30
BETINA’S POV
Perinte akong nag hihintay sa isang coffee shop. Sinimsim ko ang mainit na inumin na aking inorder para sa ganun mapakalma naman ako. Habang nag hihintay, maya’t-maya ko sinisilip ang cellphone ko tinitignan kong may natanggap na akong mensahe ngunit wala pa rin.
Iilang table lang naman na bakante ng ilang customer na hindi naman medyo crowded dahil nga pasado alas- singko na iyon ng hapon.
Ilang segundo na pag hihintay pa, kaagad akong nabuhayan ng loob na makita ang gusto kong makita.
Natanaw ko na ang pigura ng guwapong lalaki palapit sa kinarooonan ko walang iba kundi ang aking nobyo.
“I’m sorry, I’m late.” Lumapit na si Luke at hinila niya ang upuan sa harapan ko at naupo na roon. Nilagay niya rin sa bakanteng table ang dala niyang bag at tahimik ko lang siyang inobserbahan na medyo pawisan at suot niya pa rin ang uniforme na pag practice nila, hindi na niya nagawang magpalit ng damit at sa pag mamadali. “Gusto mo daw ako maka-usap kaya nag mamadali akong pumunta dito kahit hindi pa tapos ang practice namin. May problema ba, Betina?” May pag aalala sa kanyang tinig.
“Si Clarisse, ang leche mong ex!” Panimula ko naman dahil iyon naman talaga ang ang dahilan kong bakit ko siya gustong maka-usap. Ang lecheng babaeng iyon. “Pinapakulo niya ang dugo ko, pinahiya niya ako dahil huminggi ako ng tawad sakanya kahapon sa harap ng dean at sa harap ng maraming tao and everybody’s talking me dahil sa nangyari.. Alam mo ba ang lalong kina-iinis ko pa nang husto, Luke? Hindi ko matanggap na pinagalitan pa ako ng mga magulang ko sa nangyari at sinisisi nila ako na kasalanan ko naman daw!” Namula na na parang kamatis ang mukha ko sa tindi ng galit.
Hindi lamang sa kahihiyan na natanggap ko sa buong Campus kundi nagalit sa akin ang mga magulang ko.
Ngayon lang sila nagalit nang husto sa akin, hindi ko matanggap dahil kagagawan ng lecheng Clarisse na iyan.
“Kasalanan mo rin naman talaga, kung hindi mo lang sinugod at inaway si Clarisse hindi kayo aabot sa ganito.” Bigla na lang talaga nag pagting ang taenga ko sa aking narinig at tinignan ng matalim si Luke.
“Excuse me!” Medyo pag tataas na boses. “So kinakampihan mo na ang babaeng iyon? Bakit may nararamdaman kana ba sakanya?” Ewan ko, bigla na lang akong nairita sa sinabi niya.
Kaya nga gusto ko siyang tawagan para maka- usap para sabihin lahat ng kinikimkim na galit sa dibdib ko sa nangyari at gusto ko rin kampihan niya ako, hindi iyong kumakampi siya sa iba!
“Wala akong kinakampihan Betina.” Mababa netong tono. Nababasa ko naman sa mga mata ni Luke na ayaw niya ng gulo. “Matagal na kitang pinag sasabihan na huwag mo ng guluhin pa si Clarisse, para wala ng away pero parati mo siyang inaaway.” Yah, he’s right!
Matagal ko rin naman niya akong pinag sasabihan na huwag ko ng guluhin si Clarisse, eh paano niyan?
Ayaw ko siyang tantanan.
“Seriously now Luke, are you blaming me now?” Pagak kong tinig. “Baka nakaka-limutan mo kasalanan mo rin kong bakit ako nag kakaganito. Kong hindi ka lang lapit nang lapit sa babaeng iyon hindi ako mag kakaganito. Alam mo naman na ayaw kong mayron ako ng kahati sa’yo!” Tumalim na lang ang aking titig at naging seryoso na iyon.
“What are you thinking Betina? Kilala kita.” Binalik ko ang tingin at sumilay na lang ang nakaka-lokong plano sa aking isipan.
“Wala naman, gagantihan ko lang ang Clarisse na iyon dahil hindi ko matanggap ang ginawa niya sa akin. Kong hindi na kikilos ang mga magulang ko para patalsikin siya, ako na lang ang gagawa.. Bibigyan ko lang naman siya ng magandang regalo na hinding-hindi niya makaka-limutan.” Lumitaw na lang ang mala-demonyong ngisi sa aking labi.
“Kong ano man ang binabalak mo Betina, itigil mo na iyan.” Mahina subalit medyo bahalang paalala ni Luke. “Huwag mo nang subukan pa, lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon.”
“Bakit, anong gagawin mo? Pipigilan mo ako?” Medyo may pag tataas ng tono ng aking boses na mag katitigan kaming dalawa sa mata. Naroon ang matinding takot sa mata ni Luke kung ano man ang binabalak ko. “Kapag sinubukan mong makialam sa akin Luke, hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!” Banta ko na lang na asik.
“But, hindi mo kasi alam ang ginagawa mo, Betin—-“ hindi ko na siya pinatapos pa nang sasabihin na padabog akong tumayo sa aking kina-uupuan. Inis ko rin na kinuha ang bag ko na naka-patong sa table at nag martsa na paalis na iniwan siya.
Wala akong lingon-lingon na nag lakad palayo, na naging seryoso na ang aking mga mata.
CLARISSE’S POV
Tumunog na ang bell hudyat tapos na ang klase naming araw na iyon. Isa-isa nang tumayo at mag asikaso ang mga kaklase ko pala maka uwi na. Maririnig mo na lang ang munti nilang ingay, tawanan at harutan habang paalis kasama ang kanilang mga kaibigan.
Tumayo na rin ako at isa-isa ko na rin kinuha ang mga gamit ko sa ibabaw ng desk. Isa-isa iyon nilagay sa bag ko. Mahigit isang linggo na ang nakaka lipas simula no’ng mangyaring mag kaharap-harap kami sa Office ng mga magulang ni Bstina. Payapa at bumalik na rin sa normal ang buhay ko, na tinuon ko na lang ang sarili ko sa pag aaral. Naging abala na ako dahil palapit na nang palapit ang pag susulit kaya’t naging puspusan din ang pag review ko lalo’t napaka halaga rin sa akin ang maka kuha ng mataas na grades.
Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin ang nangyaring pag haharap ni Travis sa mga magulang ni Betina. Hindi ko alam kong anong nangyari at kung bakit napaka dali niya lamang napa sunod ang mga ito. Sa tuwing kinakausap at tinaanong si Travis, kong ano ba talaga ang kanilang napag usapan sa loob ng silid na iyon ngunit tikom ang kanyang bibig. Ayaw niyang mag salita, sa tuwing pinipilit ko naman siya ngunit palagi niyang sinasabi sa akin, ‘wala naman daw’
Hindi ko alam, hindi lang talaga ako mapa lagay hangga’t hindi ko nalalaman kong ano nga ba ang napag kasunduan nila ng araw na iyon. Alam kong may sinasabi at may ginawa siya para mapa-sunod niya ang mga Lackson.
Samantala naman si Betina?
Hindi niya na ako ginugulo, sa tuwing nakikita at nag kakasalubong kaming dalawa sa hallway nag kakatitigan lang kami sa mata. Naroon pa rin ang matinding galit niya sa nangyari na hindi niya matanggap. Umaapoy ang mata ni Betina sa matinding galit, wala na akong narinig pang ano man na masasakit na salita at hindi na siya nag tangka pang lumalapit sa akin.
Si Betina ma ang kusang umiiwas at lumalayo sa tuwing nag cro-cross ang landas naming dalawa. Hinahayaan ko na lamang at hindi ko na siya pinapansin basta’t hindi niya ako ginugulo pa.
Napa tingin na lang ako sa aking relo na pasado alas singko pasado na nga nang hapon at kakaunti na lang ang natirang mga kaklase ko sa loob ng silid dahil ang iba nga umuwi na.
“Clarisse, pauwi kana ba?” Lumapit na sa akin ang kaibigan kong si Faye, kina-sulyap ko na lang siya sa tabi ko na hindi mapakali at halatang excited. Panay pangiti-ngiti pa na sinasayaw bahagya ang kanyang katawan, naka- sabit na rin ang bag niya hudyat handa na nga itong umuwi.
“Oo, uuwi na ako dahil tapos na rin ang pasok natin ngayon at tyaka nandiyan na rin panigurado ang sundo ko. Bakit?” Taka kong tanong
“Ano ba iyan!” Himutok niya na lamang na naka busangot na. “Akala ko may usapan na tayong dalawa na pupunta tayo sa bagong condo ko. Ngayong araw na kaya iyon, Clarisse,” pag didiin niya pa na matigilan na lang ako.
“Ah, ngayon ba iyon?” Bulalas kong tinig. Nawala na sa utak ko na ito na pala ang araw na bibisitahin namin ni Faye ang bagong condo na binili sakanya ng kanyang mga magulang. “Sorry, naka- limutan ko kasi.” Bahagya pa akong napa kamot ng aking ulo at tinapos ko na ang pag aayos ko ng gamit na huling pinasok aa bag ang ballpen at calculator dahil Calculus lang naman ang huling subject namin ngayong araw.
“Pina-alala ko sa’yo no’ng naka raang araw na pupunta tayo ngayon condo ko, remember?” Naka taas na ang kanyang kilay halata ngang nag tatampo na. “Mamaya kana umuwi Clarisse, at doon ka muna tumambay sa condo ko, nag order na ako ng chicken at pizza.” Tinaas-baba niya pa ang kanyang kilay hudyat na paanyaya na iniling ko na lang ang aking ulo.
“Sige na nga.” Wika ko na lamang at unti-unti nang lumawak ang ngiti sa kanyang labi.
Mag kasabay na kaming lumabas ni Faye sa silid, nag lalakad sa malawak na hallway ng Campus, kakaunti na rin naman ang mga nakaka sabayan naming mga estudyante at ilan sakanila pauwi na rin. Nag aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan, payapa na tinatahak naming dalawa ni Faye papunta sa parking lot kung saan nag hihintay ang sasakyan na susundo sa akin.
Sumakay na kaming dalawa ni Faye sa backseat, ilang sandali lamang dahan-dahan na iyon umandar palabas ng Campus papunta sa kanyang condo.
Hanggang nasa byahe, hindi na kaagad nawala ang masayang kwentuhan, asaran, tawanan at mga nangyari sa aming ngayong araw. Si Faye, panay kwento at pag mamalaki niya ng bagong condo na binigay sakanya ng kanyang mga magulang.
Hindi na nawala ang matamis na ngiti at ningning ng kanyang mga mata habang kinu-kwento kung gaano siya kasaya at kinikilig lalo’t alam kong isa sa mga pangarap niya ang mag karoon ng sariling condo.
Matapos ng mahigit trenta minutos na byahe, naka rating na rin kami sa isang sikat at mamahalin na building. Pumasok na kaming dalawa ni Faye sa loob na sinalubong naman kami na pag- bati ng guard doon, mapapansin mo na talaga na napaka- highclass ang dating ng building kahit nasa lobby ka pa lang na makikita mo ang mamahalin na mga kagamitan at pag kakagawa no’n na hindi biro na may mga halaga talaga.
Nag lakad na kaming dalawa ni Faye bitbit ang supot na dinaanan namin kanina ng mga inorder niyang pag kain, balak namin na kwentuhan habang nanunuod sa kanyang bagong condo. Sumakay na kaming dalawa sa elevator hanggang tumigil iyon sa 8th floor kung saan ang kanyang unit.
Hindi maalis ang pag kamangha kong nag palinga-linga na lang sa kaliwa’t-kanan ko sinusulyapan ang madaanan namin na mga pintuan, na tantya ko naman na mga kwarto iyon. Ilang aandali lamang natapat na kami sa room 825 kung saan ang kanyang unit na condo.
Nilabas na ni Faye ang kanyang susi na dala at nauna na siyang pumasok sa loob. Maririnig mo na lang ang hagikhik na kilig ng kaibigan ko. “Halika na Clarisse, dali.” Paanyaya niya sa akin. “Pasensiya na ha? Hindi kasi ako nakapag ayos ng maayos.”
Tahimik lamang akong naka sunod sakanyang likuran, ginagala na pinag mamasdan ang loob ng kanyang condo. Masasabi kong maganda naman talaga iyon, mayron na sariling living room, may sofa, tv at medyo dulo ng konti nandon na ang kusina kompletong-kompleto rin maman sa mga kagamitan na kanyang kakailanganing. May katamtaman rin naman na dining table na kayang mag okupa ng anim na tao na mag kakasabay na kumain, may sarili rin siyang ref na pwede niyang ilagay ang mga stocks niya. May dalawang pinto naman sa pinaka dulo subalit hindi ko na tinignan iyon, nag asseum na lang ako na kwarto at cr iyon panigurado.
Hindi nag sawa ang mata kong pag masdan ang napaka ganda at linis ng condo ni Faye, napaka esthetic rin ang mga gamit niya sa loob na mga nude color naman ngunit ang sarap-sarap naman pag masdan.
Ang mga kagamitan rin kompleto na, halatang hindi biro ang halaga ng mga iyon.
“Wow, ang ganda naman Faye.” Iyan kaagad ang unang sumalubong sa akin pag pasok ko pa lang. Lumapit na ako kay Faye at nilapag ko na rin sa center table ang hawak kong pag kain.
“Kahapon lang ako lumipat dito at sinamahan ako nila Mom and Dad. Yayain sana kita bukas dito pero alam ko naman na busy ka. Maupo ka muna Clarisse,” pag papasunod niya naman sa akin at naupo na ako sa mahabang couch samantala naman si Faye pumunta sa kusina at may kukunin siguro.
“Mabuti naman at pumayag sila Tita at Tito na kuhanin ka nila ng condo. Diba, hindi naman nila gusto na mapala layo ka sakanila?” Tukoy ko sa mga magulang niya. Alam ko naman na ayaw ng mga ito na kumuha siya ng condo dahil nag iisang anak lang naman si Faye.
“Oo nga, akala ko nga rin na hindi nila ako papayagan na kumuha ng condo pero napilit ko naman sila. Tinanong nila ako no’ng naka raang linggo kong ano daw ang gusto kong Christmas gift, sinabi ko naman condo at wala na silang nagawa pa.” Mayaman naman ang mga magulang ni Faye kaya’t hindi naman mahirap kila Tito at Tita na ibigay lahat ng gusto niya para sa ikakasaya ng kanilang anak.
“So, may naimbitahan kana bang ibang tao rito sa condo mo, Faye?”
“Hmm?” Bahagya siyang nag isip saglit. “Wala naman, ang naka punta pa lang dito si Mom at Dad no’ng hinatid nila ako dito tapos ikaw, syempre sino pa naman ang nag iisa kong kaibigan. Hihi.”
“Nakaka-inggit, mabuti ka pa mayron kanang condo,” napa nguso na lang na tinig. Gusto ko rin naman talaga mag karoon ng condo matagal na.
Iyong mag isa lang ako at nagagawa ko ang lahat ng gusto ko na hindi bantay-sarado ng mga magulang ko pero ayaw ni Papa kaya’t hindi na lang ako pumilit pa.
“Baliw, anong nakaka-inggit diyan?” Wika ni Faye at bumalik siya may dalang dalawang baso at nilapg sa ibabaw ng center table. “Ako nga ang naiingit sa’yo eh. Ang ganda-ganda at laki pa kaya ng bahay mo. Mansyon kaya ang bahay mo, napaka rami mo pang kasambahay at guards na naka bantay sa’yo bente-kwatro oras!”
“Correction, hindi ko bahay iyon. Kay Travis.” Giit ko na lang.
“Kahit na bahay mo na rin iyon dahil asawa mo siya, diba?” Pag tatama na lang neto at pinandilatan ko lang maman siya at iniling na lang ni Faye ang kanyang ulo at bumalik sa kusina ulit. “Oh shocks!” Bulalas niya na lang kaya’t napa lingon na ako sakanya.
Hawak niya ang pintuan ng ref, tumitigin siya sa loob no’n. “Bakit?”
“Naka-limutan ko palang bumili ng drinks para sa ating dalawa.” Sinarhan niya ang ref.
“Ayos lang naman sa akin Faye, hindi naman ako umiimom. Okay na sa akin ang tubig lang.”
“Ano ka ba, napaka- boring naman no’n.” Anito. “Diyan ka lang at bibili lang ako ng maiinom sa ibaba. May malapit lang naman dito na seven-eleven.” Kumilos na siyang umalis kaya’t napa tayo naman ako para sumama.
“Sasamahan na kita, Faye.”
“Hindi na Clarisse, bisita kita kaya’t dito ka lang.” Pag papasunod niya sa akin para maupo ulit sa sofa. “Dito ka lang okay? Mabilis lang ako. Habang nag hihintay ka muna sa akin manuod ka muna sa netflix para hindi ka mabagot!”
“Per——-“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko na inabot na sa akin ni Faye ang remote. Ngumiti siya sa akin pahiwatig na kaya niya na.
Nag paalam na sa akin si Faye at lumabas na ito ng condo. Nilock ko na rin ang pintuan at binalik ko na lang ang sarili ko na maupo sa sofa, binuksan ko na nga ang tv at sinunod ang utos ni Faye.
Nanuod muna ako ng tv at pumili ng panunuorin ko at may napili naman ako ng isang animated na cartoons, naka- tuon lang ang atensyon ko sa panunuod habang nag hihintay sa kaibigan ko hanggang maka- lipas ang mahigit kinse- minutos na tuluyan na nga akong nabagot kaya’t hindi ko na tinapos ang pinapanuod ko at pinatay ko na nga iyon.
Binaba ko na ang hawak kong remote at natigilan lang naman ako na marinig ang bahagyang pag doorbell, bigla akong nabuhayan dahil panigurado si Faye iyon. Sunod-sunod ang pag pindot ng doorbell at dali-dali na akong tumayo para puntahan na sa pintuan para pag buksan na siya ng pintuan. Inalis ko na ang pag kaka-lock ng pintuan at binuksan na ang pinto ng konti na masisilip ko lang ang mukha ng kaibigan ko. “Oh, naka-limutan mo mag dala ng susi kaya nag doorbell ka ngayon. Sa sunod kasi dalhin mo na parati ang sus——“ bunggad kong salubong na unti-unti na lang napawi ang matamis na ngiti sa labi ko na imbes ang kaibigan ko ang makita ko sa likod ng pintuan kundi ibang tao.
Sandali, sino siya?
Bigla akong natigilan na pinag masdan ang tao, na nasa harapan ko na naka- suot ito ng black jacket, itim na cap at facemask kaya’t hindi ko gaano’ng napag masdan ang kanyang buong mukha. Medyo may katangkaran rin at medyo malaki ang kanyang pangangatawan na makompirma ko naman na lalaki iyon base sa kanyang prostura. Kahit naka-suot ito ng mask, sapat na makita ko ang madilim at nanlilisik nitong mga mata kong paano niya ako tignan.
Hindi ko alam, bigla akong kinilabutan sa presinsiya neto na hindi ko maipaliwanag at iba na ang pakiramdam ko.
Nanalaytay na lang ang matinding kilabot sa katawan ko, na ilang pulgada lang ang layo ng katawan namin hanggang kumilos na ang mata kong tumingin na lang sa kamay ng misteryosong lalaki sa harapan ko, nakita ko ang matulis na bagay na tinatago niya sa likuran.
Kaagad naman akong pinag hinaan, na gumalaw din ang mata ng lalaki at napansin neto kung saan naka-pako ang aking mga mata na mag bigay ng matinding kilabot na lang sa buong katawan ko. Bago pa kumilos na sumugod ang lalaki, mabilis na kumilos ang kamay kong hinawakan ang pintuan at tinulak iyon pasara.
Ginamit ko ang lakas at pwersa kong sarhan iyon ngunit nanlamig na lang ako nang husto na sinangga ng lalaki iyon gamit ng kanyang kamay. Tinutulak nang kay lakas ng lalaki ang pintuan pabukas na ginamit ko ang huling lakas kong tinutulak iyon pasara para hindi siya maka-pasok sa loob ngunit mas malakas siya kompara sa akin.
Napa sigaw na lamang ako na tinulak ng lalaki nang kay lakas ang pintuan kaya’t napa-atras na lang ako ng aking paa sa lakas nang impact kasunod no’n ang pabalang na pag tunog ng pintuan na mag bigay matinding takot na lang sa aking puso.
Tumingin na lang ako sa lalaki sa harapan ko, nakikita ko ang matinding kagustuhan sa kanyang mga mata na patayin ako. Lumunok na lang ako ng mariin na nilabas niya ang hawak na kutsilyo na tinatago sa kanyang likuran at dahan-dahan niyang hinakbang ang sarili niya sa akin kaya’t wala naman akong magawa kundi ang iatras ang aking paa palayo sakanya.
Nabahiran ng takot ang aking mga mata, na medyo maluha-luha na, tumitig sa mata ng lalaki na umaapoy sa galit.