siya sa dinaraanan ko. Anak naman ng pucha oh? Humingga na lang ako ng malalim na kahit naiinis na ako sa pag harang niya sa akin, nagawa ko pang maging mahinahon. Nilihis ko na lang ang tingin ko sa kabilang dako para dumaan sa kabila niyang gilid subalit humarang na naman siya na tila ba’y nanadya. Bumigat na lang ang pag hingga ko. Heto’t pilit akong umiiwas sa gulo pero mukhang demonyo na ata ang kusang lumalapit at nanggugulo sa akin. Iniling ko na lang ang ulo ko muli at tatalikod sana para maka alis na subalit hindi ko na nagawa dahil may marahas na lang na may humawak sa aking braso sabay pinaharap ako sakanya. Hinatak niya ako palapit kaya’t sumampa na dumikit ang katawan ko sakanya. Sumiklab ang matinding apoy sa mga mata ni Betina na tumitig sa akin at ramdam ko ang gigil at higpit na pag kakahawak niya sa braso ko, “Halika nga dito.” Puno ng gigil na asik niya. “Talagang sinasagad mo ang pasensiya ko, Clarisse!” “Ano na naman ba ito, Betina?” Pagod na pagod na ako sa kadramahan niya na parati niya na lang akong pinag iinitan. Ang mata kong, kumilos na tumingin sa kamay niyang naka hawak sa braso ko, malamlam na binalik iyon sakanya na walang halong takot at pangamba ang puso ko. “Bitawan mo ako. Ang sabi ko bitawan mo ako!” Kalmado subalit may pag babanta kong tinig at baka hindi ko siya magawang ma- tantya kong nag kataon. “Paano kong ayaw ko?” May pag hahamon niyang tinigg na mas lalong humigpit ang pag kakahawak niya sa braso ko na bumaon na ang matutulis niyang kuko sa laman ko, na mapa daing ako ng mahina. “Binalaan na kita noon na huwag kanang lalapit pa kay Luke, pero nanadya ka talaga eh, ano? Gusto mo talaga ng gulo!” “Nahihibang kana ba, Betina?” Napa buga ko na lang ng hangin. Pilit kong binabawi ang kamay kong naka hawak niya subalit sobrang higpit na pag kakahawak niya roon na sumiklab na ang galit sa dibdib ko. Tangina talaga. Gusto niya talaga ng gulo ha? “At bakit pa naman ako mang gugulo sainyong dalawa ni Luke? Wala na akong pakialam sainyong dalawa. Diba, pinulot mo na ang basurang tinapon ko na at bakit mo naman iisipin na kukunin ko pa iyon ulit?” Pag iinis ko pa lalo na hindi naman ako nabigo dahil namula na ang mukha niya sa galit. Sige, magalit ka lang. Wala akong pakialam. Hinigit niya pa lalo ako kaya’t napa subsob ako sa kanyang katawan. Nag kakasukatan na kami ng matalim na titig sa bawat isa ni Betina, hindi rin ako nag patalo na taas-noo na matapang akong humarap sakanya. “How can you fvcking explain this, huh?” Hinarap niya sa akin ang hawak niyang cellphone na may laman na litrato. Litrato kong saan mag kasama kaming dalawa ni Luke sa Mall kahapon. Naka hawak si Luke sa akin, at para bang palihim lang na kinunan ang litrato na mag kasama kami. Paano? Paano siya nag karoon ng ganito? Ilang segundo akong nanahimik, naka pako lang ang mata ko sa litrato na pinakita niya. Nag tataka at nagulat pa rin kong paano siya naka kuha no’n. Iyan ba ang dahilan ng kinakagalit niya ngayon? Dahil lang sa isang litrato na wala naman na kwenta? Sumilay lang ang nakaka lokong ngisi sa labi ni Betina na napansin nito ang pananahimik ko, na napako ang mata sa larawan. “Oh, bakit hindi kana nakapag salita diyan, Clarisse? Nagulat ka na malalaman ko na palihim mong inaahas ang boyfriend ko?” Uyam nitong tinig. Hindi ko alam kong maiinis at matutuwa ako sa sinabi niya. Tangina, saan niya naman kinukuha ang lakas ng loob at tapang para isipin niyang inaahas ko ang boyfriend niya? “Wala akong inaahas, Betina.” Pag didiin ko pa dahil alam ko sa sarili na wala akong inaahas. Alam ko sa sarili kong wala naman akong tinatapakan na ibang tao. Nakaka inis lang dahil pinag bibintangan niya ako sa isang bagay na wala namang kwenta. . “At tyaka wala naman akong pakialam sa relasyon niyong dalawa ni Luke, Betina. Sa’yong-sayo na siya at isaksak mo na sa sikmura mo!” Asik ko pa, na hindi na lang nag bago ang timpla ng kanyang mukha. Nilapit ko pa ang sarili ko, walang bakas ng takot sa matalim at nag babanta niyang titig. “Bakit hindi mo na lang tanungin ang boyfriend mo, dahil siya naman ang lapit nang lapit sa akin at hindi iyong parati mo na lang ako pinag bubuntongan ng galit mo.” “Oh, just fvcking drop the act, Clarisse!” Pagak siyang napa tawa lamang na ramdam ko ang matinding gigil niya. “Alam naman natin kong gaano ka patay na patay kay Luke. Hindi mo matanggap ang pag iiwan niya sa’yo sa ire kaya’t sinusubukan mong sirain na ngayon ang relasyon naming dalawa kaya nag papansin ka sakanya.. Hindi ako makakapayag na isang makating hitad na kagaya mo ang mag sisira sa aming dalawa!” Tiim-baga niya na lang na asik na mapag laro naman akong ngumisi lamang sa sinabi niya. Tangina talaga. Seryoso ba siya? “Talaga lang, Betina?” Natatawa kong wika sabay hatak ko ng kay lakas sa braso ko kaya’t napa bitaw siya sa akin. Taas-noo akong humarap sakanya. “Makating hitad ako? Diba, inagaw mo naman sa akin si Luke kaya napunta siya sa’yo? ‘Di ibig sabihin makating hitad ka rin?” Nilapit ko pa ang sarili ko sa akin na animo’y nanadya at lalo lamang akong natutuwa dahil inis na inis na siya. Iyon nga ang gusto ko eh. Ang lalo pa siyang inisin! “You fvcking b***h!” Tinaas niya na ang kaliwa niyang kamay para bigyan ako ng sampal subalit bago pa iyon dumapo na mabilis kong nahawakan ang kanyang pulsuhan na labis niya naman kina-bigla na masasalo ko iyon. Hinatak niya ang pulsuhan niya paalis at lalo pang namula ang mukha niya na hindi niya na iyon nabawi pa. “Napaka hayop mo talaga, Clariss——-“ hindi ko na siya pinatapos pa ng anumang sasabihin na binigyan ko siya ng malutong at malakas na sampal sa kabilang pisngi at hindi pa ako nakuntento na sinampal ko naman siya sa kabila para naman mas pantay. Tangina, talaga. Matagal na akong nag titimpi. Matagal na akong nag pipigil. Punong-puno na ako sakanya! Nagimbal na lang si Betina sa malakas na pag kakasampal ko at parang slow-motion lang na humarap siya sa akin na hawak niya ang kabilang pisngi, dinarama ang malakas na pag kakasampal ko na namula na nga iyon. Bago pa siya maka ganti muli na inunahan ko na siya, marahas kong hinablot ang kanyang mahabang buhok sabay hatak sa akin palapit kaya’t napa arko na lang ang katawan niya ng konti. Hindi na maipinta ang mukha ni Betina sa kirot at sakit na pag kakahawak ko ng marahas sa sakanyang buhok. Hindi talaga ako mag dadalawang isip na kalbuhin siya kung nag kataon. “Ahh, you fvcking cunt! Let go of me!” Humawak siya sa kamay kong naka hawak ng marahas sa buhok niya at pilit niyang tinatanggal iyon subalit hindi pa rin ako bumibitaw. Hinatak ko pa lalo nang mas mahigpit ang buhok niya kaya’t narinig ko na lang ang ungol niya sa sakit. Asan na ngayon ang tapang mo, leche ka? “Ano, masakit ba Betina? Gusto mo bang dagdagan ko pa ang pag kakasampal ko sa’yo para naman mahimasmasan ka naman?” Gatong ko pa na pag aasar na wala na akong nararamdam na awa sakanya kundi puro galit na lang sa aking dibdib sa mga ginawa niya. “Tangina talaga, bitaw!” Umalingawngaw na ang malakas niyang tili sabay hatak ng kanyang sarili na makawala at wala naman akong planong bitawan iyon. “Bitaw sabi, tangina talaga! Kapag ako talaga makawala rito, I swear to God I’m gonna kill you b***h!” Banta niya na sumiklab pa lalo ang matinding panlilisik ng mata niya. Napaka dilim na ng aura ng pag katao ni Betina parang pinag sukluban na iyon ng langit at lupa, wala akong naramdaman na takot para sa aking sarili kong paano niya ako tignan ng matalim. Sige patayin niya ako. Hindi ako natatakot. Handa naman akong patulan ang isang kagaya niya. Marami na akong naka away na mas halang pa ang bituka kaysa sakanya at hindi ako masisindak sa isang mahinang kagaya niya. “Iyan lang talaga kong makakawala ka pa.” Aniya ko sabay hinigpitan pa lalo ang pag kakahawak sa buhok niya na ang mata niya nabahiran ng galit at maluha-luha na. Ano masakit ba? You deserve this! Sinubukan mong kalabanin ang isang Clarisse Villaforte. “Sisiguraduhin kong kakalbuhin kita, at wala akong ititira na hibla ng buhok sa’yo Betina... Tignan na lang natin kong makakapag cheerleading ka pa kong kalbo kanang haharap sakanilang lahat.” Sumilay na lang ang nakaka lokong ngisi sa aking labi na lalo pa siyang nabwisit. “Napaka hayop mo talaga!” Singhal niya na lang at nag patuloy ng nag pupumiglas siyang makawala at pinag hampas niya ako nang malakas, wala naman akong magawa kundi gumanti rin sa bawat atake niya. Nag away na kaming dalawa na hawak-hawak ko pa rin ang kanyang buhok. Lahat ng atake niyang pag hampas at pag pupumiglas na makawala sa pag kakahawak ko, lahat iyon tinatanggap ko at mas doble ang binigay kong sakit sakanya. “Ahh, tangina.” Sigaw niya na lang sa sakit na walang ano-ano kinalmot ko siya ng marahas ang kanyang leeg at hindi pa ako nakuntento pati rin ang braso niya sabay hatak ng kanyang buhok na mapa tili na lang siya sa kirot. Bawat tili at sigaw niya lahat ng iyon napaka sarap sa aking pandinig. Hindi pa ako natapos at hinampas ko siya nang kay lakas na naka hawak pa rin ang isa kong kamay sa buhok niya sinisiguro bawat atake ko sakanya, tatama talaga. Akala niya. Hindi pa ako tapos sakanya. Hinampas rin ako ni Betina na dinarama ko na lang ang kirot at sakit subalit tiniis ko na lang at pilit na inaabot ang buhok ko para mahatak niya rin subalit bago niya pa iyon mahawakan nang binigyan ko siya nang malutong na sampal muli sabay kalmot sa kanyang braso. “Ahh, bitawan mo ako. A-Aray!” Hiyaw niya sa sakit na maagaw na namin ang atensyon ng estudyante na naroon. Wala na akong pakialam kong makita nilang lahat ang pag aaway naming dalawa ni Betina, ang gusto ko lang talaga ang tuluyang maka ganti sa impakta na ito. “Ahh! Bitawan mo ako. Ano ba! Bitaw!” Dumaongdong na lang ang malakas na tili ni Betina at hindi ko inaasahan na tinaas niya ang kaliwa niyang kamay, depensa sa akin. Napa pikit na lang ako na tumama ang matulis niyang kuko sa aking pisngi na kinalmot niya iyon kaya’t doon siya nag karoon ng pag kakataon na maka wala sa aking pag kakahawako. Kumilos na si Betina, na lumayo sa akin subalit bago pa siya tuluyang maka wala, nahatak na nahuli ko muli ang buhok niya kasabay na lang ang nakaka gimbal na sigaw na lang neto sa malawak na hallway. Wala na akong pakialam kung tuluyan na siyang makalbo na hinatak siya muli palapit sa akin. She deserves this! Hinatak ko pa ang buhok niya kaya’t napa angat ang mukha niya ng konti, nilapit ko pa ang sarili ko na ngayon maluha-luha at pinag sama na kirot ang mata niya sa pananakit ko. Kawawa ka naman, Betina. Hindi ka man lang naka ganti sa akin. “Diba, gulo naman ang hanap mo, Betina? Pwes, ibibigay ko sa’yo!” Isang mala demonyong ngisi ang gumuhit sa labi ko at bago pa siya makapag salita nang sinuntok ko lang naman nang kay lakas si Betina sa kanyang ilong na mapa ungol na lang ito. Sabay pabalang na tinulak siya nang kay lakas kaya’t sumampa na lang ng kay lakas ang katawan niya sa malamig na pader. Napaka bigat na ng aking pag hingga na umayos ng tindig na pinapanuod si Betina na ngayon napaka gulo ng buhok niya at medyo nagusot na rin ang kanyang uniforme. Puno rin ng kalmot, galos at pamumula ang kanyang braso, leeg at katawan tanda ng pananakit ko saknay. Hindi ako mag dadalawang isip na dagdagan pa iyon! Humawak si Betina sa kanyang ilong, dinarama ang malakas na pag kakasuntok ko roon, maya’t-maya napapa pikit ng mata dinarama ang malakas na impact at pag kahilo na rin siguro. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niyang naka takip sa ilong neto at ang mata niya nabahiran ng luha at galit na tumitig sa direksyon ko. “Tangina mo talaga, Clarisse! Papatayin kit——-“ hindi niya na natapos ang anumang sasabihin na napa tingin si Betina sa kamay niyang tinakip sa ilong neto kanina. Pansin ko ang gulantang at takot niya na makita ang bahid ng dugo sa kanyang kamay. Marahan siyang napa kurap ng mata at pinunasan muli ang ilong at nagimbal na lang siya lalo na nakita dumurugo na iyon sa lakas ng pag kakasuntok ko doon. Buti nga sa’yo. “D-Dugo, dugo.” Wala sa sariling tinig ni Betina at pansin na ang pamumutla na maka kita ng sariwang dugo na umaagos sa kanyang ilong. Konti na lang iiyak na parang bata na nag susumbong. Tangina. Ang hina naman pala neto. Ang matapang na Betina, kanina bigla na lang namutla at maiiyak na maka kita ng dugo. Ts. Gumulid na ang luha sa mga mata ni Betina, patuloy na pinupunasan ang bakas ng dugo sa ilong baka sakaling maalis iyon subalit patuloy lang na pumapatak nang kusa, na mag bigay takot sa dalaga. “Oh no, no.no.” Wala sa sariling bigkas neto na nanginig na ang katawan na hindi alam ang gagawin. “Oh, gusto mo bang dagdagan ko pa iyan?” Hamon ko na lang sakanya na ngayon nabahiran ng takot ang mata ni Betina na tumitig sa akin. Hindi niya maigalaw ang katawan niya, hindi na maka kilos. “Halika dito at ingungudngog ko ang pag mumukha mo sa pader para mag tanda kang leche ka!” Singhal ko na lang na sumugod ako sa gawi niya para paputukin ko ang ilong niya. Nabahiran ng takot ang mga mata ni Betina, na palapit na ako nang palapit sakanya. Bago pa man ako maka lapit na may pumigil na lang sa pulsuhan ko na mapa pikit ako sa galit. Tangina naman. “Ano ba!” Singhal ko na lang, kong sino man ang leche na nag pigil sa akin. “Clarisse, tama na.” Pakiusap na tinig ni Faye, na bumigat pa lalo ang pag hingga ko. Aba, hindi. Hindi ako titigil lalo’t na ngayon. “Hindi Faye, hindi pa ako tapos sa babaeng iyan!” Giit kong asik. Hindi ako makakapayag na hindi ako makipag higante ng bongang-bonga sa lintik na Betina na iyan. Sinasagad niya ang pasensiya ko. “Huwag mo akong pipigilan at babasagin ko pa ang pag mumukha niy——“ susugod sana ako ngunit hinatak muli ako ni Faye kaya ako napa hinto na lang. Lintik naman kasi oh. “Halika na,” pakiusap niyang tinig na naka hawak pa rin sa pulsuhan ko at ang mata’y nabahiran ng takot at pangamba. Sinisiguro talaga na hindi ako makakawala na sugudin ko muli si Betina dahil alam niya ang ugali ko. Alam niya ang kaya kong maaring gawin kapag may kaaway ako. Hindi ko talaga pinapalampas. “Tama na Clarisse please. Pinag titinginan na tayo ng mga tao.” Aniya niya na nakita kong gumalaw ang mata ni Faye, lumingon sa kaliwa’t-kanan na animo’y may tinitignan. Wala sa sariling tinignan ko kong ano ang kanyang tinitignan at napa buntong-hiningga na lang ako ng malalim na mapag tanto na marami na ngang mga estudyante ang naka palibot sa amin. May mga babae, may mga lalaki, pinapalibutan na nila kami na ang ilan pa sakanila nag bubulongan at may kakaibang pahiwatig ang mata na naka pako ang tingin nila sa amin. Ang ilan pa sakanila at nilalabas ang cellphone, kinukuhanan ng litrato o video ang kaganapan na gulong iyon. Tangina naman oh. “Please, tama na.” Mababang tinig na lang ni Faye na puno ng pakiusap ang mga mata niya na tumigil na ako. Bumuntong-hiningga na lang ako ng malalim at hinatak na ako palayo ni Faye paalis sa lugar na iyon at wala na akong nagawa kundi mag pahatak na lang sa pag hila niya sa akin. Sa huling pag kakataon, kina baling ko ang direksyon ni Betina na naka tayo pa rin na naging malamlam at puno ng galit ang mata kong pinako sakanya. Hindi pa ako tapos, sa’yo Betina. Babalikan kita. BETINA’S POV Tumigil na ang mamahalin na sasakyan kong saan ako naroon sa isang maganda at malaking bahay. Kinuha ko na ang gucci kong bag at lumabas na sa kotse. Napuno ng samo’t-saring mga ilaw ang buong kabahayan, nag kalat rin ang mga taga silbi sa pamilya namin. Walang imik na akong nag lakad, papasok sa bahay at nilalampasan na silang lahat na hindi sila nag e-exist sa buhay ko. Nang malapit na ako sa pintuan, kusa na akong pinag buksan ng katulong na kina tuloy-tuloy kong kina pasok sa loob. Bubunggad kaagad sa’yo ang maganda at mala palasyong bahay at maharlika na mga kagamitan na iyong matutunghayan. “Good evening Mam Betina.” Magalang na bati ng katulong na abot taenga na ang matamis na ngiti sa labi. Imbes sumukli na pag bati, inismidan ko na lamang siya. “Hmp.” Pag tataray ko na lang. Dire-diretso na ako sa pag lalakad na naka sunod lang ang katulong sa likuran ko, nag hihintay kong may ipag uutos pa ako. Napa hawak na lang ako sa aking braso, napa ngiwi na nadama ko pa rin ang kirot sa baks ng sugat at galos na aking natamo kanina. Pucha kasing Clarisse na iyon. Sumiklab na lang ang matinding galit sa aking dibdib na maalala ang mainit na tagpo na nangyari kanina. Mainit na tagpo na pag aaway namin. Sa tuwing naalala ko lang iyon lalo lamang akong nagagalaiti sa galit lalo’t nabahiran ng galos, sugat at kalmot ang maharlika kong balat. Tangina talaga. Wala siyang karapatan na pahiyain ako ng ganito sa harap ng maraming tao. Wala rin siyang karapatan na saktan ako. Isa pa na kina-sasama pa ng loob niya dahil hindi man lang siya naka ganti kay Clarisse kanina, hindi ko man lang siya naturuan ng leksyon. Kainis. Pag babayaran mo ito, Clarisse! “Bwisit na Clarisse na iyon!” Patuloy ko pang himutok na nag iinarte lalo’t hindi ko alam kong paano ko itatago ang galos at sugat sa maputi at makinis kong kutis na dinumihan niya na. “Hindi pa ako tapos sakanya. Ughh.” Patuloy kong asik, na hindi ko mailabas lahat ng sama ng loob ko. “Nagugutom po ba kayo Mam? Ipag hahanda ko kayo ng makakain.” Magalang na pamalita ng katulong. “Hindi na, wala akong gana.” Pag tataray ko. “Siya nga pala Mam Betina, nariyan pala si Mam at Sir.” Tukoy niya sa mga magulang ko kaya’t napa hinto na lang ako sa pag lalakad. Nandito si Mom at Dad? Sinu-swerte ka nga naman. I won’t let this slide, Clarisse. Madalas wala sa bahay ang mga magulang ko kaya’t nag tataka ako ng husto na maaga silang umuwi ngayon. Hmm. How facinating! “Naroon po sila sa sala, mag kasama sila roon.” Hindi na ako sumagpt pa at pinag patuloy ko ang pag lalakad ko. Hindi na sumunod pa sa akin ang katulong na dire-diretso lang ako sa pag lalakad. Malapit na ako sa malawak na sala, malayo pa lang nakita ko na kaagad ang mga magulang ko abala na nag uusap at umiinom ng tsa-a. Sinadya ko talaga, na hindi sila pansinin at lapitan para makuha ang kanilang atensyon. Dire-diretso lamang akong nag lakad paakyat sa hagyan papunta sa ikalawang palapag at hindi naman ako nabigo dahil bago pa man ako maka apak sa unang hakbang sa hagyan na napansin nila ang presinsiya kong bagong dating.. “Betina, anak.” Mom na mag pahinto na lang sa akin. Sumilay na lang ang matamis na ngiti sa aking labi na nag tagumpay ako. “Hindi mo man lang ba kami babatiin ng iyong Papa? Halika ka nga rito, Hija.” Paanyaya niya sa akin na humarap ako sakanila. Dahan-dahan kong hinakbang ang paa ko palapit sa gawi nilang dalawa. Napako ang mata ko sa dalawang taong perinteng naka- upo sa couch, suot ang marangya at magagarang mga kasuotan. Suot ang kumikinang na alahas ang katawan ni Mom at parang bata sa kanyang itsura alagang-alaga ng mga pang paganda. My mom owns her own business brands na mga luxury perfume, na sikat na sikat hindi lang sa Pilipinas at kahit na rin sa ibang bansa. Nabaling naman ang atensyon ko kay Dad, perinteng naka- upo sa single couch. Naka tuon ang atensyon sa binabasa kong ano sa tablet na hawak neto. Ang mustra ng mukha ni Dad seryoso at nakakatakot dahil sa naka kunot na noo nito. My Dad was Julius, he’s a powerful Man dahil Governador siya sa lugar namin. Nanalatay na sa dugo at laman ng pamilya ni Dad sa mga buhay na pag pasok sa mga polician kaya’t ma-impluwensiya siyang tao kahit saan man siya pumunta. Ang mga magulang ko rin ang isa pinaka bigatin na Investor sa St. Lucas University kaya naman ginagalang sila ng mga taong nakaka kilala sakanila. Takot rin na bangain at kalabanin ang angkan namin dahil na rin kong gaano kalakas at ka-impluwensiya ang pangalan ng mga magulang ko. “Nakapag usap kami ng Dad mo, na dadalo kami pareho sa birthday party ng matalik niyang kaibigan sa susunod na araw. Gusto namin na isama ka sa birthday party.” Tuloy na wika ni Mom. Hindi na ako umimik nanatili lang akong naka tayo medyo malapit sakanilang dalawa. “Bukas na bukas, pupunta rito si Jeffrey ang family designer natin. Susukatan ka niya at pumili kana lang ng mga dress na gusto mo na suotin sa Party, oka——-Oh my!” Gulat na tinig ni Mom na mapansin ang bakas ng sugat at galos sa braso ko na marahan kong hinaplos para makita niya iyon. “What happened?” Tumayo si Mom sa kanyang kina-uupuan, lumapit sa akin para gaanong matignan ang bakas na ginawa sa akin na pananakit ni Clarisse. “Wala po Mom.” Naging emosyonal kong tinig. Pinakita ko sakanila na ako ang kaawa-awa. “Anong wala?” Hinawakan ni Mom ang aking braso at nagimbal siya sa kanyang nasaksihan na galos, at pamumula ng katawan ko. “Galos at sugat ba ito?” Tinaas niya ang kamay na hawak niya pa rin. “Wala talaga po ito, nadapa lang ako..” pag sisinunggaling ko na lang. Ang mata ko’y nabahiran ng luha at sakit kong ano man ang nangyari sa akin. Grabe, pang best actress ka talaga, Betina. “Hindi na simpleng pag kakadapa lang ito, Betina.” Giit niya pa kaya’t napa tayo na lang si Papa sa kina-uupuan na mag hysterical na si Mama sa mga sugat na natamo ko. “May nag aaway ba sa’yo sa school? Binu-bully ka ba nila? I won’t take this slide if I find out someone hurting you.” Sunod-sunod na tanong ni Mama sa akin, na hindi na ako umimik. Tumitig na lang si Papa sa natamo kong sugat at galos at kahit hindi siya mag salita, alam ko sa sariling galit na siya. Ganiyan nga. Magalit kayo, kung sino man ang may gawa neto sa akin. Dapat magalit kayo kay Clarisse. Sigaw naman ng isipan ko. “Who did this to you, sweetheart? Sino?” Medyo tumaas na ang boses ni Mom na maging emosyonal na ang mata ko, na maluha-luha na nga. “Si Clarisse po.” Mahina kong tinig na nag pabaling-baling na ang tingin ko sakanilang dalawa na hindi ko na mabasa ang tumatakbo sa isipan nila ngayon. “Siya iyong ex-boyfriend ni Luke, hindi ko alam pero bigla na lang siyang sumugod sa akin at sinaktan niya ako.. H-Hindi niya pa kasi matanggap na masaya na kaming dalawa ni Luke kaya ako ngayon ang binabalikan niya. Ako ngayon ang sinisisi niya kong bakit sila nag break na dalawa.” Nabasag na ang tinig ko at nanubig na lang ang mata ko na kinu-kwento ang mga kasinunggalingan na iyon sakanila. Pinaganda ko pa lalo ang pag arte ko para sa ganun paniwalaan nila ako ang aping-api. “Takot na takot ako na baka saktan niya ulit ako Mom, and Dad..” nag karerahan na lang na bumagsak ang luha sa mga mata ko at kasunod na lang ang pag hagolhol na pag iyak ko sa harapan nilang dalawa. Bigla na lang silang nanahimik pareho ngunit ramdam kong galit at hindi nila nagustuhan na may nanakit sa kanilang munting princesa. “Oh my God, Julius. We should take action on this. Hindi ako makakapayag na saktan na lang ang anak natin ng isang low-class na babae!” Medyo tumaas na ang boses ni Mom, na nagagalit na siya ngayon kay Clarisse. Tanging tahimik na hikbi na lang ang pinakawala ko sa kanilang harapan at pag katapos no’n tumingin ako kay Dad, na ngayon mabibigat na ang pag hingga niya. “Don’t worry, Meriam and I will take care of it.” Kalmado ngunit nakaka- takot na tinig ni Dad. “Sisiguraduhin kong pag sisisihan ng babaeng iyan ang ginawa niyang pananakit sa anak natin!” Nakaka gimbal na lang ang sumunod na tinig ni Dad, at palihim na lang akong napa ngisi. Ito na ang simula ng pag bagsak mo, Clarisse. Sisiguraduhin kong mawawala kana sa landas ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD