28
CLARISSE’S POV
Tahimik lamang akong nag lalakad sa hallway, napaka aga ng trenta minutos para sa alas nuwebe kong pasok. Balak kong tumambay muna saglit sa Cafeteria habang hindi pa naman nag sisimula ang klase.
Inayos ko na lang ang pag kakasabit na bag sa balikat ko, payapang nag lalakad na may naka- salubong naman ako na ilang mga estudyante at ilan naman doon naka tambay lang na naka tayo kasama ang kanilang kaibigan.
Hindi ko na pinansin pa ang ilang estudyante na maka salubong na maririnig mo na lang ang kanilang munting tawanan, asaran at nag ku-kwentuhan. Ganun naman talaga tuwing umaga ang routine na napuno lamang ng masayang ingay ang paligid habang hindi pa nag sisimula ang kanilang mga pasok.
Sa aking pag lalakad naman, hindi na kaagad ako naka ligtas sa maka hulugang pag titig ng mga estudyante sa akin.
Maka hulugang pag titig ng mga babae at lalaking mga estudyante na animo’y ilan pa sakanila nag bubulongan at nag tatawanan pero ang mata nila naka pako sa akin, alam ko naman sa sarili kong ako ang centro ng kanilang atensyon.
Sandali, anong nangyari?
Bakit ganiyan sila maka titig sa akin?
Tanong ko na lang sa aking isipan dahil naka sunod pa ang titig nila sa akin, na alam ko naman na may nangyaring hindi ko alam.
Pinag patuloy ko na lang muli ang pag lalakad ko at hindi ko na pinansin ang ilang estudyante sa paligid ko, ngunit hindi pa natapos ang mainit na pag uusap sa kanilang mga mata.
Lahat ng estudyante naka sunod ang mata nila akin, hinihintay na maka gawa ako ng anumang pag kakamali at hindi ko rin alam kong bakit ganun na lang nila ako tignan ng mga sandaling iyon.
Lumakas na lang ang munting tawanan, bulong-bulongan na aking narinig sa paligid ko na unti-unti nang lumiliit ang mundo ko dahil hindi na ako maka tiis sa maka hulugan nilang pag titig sa akin.
Humigpit na lang ang pag hahawak ko sa strap ng bag ko at binilisan ko na nag yabag ng paa ko para sa ganun maka alis na ako.
Hindi rin ako sanay na sentro ako ng atensyon ng mga tao sa paligid ko.
Mas binilisan ko pa lalo ang yabag ng aking mga paa, niyuko na rin ang ulo ko dahil ayaw kong salubongin ang mga titig ng mga estudyante kong paano nila ako tignan ngayon.
“Clarisse, Clarisse,” ang familiar na tinig na lang ang mag patigil na lang sa akin. Hinanap ko kung saan nag mumula ang tinig na kaagad naman akong natigilan na makita ko ang kaibigan kong si Faye patakbo papunta sa direksyon ko.
Tumigil siya sa harapan ko bahagyang hinahabol ang pag hingga na tinakbo niya pa ang pasilyo para lang maabutan ako. Ang mata niya’y nabahiran ng pag aalala na alam kong may gusto siyang sabihin sa akin. “Oh bakit, Faye?”
“Clarisse, alam mo na ba?” Maka hulugang na tinig nito na kahit ako mismo hindi ko mahulaan ang ibig niyang sabihin.
“Alam na ano?” Kakarating ko lang kaya’t wala akong alam kong kung ano ba talaga ang nangyayari.
“Kalat na kalat sa Campus ang away niyong dalawa ni Betina kahapon. Lahat ng estudyante pinag uusapan.” Hindi na bago iyon sa akin. Simula ng pag aaway naming dalawa ni Betina kalat na kalat na iyon sa ibang mga estudyante at kahit na rin sa ibang department na umugong kaagad ang balitang iyon ilang minuto lang natapos.
“Yea,” pag sasang-ayon ko naman. “Aba, pasalamat lang ang Betina, na iyon lang ang ginawa ko sakanya kundi kong nag kataon baka hospital na ang bagsak niya ngayon.. Maganda na nga iyon para naman mag tanda siya.” Kung hindi lang talaga ako pinigilan ng kaibigan kong si Faye, hindi ko pa titigilan ang pananakit ko sa lintik na babaeng iyon.
Nakakapang-init talaga ng dugo.
Kapag nakita ko talaga ang bruhitang iyon, sisiguraduhin ko na talagang kakalbuhin ko na siya.
Ughh.
“Anong maganda doon, Clarisse?” Panlalaki ng mata ni Faye. Nauna na akong mag lakad kaya’t mag katabi naman siyang sumunod sa akin at lalo lamang nabalutan ng pangamba ang mata niya sa nangyari. “Hindi kaya maganda iyon, baka lalo ka pa tuloy na mapa- hamak sa ginawa mo. Paano na lang kong nag sumbong siya sa mga magulang niya? Alam mo naman kong gaano kataas at ka-impluwensiya ang mga magulang ni Betina, doon ako nangangamba Clarisse na may gawin sila sa’yo.” Napa awang na lang ako ng labi sa sinabi ng kaibigan ko.
Alam ko naman na isa ang pamilya ni Betina ang pinaka malaking Investor sa St. Lucas University, na malawak rin ang koneksyon at matunog ang pangalan nila kahit na saan.
Eh, ano naman kong mayaman siya?
Ano naman kong marami silang koneksyon?
Wala akong pakialam at hindi ako natatakot.
“Hindi ako natatakot Faye, kahit balikan man ako ni Betina kasama man ang angkan niya, hindi ko sila aatrasan!” Aba, hindi ako natatakot sakanya kahit isama niya pa ang mga hudyong mga kamag-anak niya.
Bakit naman ako matatakot at mangangamba para sa sarili ko?
Alam ko naman sa sarili kong, wala akong ginawang mali.
Siya naman ang naunang sumugod at nag away sa akin at gumanti lang naman ako kaya’t bakit naman ako mababahala?
Malas niya ng bruhitang Betina na iyon at marunong akong pumatol sa taong kagaya niya.
“Kahit na talaga Clarisse,” kung sino man ang natatakot sa aming dalawa sa posibleng mangyari sa akin, kundi si Faye lang iyon. Malilikot na ang mata nito at nababasa kong nababahala na ang mata niya sa posibleng mangyari sa akin. “Malakas talaga ang kutob ko Clarisse, may mangyayari na hindi magand——-“
“Ms. Villaforte!” Ang malagong at malakas na boses ang mag patigil sa anumang sasabihin ni Faye. Natigilan kaming pareho ni Faye, na naka pako ang mata namin kay Mrs. Belmonte naka tayo sa harapan naming dalawa.
Si Mrs. Belmonte, kilala at kataas-taasan at may posisyon rito sa Campus bilang Dean
Hindi na maganda ang mustra ng mukha ni Mrs. Belmonte, walang halong amor ang pinapakita na emosyon at medyo may pag tataray na naka pako ang tingin sa akin.
“In the Office, right now!” Ma-owtoridad na utos na lamang nito at bago pa ako makapag salita na tinalikuran na ako at nauna na itong nag lakad paalis.
Nabahiran ng pangamba ang mata ni Faye, na lumingon sa akin na mahulaan niya ang nangyayari.
“Clarisse,” kabado na tinig ni Faye, na hinawakan niya ang aking kamay na pinag papawisan na nga iyon.
“It’s alright, Faye. Babalik rin ako.” Pilit akong ngumiti para ipakita na magiging maayos rin ang lahat. Pinisil ko pa ang kamay niyang naka hawak sa akin at dahan-dahan na bumitaw.
Sumunod na ako kay Mrs. Belmonte hanggang naka sunod sakanya hindi na maitago ang pangamba at pag tataka kong bakit pinatawag niya ako sa Office.
Hindi kaya?
Napa buga na lang ako ng hangin na pinag patuloy ko ang aking pag lalakad. Hindi na ako naka ligtas sa mga mata ng mga estudyante na aking maka salubong sa daan at ilang sandali lang at natapat na ako sa Office.
Mariin na lang akong napa labi na mapa tingin sa pintuan, nag dadalawang isip kong tutuloy pa ba ako o aatras na lang. Ilang segundo akong napa tingin doon sa tapat hanggang napag pasyahan kong hawakan ang seradura ng pintuan at dahan-dahan na tinulak iyon pabukas.
Sumilip muna ako sa loob at nakita ko na ang taong nag hihintay sa akin sa loob. Lumunok ako ng mariin bago ko mainggat na sinarhan ang pintuan muli at bumunggad sa akin ang malaking Opisina.
Sa gitna ng Office ang mahabang table, mga upuan na kayang mag okupa ng mahigit isang dosena na mga tao kapag nag kakaroon ng pag pupulong.
Ramdam ko na kaagad ang kakaibang lamig at tensyon ng sandaling iyon bumunggad na kaagad sa akin ang familiar na mga mukha na nag hihintay sa akin sa loob. Kaagad napukaw ang pansin ko sa isang lalaking nag lalaro ang edad sa singkwenta anyos, ayos na ayos at kagalang-galang ang porma na naka upo sa pinaka-gitnang dulo ng upuan iyon si Mr. Castillo ang Principal ng St. Lucas. Sa kabilang bahagi ni Mr. Castillo, isang upuan lamang ang pagitan doon naman naka upo ang si Mrs. Belmonte ang Dean ng School at katabi niya naman ang lalaking medyo may katandaan na rin naka- suot ng formal na suit, hindi ko matandaan kong ano ang posisyon sa School ngunit alam kong mataas rin iyon.
Lahat sila naka pako ang mata nila sa akin, inaabangan ang aking pag dating. Hindi ako naka ligtas sa mata nilang may ibang bahid ng emosyon at pag kaseryoso, na mag bigay kaba na lang sa dibdib ko.
Sa kanang bahagi naman na kaharap ni Mrs. Belmonte ang dalawang taong medyo may kaedaran na rin at tantya ko mag asawa iyon. Naka suot lamang sila ng marangya at magarang kasuotan na animo’y maharlika silang nga tao kong titignan na hindi ko alam kong sino sila.
Pero ang mag asawang iyon, matalim at puno ng galit ang mata na sinusundan ako ng tingin na animo’y naka gawa ako ng anumang kasalanan.
“Maupo ka Ms. Villaforte.” Utos na lang ng medyo may katandaan na lalaki, hindi ko alam ang pangalan kaya’t dahan-dahan na hinakbang ko ang paa ko palapit sakanila, para maka- upo na.
Pinili ko na lang na huminto at pinag hila ang upuan sa bakanteng silya at para bang pakiramdam ko nasa korte ako, nililitis at nag aabang ng magiging hatol.
“Ano pa ang hinihintay niyo Mr. Castillo total naman kompleto na tayong lahat, simulan na natin ang pag pupulong na ito para matapos na ito!” Mataas at medyo pagalit na tinig ng lalaki na kanina pa hindi maganda ang timpla.
“Kumalma ka lang Mr. Lackson, hindi pa tayo kompleto.” Kalmado na tinig ni Mrs. Belmonte ngunit rinig mo ang mabibigat na pag hingga halatang iritado ng lalaki na tinawag nitong Mr. Lackson.
“Siguro naman alam mo na Ms. Villaforte kong bakit ka namin pina- tawag rito sa Office. Sila si Mr. and Mrs. Lackson ang mga magulang ni Betina.” panimula ni Mr. Castillo, ang principal at marahan na sinandal ang likod sa silya.
Ngayon nag karoon ng kasagutan sa akin ang lahat ang galit sa kanilang mga mata dahil mga magulang sila ni Betina.
Nag sumbong na pala ang bruhitang iyon!
Napaka galing!
“Nirereklamo nila ang ginawa mong pananakit sa kanilang anak at naka- abot sa amin ang balitang gulong nangyari sainyong dalawa kahapon ni Betina. One of the policies here in St. Lucas University that we do not condone any violence and bullying here on Campus.. Gusto namin maka- usap ang mga magulang mo ng personal, Mrs. Villaforte bago tayo makapag simula ng meeting.” Mr. Castillo na mapa labi na lang ako.
Ano?
Hindi pwede iyon.
“Ahh eh.” Alangan kong tinig. Bigla na lang akong dinapuan ng takot sa aking sarili na gusto nilang maka usap ang mga magulang ko. Hindi sila pwedeng pumunta dito.
Hindi nila pwedeng malaman na nakipag away ako.
Kapag nalaman ng mga magulang ko, na nakipag-away ako lalong-lalo na si Papa, tiyak sasalubongin ko lang naman ang matinding galit niya.
“Pwede ako na lang ang mag represent sa mga magulang ko?” Alangan kong tinig.
Pwede na iyon, pwede na ako na lang mag represent sakanila para hindi nila malaman ang totoo.
“Hindi pwede iyon Ms. Villaforte, gusto namin maka- usap ang guardian ng personal mo para naman malaman din nila ang nangyari at para naman maka tulong na rin kong paano maso-solusyonan ang bagay na ito.” Mr. Castillo na bumagsak na lang ang balikat ko sa sinabi niya.
Kainis naman oh.
“Narinig mo naman siguro ang sinabi niya Mr. Castillo, siya na mismo ang mag re-represent sa mga magulang niya kaya simulan na natin ito at huwag na natin itong patagalin pa!” May pag tataas na tinig ni Mr. Lackson, na pinag sukluban ng galit ang mustra ng mukha niya.
“Maging mahinahon ka lang Mr. Lackson,” Mrs. Belmonte na mababang tinig, imbes na maawat lalo lamang sumiklab ang matinding galit ng ama ni Betina..
“Paano ako magiging mahinahon kong sinaktan ng babaeng iyan ang anak ko!” Umalingaw na lang ang malakas at nakaka- sindak niyang tinig sa loob ng silid. “Kaya nga nag invest ako ng malaki sa skwelahan na ito, Mr. Castillo para naman masiguridad na maayos at maging madali ang pag aaral ng anak ko sa Skwelahan na ito, pero ano? Tapos malalaman ko lang na may nang-aaway sakanya rito sa Skwelahan na ito. Hindi niyo lang alam ang matinding takot at trauma ng anak kong si Betina matapos ng mga nangyari! Hindi ko na hahayaan pang maulit pa ito kaya gusto kong umaksyon kayo!” Final niyang tinig at pag katapos galit ang mata niyang sumulyap sa direksyon ko, nakita ko kung paano iyon sumiklab.
“Naiintindihan ko ang galit mo Mr. Lackson,” Mrs. Belmonte na mababang tinig. “Daanin na lang natin sa mahinahon at maayos na usapan para naman ma-solusyonan natin kaagad ito.”
“Hindi!” Malakas nitong tinig. “Gusto kong turuan niyo ng leksyon ang babaeng nanakit sa anak ko.” Tiim-bagang asik neto tahimik lamang ang asawa neto subalit naroon pa rin ang galit sa mga mata.
“Mr. Lackson.” Mr. Castillo.
“Kong gusto niyo pang mag patuloy ang magandang relasyon natin Mr. Castillo at kahit na rin sa Skwelahan na ito, gusto kong i-expel niyo ang babaeng iyan sa St. Lucas kong ayaw niyong i-hinto ko ang pangako kong mag invest at mag bibigay ng panibagong pundo sa panibagong proyekto ng Skwelahan neto!” Pag babanta na lang neto, na bigla na lang natahimik ang lahat.
“Pero Mr. Lackso——“ Mr. Castillo.
“Mamili kayo,” gumuhit na lang ang malagong netong tinig na lahat ng tao sa loob ng silid na iyon, bigla na lang umiba ang awra ngunit ramdam ko ang kakaibang tensyon at takot na baka totohanin nga talaga neto ang tanda. “Hindi niyo alam ang kaya kong maaring gawin Mr. Castillo, na kilala at ma-impluwensiya akong tao. Kung ayaw niyong iatras ko lahat ng invest ko sa St. Lucas susundin niyo ako at iyon ang paalisin ang babaeng iyan sa Skwelahan na ito!” Uyam nitong tinig na bigla na lang akong pinag hinaan sa aking mga narinig.
Emosyonal akong napa baling sa gawi ni Mr. Castro, nangingiusap na huwag niyang gawin iyon.
Huwag niyang sundin ang sinabi neto.
Hindi, hindi pwedeng matanggal ako dito.
Kapag nalaman iyon ng mga magulang ko, tiyak lagot talaga ako neto.
“Sir.” Tawag ko na lang kay Mr. Castillo na mababang tinig.
“Ms. Villaforte.” Pinag siklop neto ang kanyang palad at pinatong pa sa lamesa.
“Sir, huwag po. Huwag niyo po akong paalisin dito.” Mababang tinig ko pa na pakiusap. “Maniwala kayo sa akin, hindi ko po iyon ginawa. Hindi po totoo, na sinaktan ko si Betina.” Baka sa pag kakataon na ito pakinggan niya ako.
Baka sa pag kakataon na ito paniwalaan niya ako.
“Pasensiya na talaga Ms. Villaforte dahil iyon ang kini-claim ng mag asawang Lackson, na sinaktan mo ang kanilang anak.” Tinutukoy nito ang sabi ng mga magulang ni Betina. “Nag imbestiga na rin kami ng mga issue ito para patas kaming lahat at kinompirma rin ng ilang estudyante na naka-saksi ng pangyayaring gulo kahapon kong paano mo saktan si Betina.” Napa buga na lang ako ng hangin na marinig ang bagay na iyon.
Ha?
Sinaktan?
Oo, sinaktan ko si Betina, pero gumanti lang ako dahil siya naman ang nag sinula.
Hindi ko naman siya sasaktan kong hindi rin naman siya nauna.
Bumigat na lang ang aking pag hingga, lumingon ako sa gawi ng mga Lackson, hindi na maganda ang timpla ng kanilang mukha. Tila ba’y kaaway nila ako dahil sinaktan ko ang munti nilang princesa.
Kainis naman oh.
“Pero Mr. Castillo, iyon ang sinasabi ng mga estudyante dahil iyon ang nakita at naabutan nila pero si Betina namab talaga ang naunang sumugod at nang away sa akin. Pinag tanggol ko lang ang sarili ko.” Giit ko na lang.
I can’t believe this.
Ako pa talaga ang ginagawa nilang masama matapos ng mga nangyari?
“May naka rating na rin sa amin Ms. Villaforte galing sa mga estudyante, na ilang beses na kayong nag kabanggan na dalawa ni Betina sa ilang issue niyong dalawa kaya, hindi na ako mag tataka kong nagawa mo na saktan siya.” Ano?
Seryoso ba sila?
Mas kakampihan nila si Betina kaysa sa akin?
“Pero, Sir hindi ko talaga magagawa iyon. Maniwala kayo sa aki——“
“Sige na Ms. Villaforte, maari kanang umalis.” Pag tatapos niya na lang ng usapan na bumagsak na ang balikat ko. No, no, no. “Mayron naman kaming number ng guardian mo sa files dito ng mga estudyante, just in case of emergency, na may nangyari. Tatawagan na lang namin sila.. Sige na makaka-alis kana.” Sinenyasan niya ako na maari na akong umalis subalit ayaw ko pang kumilos.
Ayaw ko pang gumalaw.
“Pero Mr. Castill——“ tinaas niya ang kaliwa niyang kamay sa ire palatandaan na tapos na ang aming pag uusap. Nag pasalin-salin ang tingin ko sakanilang lahat ng taong naroon, huminggi ng kasagutan ngunit tikom ang kanilang bibig at gusto na nila akong umalis sa silid na iyon.
Napa buga na lang ako ng hangin bago ko napag pasyahan na tumayo at ihakbang ang paa palabas ng silid na iyon.
Nang tuluyan na akong maka labas sa silid, napa suklay na lang ako ng aking buhok gamit ang aking palad. Hindi na mawala ang pangamba at takot na namumuo sa aking dibdib ng sandaling iyon, na hindi pa ako umaalis sa tapat ng pinto ng Opisina.
Paano na ito?
Anong gagawin ko?
Palakas nang palakas ang kalabog ng dibdib ko, namumuong takot na lang roon.
Kapag tinawagan nila ang mga magulang ko, tiyak patay ako no’n.
Lalong-lalo na si Papa.
Tiyak na sasabog na iyon sa galit kapag nalaman niya ang mga nangyari.
“Kainis ka naman kasi eh.” Patuloy na himutok ko na lang, dama ko na ang pamamawis ng aking palad. Pinikit ko na lang ang mata ko para pakalmahin ang aking sarili subalit naririnig ko na ang lakas ng kalabog ng puso ko lalo tumatakbo ang bawat segundo. “Anong gagawin ko neto, ano na?” Ilang beses na akong napapa buntong-hiningga na hindi mapakali na lamang lalo’t baka sa pag kakataon na ito, tinawagan na nila ang mga magulang ko.
Aligaga at takot na takot na akong naka tayo sa tapat ng Opisina, hindi na mapakali. “Ano na, Clarisse? Anong gagawin m——“ hindi ko na natuloy ang anumang sasabihin ko na huminto na lang ang mamahalin at itim na sapatos sa harapan ko.
Kumunot-noo na nag tataka naman na dahan-dahan na napa anggat ng tingin para alamin kong sino iyon subalit bigla na lang akong nabigla na mag tagpo ang titig naming dalawa.
Ang mata niyang masunggit at walang halong emosyon.
Ang matang kay lamig na parang yelo na mamilog na lang ang mata ko na hindi ko inaasahan na makita siya dito.
Anong ginagawa niya rito?
Bakit siya nandito?
“T-Travis,” wala sa sariling tinig ko na lang. Naka poker face lamang siya, bihis na bihis na naka suot ng black suit at hindi ako naka- ligtas sa medyo matapang niyang awra.