29
CLARISSE’S POV
Kanina pa ako pabalik-balik sa tapat ng Opisina, hindi mapakali at aligaga. Ramdam ko na ang pag pamamawis ng aking kamay at lamig na hindi ko maipaliwanag na kaba at nerbyos na dumapo na lang sa dibdib ko. Maya-maya rin ako napapa- silip sa pintuan, inaabangan kong sino ang lalabas sa pintuan na iyon.
Sa bawat segundong dumaan lalo lamang bumibigat ang aking pag hingga na hindi ko maipaliwanag. Para na akong bulate na hindi mapakali lamang lalo’t mahigit mag trenta minuto na si Travis sa loob ng Opisina na iyon.
Opo, mahigit trenta minutos na siya sa Office.
Simula no’ng dumating si Travis, wala na akong narinig na salita mula sakanya hanggang pumasok na siya sa silid na iyon na hindi na ako tinangka pang tapunan ng tingin.
Hindi na ako sumama pa kay Travis sa loob dahil na rin pinangunahan ako ng takot, may isang parte rin sa puso ko na tila ba’y nabunutan ng tinik ang aking puso na makita ko siya.
Hindi ko alam kong ano na ang nangyayari sa loob ng Opisina, pero sa pakiramdam ko naman mainit ang tensyon na pag uusap nilang lahat na nagaganap sa loob.
Wala na akong narinig na anumang inggay mula sa kwarto na iyon, kaya mag palakas na lang ng kaba sa aking puso.
“Clarisse,” ang familiar na tinig ang mag paalis ng anumang tinik na naka dagan sa aking dibdib. Nakita ko na ang kaibigan kong palapit sa gawi ko at tumigil siya sa harapan ko.
“Faye.”
“Kumusta? Anong nangyari?” May bahid na pag aalala sa kanyang mga mata. “Pinuntahan kita dito dahil nag- aalala talaga ako.”
“Maraming salamat Faye,”
“Tapos na ba ang pag- uusap? Anong sabi sa’yo ni Mrs. Belmonte? Bakit ka daw pinatawag?” Sunod-sunod niyang tanong na wala sa sariling napa-tingin muli ako sa pintuan. Nababahala na hanggang ngayon wala pa rin akong balita.
“Hindi ko pa alam, pero nandito si Travis..”
“Ano? Nandito ang asawa mo?” Medyo napa taas na bulalas na tinig ni Faye, na napa tango na lang ako.
“Shh, huwag kang mainggay.” Saway ko naman na baka may maka- rinig na ibang tao sa kanyang sinabi. Napa takip na lang si Faye ng kanyang bibig gamit ang palad para patahimikin ang sarili at bahagyang lumingon sa kaliwa’t-kanan sinisiguro na walang sinuman ang naka- rinig. “Oo, nandito siya.” Pag kompirma ko na lang sabay pakawala ng malalim na buntong-hiningga lamang.
“Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito?” Tinig niya pa.
“Hindi ko rin alam, Faye. Nabigla at kahit na ako hindi ko alam kong bakit siya narito.” Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kong bakit nandito si Travis. At kong ano ang ginagawa niya rito sa St. Lucas subalit, hindi ko na muna iyon iniisip.
Ang kina-babahala ko talaga nang husto na baka ma-expel ako. Pinapahalagahan ko talaga nang husto ang record at grades ko kaya’t ganun na lang ang kabahala ko.
“Look who's here.” Ang familiar na tinig na pareho mag paagaw ng atensyon sa aming dalawa ni Faye. Bigla na naman tumalim ng aking pag titig na makita si Betina kasunod ang dalawa niyang alipores sa kanyang likuran. Medyo masungit at nag tataray pa ang kanyang itsura ganun rin ang mga monions niya na taga- sunod sakanya.
Ano na naman ba ang problema ng bruhitang ito?
“Anong pakiramdam Clarisse? Hindi mo magawang mag saya, ano?” Natatawa niyang tinig na umasim na ang mukha ni Faye na naka tingin sakanya. “Sa pag kakataon na ito, nag- uusap na silang lahat sa Office, pinag uusapan kong paano ka patatalsikin sa St. Lucas University. Bye-bye Clarisse,” may pag- aasar at pangungutya nitong tinig na nag tawanan naman ang kasamahan niya sa likuran.
“Hahha!” Tawa pa nila.
“Totoo ba iyon, Clarisse?” Lumingon naman sa akin si Faye, humihinggi ng kasagutan na hindi totoo kung ano man ang sinabi ni Betina.
“Yea, totoo iyon, hindi ba Clarisse?” Singit niyang muli na bumigat na lang ang pag hingga ko, nag titimpi na naman sakanya. “Oh bakit hindi mo magawang sabihin sa kaibigan mo ang lahat-lahat Clarisse? Nahihiya ka bang sabihin sakanya na hindi kana mag aaral pa dito? Hahaha poor you!” May pag aasar netong tinig at hindi pa siya nakuntento lumapit pa siya sa gawi.
Tumigil sa harapan ko, na buong tapang naman akong humarap sakanya, hindi nasisindak sa isang kagaya niya.
Tinignan ako ni Betina mula ulo hangga’t paa, nag susukat sa paraan ng matalim na titig niya sa akin.
“Oh bakit ganiyan kasama ang titig mo sa akin, Clarisse? Nagagalit ka?” May kapilyahan sa kanyang labi. “Maling tao lang ang binangga. Alam mo naman kong gaano makapang-yarihan at ma-impluwensiya ang mga magulang ko. Isang sumbong at salita ko lang, kayang-kaya nilang burahin at alisin ang taong ayaw ko, that’s includes YOU.” Sumilay na lang ang mala demonyong ngisi sa kanyang labi na sumabog na ang galit ko.
“Halika nga ditong hayop ka!” Singhal ko na lang na asik, pasugod para sabunutan siya ngunit hindi ko na naituloy na pumigil na sa akin si Faye, humawak sa pulsuhan ko. Mabilis naman na lumayo si Betina para hindi maabot ng pag sugod ko na ngayon pinakita niya ang mala- demonyo at nang iinis na ngiti sa labi. Tangina niya talaga. “Kakalbuhin kitang kupal ka. Huwag kang duwag at tumago riyan sa likod ng mga alipores mo. Halika rito at mag kasukatan tayong dalawa! Ano!” Akmang susugod sana ako muli subalit hinatak naman ako ni Faye palayo na mag patimpi na lang matinding galit ko sakanya.
Hinding-hindi ko siya aatrasan.
Akala niya, tapos na ako?
Hindi, nag sisimula pa lang ako!
Tangina niya.
“Clarisse, tama na.” Awat naman ni Faye na mababang tinig, pilit na pinapakalma ako.
Wala na eh, naiinis na naman ako sa bruhitang Betina na iyan!
Dadagdagan ko ang mga pasa at mga sugat niya sa katawan para mag tanda siya!
Animal siya!
Dumaongdong na lang ang malakas kong sigaw at si Betina naman walang naramdaman na takot ngunit pangiti-ngiti lamang na animo’y nanadya.
“Ano? Halika rito, Betina kong matapang ka talaga, halika rito at mag tuos tayong dalawa. Akala mo aatrasan kita, neknek mong hayop k——-“ naputol na lang ang matinis na sigaw ko na bigla na lang bumukas ang pintuan palatandaan na may lumabas.
Napaka bigat na ang pag hingga kong hinatak na ako palapit ni Faye sakanya sa isang tabi kahit man labag sa kalooban ko sumunod na lang ako. Rinig ko na lang ang yabag ng paa na palabas ng Opisina, kasama si Mrs. Belmonte, Mr. Castro at kasama niyang lalaki pag katapos ang mga magulang ni Betina.
Huling lumabas na lang sa silid na iyon si Travis.
Nag uusap na silang lahat, nag papasalamatan na nag kasundo naa silang lahat kong ano man ang napag-usapa nila sa loob kanina.
Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari ngunit mag bigay pangamba na rin sa aking dibdib na baka ma-expel ako.
Napako na lang ang tingin ko sa mga magulang ni Betina, tahimik at para bang pinag- sukluban sila ng langit at lupa ang kanilang itsura na lumapit sa kanilang anak.
Si Travis naman, tahimik lamang na nakikinig sakanila at nakikiramdam lang na tumabi na lang sa akin, wala na akong narinig na salita sakanya at nanatili lamang itong seryoso.
Bahagya kong sinilip si Travis sa tabi ko, ganun pa rin ang emosyon na kanyang pinapakita. Parang may nag hahabulan na mga daga sa aking dibdib ng sandaling iyon dahil alam kong wala na.
Tiyak kong nag tagumpay na ang mga magulang ni Betina sa kanilang gusto, iyon ang paalisin ako.
“Mom, Dad.” Salubong na lang na excited ni Betina palapit sa kanyang mga magulang, na kulang na lang mapunit ang labi sa lawak ng ngiti. “Kumusta po? Na-expel na ba si Clarisse dito sa Campus? Nagawa niyo na po ba? Dapat lang talaga na mawala na siya rito at baka guluhin niya na naman ako.” Sunod-sunod na tanong ni Betina, hindi na siya makapag hintay na lumabas mismo sa bibig ng kanyang mga magulang na natagumpay na silang paalisin ako.
Hindi na rin ako umaasa.
Alam ko rin naman na wala akong laban sakanila, dahil makapangyarihan at ma-impluwensiya ang kanyang mga magulang.
Kaya nilang pabilugin at pasunudin sa kanilang gusto ang mga tao sa paligid nila.
“Umayos ka nga diyan, Betina.” Saway ni Mrs. Lackson na mababa na tinig at pinanlakihan ng mata ibig pahiwatig na umayos ito. “Huminggi kana ng tawad kay Clarisse para matapos na ito.” final na tinig na lang nito na mamilog na lang ang mata ni Betina sa kanyang narinig na pag kabigla at ganun rin naman ako.
Sandali, anong nangyari?
Bakit kailangan na huminggi ng tawad sa akin si Betina?
Lalo lamang sumiklab ang matinding galit sa mga mata ni Betina, parang naging slow-motion lamang na bumaling siya ng titig sa akin. Umaapoy na ang mga mata niya sa galit, na hindi niya matanggap ang sinabi ng kanyang Ina.
“What? Hell, no!” Pag mamatigas niya pa na parang kamatis na kapula ang mukha nito sa inis. “Bakit naman ako hihinggi ng tawad sa babaeng iyan, Mom? Diba sinabi ko na sainyo na sinaktan niya ako, tignan niyo ang mga sugat ko sa kamay at katawan at kagagawan ng babaeng iyan.” Tinaas ni Betina ang kanyang kaliwang kamay pinakita ang mga natamong sugat at kalmot ko sakanya no’ng mag away kaming dalawa.
Walang imik lamang ang mag-asawang tinignan ang tinuro ng kanyang anak, imbes na kampihan at pakinggan ang mga sinasabi ni Betina tila ba’y wala silang pakialam.
Ano bang nangyari?
Kani-kanina lamang na ipag- tanggol nila ang kanyang anak sa loob na halos galit na galit pa sila no’ng huli kaming mag kaharap sa Opisina, pero bakit tila ba’y nag bago ang ihip ng hangin?
Bakit ngayon, para bang wala na akong narinig na anumang galit at reklamo mula sakanila?
“Tumigil kana nga diyan Betina.” Pinanlakihan ni Mrs. Lackson ng mata si Betina para ipahiwatig na tumigil na ito, kung ano man ang sinasabi at ginagawa ng kanilang anak. “Nakaka-hiya ang ginawa mo. Bilisan mo na at huminggi kana ng tawad sakanya, ngayon na!”
“But Mom.” Pag mamatigas na lang ng ulo ni Betina, pulang-pula na ang mukha niya na hindi niya matanggap na hihinggi siya ng tawad sa akin.
“Gawin mo na, Betina!” Malagong at pagalit na tono ni Mr. Lackson, na nanlumo na lamang ito. Nag pabaling-baling lang ng tingin si Betina sa kanyang mga magulang, naguguluhan at humihinggi ng kasagutan kong ano nga ba ang nangyayari ngunit tikom ang bibig ng mag-asawa. “Sumunod kana lang at huminggi ka ng tawad kay Clarisse, sa mga ginawa mo. Do it, right now!” Parang batas na utos ni Mr. Lackson sa kanyang anak na pinag sukluban ng langit at lupa na lang si Betina.
Pinag-halong galit at frustate na lang ang naramdaman ni Betina at pinako ang atensyon niya sa akin.
“Okay, fine.” Labas sa ilong na wika ni Betina. “I’m sorry, I’m sorry Clarisse.” Wala sa loob na tinig nito na animo’y napipilitan lamang.
Bago pa man matapos na huminggi ng tawad si Betina sa akin, mabibigat na tumalikod na lamang si Mr. Lackson galit na galit na nag lakad paalis at hindi niya matanggap na hihinggi ng kanilang anak ng tawad at bababaan ang sarili sa ibang tao.
Sumunod na lamang ang asawa niyang si Mrs. Lackson na galit na galit ang mag asawa. At nang mapansin ni Betina ang pag-lakad paalis ng kanyang mga magulang palayo, hinabol niya pa ang mga iyon. “Mom, Dad sandali lang po!” Patuloy niyang pag tawag habang naka sunod dito na hindi na kina-lingon pa ng mag-asawa ang atensyon neto, hiyang-hiya at galit rin kong ano ba ang nangyari. “Mom, Dad!” Maririnig mo na lang ang matinis na pag tawag ni Betina sa kanyang mga magulang na hindi na kina-pansin pa ito.
Wala sa sariling napa baling muli ako ng titig sa guwapong mukha ni Travis sa tabi ko sinusundan ng tingin palayo ang mga Lackson, walang halong emosyon ang mata niya dito.
Anong ginawa mo, Travis?
Anong sinabi mo sakanila?
STILL CLARISSE’S POV
Binilisan ko pa lalo ang pag takbo ko, hindi ko na alintana ang namuong pawis sa aking noo at leeg sa pag takbo ng mabilis lamang. Hindi ko na kina-pansin pa ang ilang mga estudyante na maka salubong ko sa daan basta gusto ko lang maabutan siya.
Gusto ko siyang maka- usap.
Gusto ko siyang tanungin.
Gusto kong alamin ang bumabagabag sa isipan ko ng mga sandaling ito.
Mariin na lang ako ng ibabang labi na mag palakas na lang ng kalabog ng aking puso na mahagip ng aking mata ang bulto ang isang pigura ng isang tao, sa parking area sa likuran ng Campus. Naka parada ang itim niyang sasakyan niya doon at may kasama siyang lalaki na katiwala kaya’t binilisan ko pa lalo ang kilos ko para maabutan sila.
Kumilos na ang tauhan ni Travis binuksan na ang pintuan sa backseat, hinihintay na lamang si Travis na pumasok roon.
“Travis.” Tawag ko na lang sakanya na kina-hinto niya na lang. Humingga muna ako ng malalim bago ako tumakbo palapit sakanya, hinahabol ko pa ang aking pag hingga at mariin na lumunok ng laway. Humarap naman si Travis sa akin, malamlam ang pinapakita na expression.
“Bakit?” Gumuguhit ang lamig sa kanyang boses.
“Salamat, salamat sa ginawa mo.” Lakas-loob kong pasasalamat sakanya. Matapos nang pag uusap kanina, napag- alaman ko sa Principal at sa Dean na, hindi na nag reklamo pa ang mga Lackson sa akin sa nangyari sa aming dalawa ni Betina matapos kausapin ni Travis iyon..
Kusa nang inatras ng mga Lackson ang parusa na dapat iparatang sa akin, na hindi na nila ako i-expel. Hindi ko alam kong bakit ganun-ganun na lamang napabago niya ang desisyon ng mag-asawa.
Hindi ko alam kong ano ba ang sinabi niya sa pag- uusap nila kanina sa Opisina.
Tila ba’y isang tandang pananong iyon sa isipan ko, na kahit ako mismo hindi ko alam ang kasagutan.
Tikom rin ang bibig ni Travis sa nangyari na ayaw niyang mag banggit kong ano man ang napag kasunduan nila.
“May gusto lang akong itanong.” Inipon ko ang lakas sa aking dibdib para maitanong iyon sakanya. Hindi naman ako mapapanatag hangga’t hindi ko nalalaman iyon mula sakanya ang totoo.
“Ano iyon?”
“Anong sinabi mo sa mga magulang ni Betina? Anong ginawa mo para mapa bago mo ang isipan nila? Bakit parang napaka dali naman ata na iatras ng mga Lackson an——-“ hindi ko na natapos na hinakbang ni Travis ang sarili niya sa akin. Napa atras na lamang ako ng dalawang hakbang hanggang kusa na siyang tumigil sa harapan ko. Nanikip na lamang ang pag hingga ko lalo’t sobrang lapit na ng katawan namin na maamo’y ko ang perfume na kanyang gamit.
Napa- tinggala rin ako dahil may katangkaran din si Travis sa akin sapat na mapag masdan ko ang guwapo niyang mukha.
Bigla-bigla umiba ang atmosphere sa panig naming dalawa na tumitig sa mata niyang puno ng seryoso. Imbes na sagutin niya ang katanungan ko, tinaas niya ang kaliwa niyang kamay at dahan-dahan na inayos ang pag kakasabit ng strap ng bag ko sa balikat ko, na medyo nalaglag na nga sa pag takbo ko kanina.
Nanatili lamang akong naka-tingin kay Travis, tila ba’y may anong boltahe ang nanalaytay sa katawan ko ng sandali na lumapat ang mainit niyang balat niya sa akin.
“Mag kita na lang tayo mamaya.” Iyan na lang ang
sinagot niya sa akin bago niya ako tinalikuran at sumakay sa loob ng sasakyan. Sinarhan ng tauhan niya ang pintuan, umikot pa ito sa sasakyan para maka sakay na sa driver seat at ilang sandali lamang umandar na ito paalis.
Nanatili lamang akong naka tayo, tinatanaw ang kotse ni Travis palayo hanggang kusa na lang iyon nawala sa paningin ko.
BETINA’S POV
Naka sunod lamang ako sa likuran ng aking mga magulang, galit na galit at hindi na maipinta ang mustra ng mukha ko sa inis.
Tinignan ko lang ang likod ng aking mga magulang, tahimik lamang sila pero ang mabibigat na yabag ng kanilang paa palatandaan na hindi nila nagustuhan kong ano man ang nangyari kanina.
Nanlilisik na ang aking mata sa galit, hindi matanggap na kailangan kong babaan ang sarili kong huminggi ng tawad sa lecheng, Clarisse na iyon.
Kasalanan niya ang lahat ng ito, tapos ako pa talaga ang hihinggi ng tawad sakanya?
Labis na kinaka-init ng butse ko na napa-hiya na lang talaga ako nang ganun, hindi lang sa kaibigan ko pati na rin sa kanilang lahat na naka saksi.
Ano na lang ang iisipin nilang lahat sa nangyari?
Gawa-gawa ko lang ito?
Nag iimbento lang ako para pag mukhain na masama ang Clarisse na iyon?
Hindi ko ito matatanggap!
Hindi ako papayag!
Tiyak sa pag kakataon na ito, pinag uusapan na ako ng mga estudyante, pag tatawanan nilang lahat ako!
Bwisit talaga!
Panira talaga ang babaeng iyan sa buhay ko!
Hindi ko na namalayan na naka kuyom na ng mariin ang aking kamao sa labis na galit at hindi pa ako nakuntento binilisan ko pa lalo ang mabibigat na yabag ng paa ko at humarang na lang sa harapan ng mga magulang ko na mapa tigil naman sila.
“Mom, Dad!” Matinis kong asik na nag pasalin-salin ng tingin sakanilang dalawa, halatang galit at hindi maganda ang timpla ng kanilang mukha. “Anong nangyari kanina? Akala ko ba papatalsikin niyo ang bruhang Clarisse na iyon!” Matinis kong asik, nanginginig na ang laman ko sa galit.
“Tumigil kana Betina, huwag na natin pag usapan pa iyan!” Mom na mapa awang na lang ako ng aking labi.
Akala ko maayos na ang lahat?
Akala ko susunod kami sa napag kasunduan na plano, pero ano ang lahat ng ito?
Wala na?
“Why not?!” Giit ko na lang na hindi ako titigil hangga’t hindi ko malalaman mula sakanila kung ano ba talaga ang tunay na nangyari. “Wala ka bang sasabihin Dad? Sinaktan ako ni Clarisse, nakita niyo naman ang mga sugat sa katawan ko at iyon ang totoo. Paalisin niyo na si Clarisse, dahil patuloy lang siyang manggugulo sa akin! Paalisin niyo na siy——-“
“Tumigil kana Betina!” Umalingawngaw na lang ang malakas at nakaka sindak na sigaw ni Dad na mag panikip na lang ng aking dibdib. Ito ang kauna-unang beses na masigawan niya ako.
Parati siyang naroon sa side ko, pinapakinggan at kina-kampihan ngunit asan na iyon ngayon?
Bakit puro galit na lang ang nakita ko.
Tiim-baga na lumapit na lang sa akin si Dad, sinalubong ko lahat ng kinikimkim na galit sa kanyang dibdib na hindi niya mailabas. “From now on, hindi kana lalapit at gagawa ng anumang gulo, sa babaeng iyon, Betina. At ayaw ko nang marinig pa na gumagawa ka ng anumang kalokahan mula sa’yo, nag kakaintindihan ba tayo?!”
“But Da——-“
“Malinaw ba iyon, Betina?!” Tumaas ang kanyang boses na wala na lang akong nagawa kundi tumango na lamang.
Humingga na lang si Dad ng malalim na tinignan niya ako ng matalim sa huling pag kakataon at nilampasan niya na ako. Sumunod na lang sakanya si Mom, at tinanaw ko na lang sila ng tingin palayo na maluha-luha na lang ang aking mata palatandaan ang matinding galit.
Hindi ko na lang dinama ang kirot na bumaon ang matutulis kong kuko sa aking laman, sa higpit na pag kakakuyom ng aking kamao sa matinding galit.
Napaka-hayop mo talaga Clarisse!
Pag babayaran mo ito!