31
CLARISSE’S POV
Maririnig mo na lang ang mabigat na yabag ng lalaki sa sahig, na mag pamuhay ng matinding takot sa akin. Palapit na siya nang palapit samantala naman ako atras nang atras palayo sakanya, takot na takot at hindi alam ang gagawin lalo’t tumitig sa kanyang mata na nabahiran ng galit.
Faye, asan kana?
Kailangan kita ngayon.
Sigaw naman ng isipan ko na hanggang ngayon wala pa rin si Faye.
Luminga-linga ako sa kaliwa’t-kanan ko nag hahanap ng tyempo na maka alis subalit alam kong wala pa rin akong takas kung sakali man na tumakbo ako.
Mariin na lang akong napa lunok ng aking laway na tumitig sakanya muli.
“S-Sino ka? Anong ginagawa mo dito?” Kahit may takot sa aking puso nagawa ko pa rin mag tanong “Sino ka nga sabi e——-“
“Nandito ako para patayin ka!” Nakaka-kilabot ang tinjg neto parang nasa kailaliman ng balon ang kanyang boses. Humigpit na lang ang pag kakahawak ng lalaki sa patalim na handa na itong umatake. Mabilis at maliksi ang kanyang kilos na siyang sumugod na iamba niya sa akin na itarak ang patalim subalit bago pa iyon bumaon, mabilis na akong umiwas.
Sumiklab lang ang matinding galit sa mata ng lalaki, na hindi niya ako matamaan kaya’t umamba naman siyang kumilos na sumugod na itarak ang patalim kaya’t naka iwas muli ako at daing na lang ako na sumampa na ang aking katawan sa isang table sa isang tabi kung saan naka patong ang mamahalin at babasagin na vase doon na display.
Umatake ulit ang lalaki sa pangatlong pag kakataon at maliksi ko nang ginalaw ang sarili kong hinawakan ang mamahalin na vase at binato iyon sakanya ng malakas. Namuhay na lang ang matinding pangamba sa aking dibdib, na walang ano-ano sinangga ng lalaki gamit ang kanyang kamay ang binato kong vase na marinig mo na lang ang pag kabasag no’n na hindi niya man lang dinama ang malakas na pag kakabato ko.
Palapit na siya nang palapit sa akin kaya’t mabilis kong kinuha naman ang naka-patong roon at iambang ibabato sana sakanya muli ngunit, nagulat na lang ako na inagaw niya na lang nang marahas ang mabigat na vase na hawak ko at walang ano-ano tinapon niya na lang iyon kung saan na maka- gawa iyon ng malakas at nakaka-hindik na tunog.
Bago pa man ako maka kilos, na napa daing na lang buong lakas niya akong sinampal sa pisngi, kulang na lang mahilo ako sa lakas nang impact singhap na lang ako muli, na marahas na hinawakan ng lalaki ang aking buhok kaya’t napa- anggat na lang ako ng mukha.
“Ahh.” Daing ko na lang nang mahina, na hindi na maipinta ang mukha ko sa higpit na kanyang pag kakahawak niya roon na pakiramdam ko may natanggal na buhok sa anit ko, tiniis ko na lang ang kirot at sakit.
“Tangina, talaga kanina pa ako naiinis sa’yong lintik ka!” Mahina ngunit galit na tinig ng lalaki na humawak na ako sa kanyang kamay na naka- hawak sa buhok ko, pilit na inaalis iyon. Nag patuloy akong nag pupumiglas na maka-wala sa kanyang pag kakahawak ngunit mas malakas siya kumpara sa akin.
“Ahh, ano ba!” Matinis kong asik, na nag patuloy kong hinahatak ang sarili ko paalis sa kanyang pag kakahawakngunit bigla na lang nanlamig ang aking katawan na maramdaman ko ang malamig na kutsiluo na lumapat sa aking leeg.
Naging malilikot na ang mata ko at ang tapang sa aking mukha ngayon napalitan ng takot na baka itarak niya iyon sa akin.
Rinig ko na ang malakas na kalabog ng aking dibdib na pinipilit ko lang na maging matatag kahit sa loob-loob ko paunti-unti na akong dinadapuan ng takot na baka ito na ang katapusan ko.
Baka wala na akong kawala pa sakanya.
“Huwag mo nang subukan pang tumakas pa Clarisse, pinapagod mo lang ang sarili mo.” Ramdam ko ang mainit niyang hiningga tumatama sa batok ko na mag panindig ng balahibo ko sa katawan na marinig ang kanyang sinabi.
Ano?
Kilala niya ako?
Paano?
Tanong ko sa aking isipan, palaisipan pa rin sa akin kong paano niya ako nakilala.
“Oh bakit, bigla ka atang natigilan? Natatakot ka ba?” Nilapit niya pa lalo ang naka baon na kutsilyo sa aking laman na maka- ramdam ako ng konting kirot sa kanyang ginawa, na alam kong mag iiwan iyon ng sugat pag katapos.
“Anong kasalanan ko sa’yo at bakit ginagawa mo ito sa akin?” Hirap kong tinig lalo’t mas dumiin pa ang patalim sa leeg ko, na gumilid na ang luha sa aking mga mata.
“Sa akin wala Clarisse, pero sa nag utos sa akin mayron.” Isang maka hulugang tinig na pinakawala niya na matigilan na lang ako muli.
Ano?
May nag utos sakanya?
Sino naman?
At bakit?
Bakit niya ito ginagawa sa akin?
Sumilay na lang ang mala-demonyong ngisi sa labi ng lalaki na nilapit niya pa ang sarili niya sa akin.
Sunod-sunod na lang akong napa lunok ng aking laway hanggang napa hawak na lang ako sa table, gumalaw na ang aking kamay na hindi niya namamalayan na pwedeng gamitin na depensa laban sakanya ngunit wala akong mahawakan.
Naging malilikot na ang aking kamay hanggang kumapa na iyon sa kanang bahagi, na magbigay pag asa sa akin na kay mahawakan akong matigas na bagay.
Humigpit na ang pag kakahawak ko roon, na ngayon nabahiran na ng matinding galit ang mata ng lalaki. Nilapit niya pa ang mukha niya sa gilid ng taenga ko at may binulong. “Huwag na natin, pahirapan pa ang sarili natin Clarisse, buhay mo lang ang kailangan ko.” Hindi na ako nag paligoy-lingoy pa at walang ano-ano na malakas kong hinampas sa kanyang ulo ang matigas na bagay na hawak ko kasabay na lang ang pag kasabag no’n ng malakas.
“Ahh, tangina mo!” Namimilipit na sigaw ng lalaki na dumaongdong na lang ang nakaka- takot na kanyang sigaw, na hawak niya ang kabila niyang ulo dinarama ang sakit.
Medyo lumuwag ang pag kakahawak niya sa buhok ko kaya’t doon ako nag karoon ng tyempo na maka- wala na maka takas pero hindi pa naman ako nakaka-dalawang hakbang, hindi ko inaasahan na winasiwas ng lalaki ang hawak niyang patalim kaya’t nadaplisan akong nasugatan sa aking braso kaya nawalan ako ng balanse na nasalampak na lang akong bumagsak sa malamig na tiles.
Napa daing na lang ako ng mahina, na tumama na lang ang katawan ko ng malakas doon at tiniis ko na lang ang kirot at sakit ng aking katawan. Napa baling na lang ang aking tingin sa aking braso na ngayon, umagos na ang sariwang dugo doon.
Maluha-luha na akong bumaling ng tingin sa lalaki na ngayon, para itong demonyo sa harapan ko nakaka-kilabot at nakaka- takot na ang kanyang itsura na tinignan ako ng matalim sa aking ginawa. Rinig ko na ang malalakas na pintig ng puso ko na dumilim na ang mustra ng mukha neto para itong halimaw na handa ng kumitil ng buhay.
Pikit-mata at naka hawak pa ang isang kamay ng lalaki sa kanyang ulo. “Putangina, papatayin kitang babae ka.” Matinis niya na lang na singal at susugod na lang sa gawi ko at hindi ko alam kong bakit hindi ko na magawang ikilos ang aking katawan.
Gusto kong tumakbo.
Gusto kong lumayo.
Gusto kong sumigaw ng sandaling iyon ngunit lahat ng iyon hindi ko magawa sa takot.
Napa pikit na lang ako ng aking mata, na hindi ko inaasahan na marinig na lang ang nakaka hindik na kalabog at kasunod no’n ang malakas ng ungol ng lalaki, wala akong naramdaman na anumang sakit.
Kahit takot man, minulat ko ang mata ko para alamin kung ano ang nangyari ngunit lalo lamang akong nagimbal sa aking nasaksihan na makita ko ang lalaki na ngayon naka-upo at dinadama ang malakas niyang pag bagsak.
Kumilos na ang aking mata hanggang nahagip na lang ang misteryosong taong bagong dating at kahit kalahati ng mukha niya lang ang nakita ko, nakita ko ang nakaka-kilabot niyang itsura kung gaano niya tignan ang lalaking gustong manakit sa akin.
“T-Travis,” iyan na lang ang aking naiwika, tila ba’y parang nabunutan ng tinik ang puso ko na makita siya.
Presinsiya pa lang ni Travis kikilabutan ka na, nakaka-takot ang awra niya na pinapanuod lamang niya ang lalaki na mukhang sarap na sarap siyang panuorin itong nag hihirap.
Pikit-mata na napa hawak na lang ang lalaki sa kanyang tagiliran, dinarama ang matinding sakit na pag katama niya roon sabay napa ungol na lang. Tiim-baga na lang na bumangon ang lalaki, at pinulot niya ang hawak na patalim na nabitawan neto kanina sa sahig sa lakas nang impact.
Lalo lamang sumiklab ang galit sa mga mata ng lalaki na umayos ng tindig at pomosisyon ng katawan na handang-handa nang umatake.
Hindi na nag aksaya pa ng panahon ang lalaki at mabilis nang kumilos na umatake sa gawi ni Travis, inamba niyang itatarak ang hawak na patalim ngunit bago pa tumama iyon na iniwas nero na lang ang ulo kaya’t lumihis na lamang iyon na tumama..
Sunod-sunod at naging mabilis ang atake ng lalaki determinadong pabagsakin si Travis, sa bawat kilos at amba niyang patalim napapa-pikit na lang ako ng aking mata sa takot na baka matamaan siya.
Naging intense ang pag sugod ng lalaki, samantala naman si Travis umaatras lamang na nakikipag-laro sa bawat atake neto.
Kahit nanginginig man ang aking katawan, pilit kong bumangon sa aking pwesto at piniling tumabi na lamang na hindi madamay sa pag papalitan nilang dalawa ng away sa harapan ko.
“Putangina!” Inis na singhal ng lalaki, halatang pikon na pikon na kanina pa niya inaambang saksakin si Travis ngunit lahat ng pag sugod niya lahat, nakaka-iwas ito at laging dene-depensahan na pag sangga neto doon. “Papatayin kitang hayop ka!” Nakaka-kilabot na sigaw na lang ng lalaki at inamba siyang sumugod na itarak ang hawak na kutsilyo ngunit namilog na lang ang mata niya sa pag kagulat na lumihis ang kanyang kamay at naka iwas muli si Travis.
Hindi naging handa ang lalaki sa sumunod na mabilis na kilos ni Travis kaya’t binigyan niya ito nang malakas na suntok sa sikmura na mapa ubo na lang ito sa sakit. Namula na ang mukha ng lalaki, halatang pinipigilan ang malakas na ungol na gustong kumuwala sa kanyang bibig.
Kahit hirap man, kinilos ng lalaki ang hawak na patalim na ibabaon sa laman ni Travis ngunit naunahan na siya neto na mabilis itong nahawan ang kanyang hawak kamay na may patalim. Walang ano-ano pinilipit na lang ni Travis ang kamay neto kaya’t napa arko ng konti ang katawan ng lalaki kasabay ang malakas na ungol nito sa sakit.
“Ahh!”
Hindi pa tapos ang pag papahirap ni Travis sa lalaki, na sunod-sunod niyang pinatamaan nang malalakas na suntok sa tagiliran ang lalaki. Napaka lakas at intense ng pag suntok ni Travis sa laman neto na maririnig mo ang pag tama ng kanyang kamao sa kaawa-awa netong katawan at maririnig mo na lang ang nakaka-kilabot na tunog no’n.
Tinatanggap ng lalaki ang bawat suntok ni Travis, walang expression sa kanyang mukha ngunit hindi maitatago na nasasaktan ito sa bawat pag tama ng kamao ni Travis sa kanyang tagiliran.
Kahit hirap man, nagawa ng lalaki na dumepensa na gumanti rin ng suntok gamit ang kaliwa niyang kamay ngunit lumihis lamang iyon na naka ilag si Travis.
Hindi inaasahan ng lalaki na binigyan siya nang malakas na suntok sa mukha kaya’t napa atras na lang ito ng isang hakbang sa lakas nang impact. Hindi pa nakuntento si Travis na hinawakan nang mahigpit ang kamay ng lalaki at inanggat ang katawan neto sa ire at pag katapos binalibag iyon kaya’t bumagsak na tumama ang kanyang katawan sa center table, maririnig mo na lang nakaka-hindik na pag kabasag at tilapin ng bagay na naka patong doon.
Napa takip na lang ako ng mag kabila kong inggay sa malakas na tunog na pag kabasag at pag ungol rin ng lalaki na ngayon naka handusay na naka-higa. “Ughh!” Ungol na lamang neto sa sakit.
Wala na itong lakas pang bumangon na hindi na maipinta ang kanyang mukha, samantala naman si Travis walang emosyon ang mata niyang pinapanuod lamang ito na tila ba’y sarap na sarap na nakikita itong nahihirapan.
Nakaka-kilabot ang mata ni Travis hanggang rinig ko na lang ang mabigat na yabag ng kanyang paa palapit sa gawi ko. Tumigil sa harapan ko at sumalubong sa akin ang galit niyang mga mata, wala sa sariling humawak siya sa aking pulsuhan at hinatak niya ako palabas sa condo ni Faye.
Wala akong nagawa kundi mag patanggay na lang sa pag hatak niya sa akin dahil gusto ko rin na maka alis sa lugar na iyon.
Pinanuod ko na lang ang malapad na likuran ni Travis na hindi niya pa rin binibitawan ang pulsuhan ko, at tinapunan ko muli ng tingin sa huling pag kakataon ang lalaki na wala pa ring lakas na bumangon.
Ramdam ko ang matinding galit ni Travis ng sandaling iyon, na nag pipigil lamang ito kaya’t wala akong naibigksa na anumang salita. Tuloy-tuloy na kaming nag lakad na dalawa at bago pa man kami maka labas sakto naman na maka-salubong namin si Faye sa daan at hawak-hawak neto ang brown na supot na kanyang pinamili.
“Clarisse, sorry kung pinag hintay kita. Ang haba kasi ng pila sa seven-eleven kaya ngayon lang ako naka ratin———“ hindi niya na natapos ang anumang sasabihin na bigla na lamang siyang natigilan at nabigla na maka- salubong si Travis.
Hindi na naka imik ang kaibigan ko, halata rin na hindi niya inaasahan na makita niya si Travis na medyo masama ang timpla na kahit nag tataka at gustong huminggi ng kasagutan kong ano ang nangyari, pinili niya na lang na tumabi at bigyan kami ng daan.
Yakap-yakap ni Faye ang supot na kanyang mga pinamili, sinusundan kami ng tingin ni Travis paalis na makikita ko sa kanyang mga mata na gusto niyang mag salita at sundan kami ngunit pinangunahan kaagad siya ng takot sa galit na presinsiya ni Travis at hinayaan na lang kami maka alis.
STILL CLARISSE’S POV
Hanggang maka-rating kami sa Mansyon hawak-hawak pa rin ni Travis ang pulsuhan ko, kanina pa siya walang imik sa buong byahe at hindi niya ako kinakausap. Mararamdaman mo na lang talaga ang matinding galit niya ng sandaling iyon na kahit ako mismo hindi ko na lang siya sinubukan pang kausapin dahil baka lalo lamang na magalit siya sa akin o kaya naman ako pa ang pag buntungan niya.
Kina-lampas na lang namin ang mga katulong na bumabati at nakaka-salubong namin, na hindi man lang nagawang pansinin o kaya naman tapunan iyon ni Travis ng tingin na tila ba’y hindi niya iyon nakita. Tuloy-tuloy lamang kaming dalawa na nag lalakad hanggang maka rating na kaming dalawa sa kwarto namin.
Walang imik pa rin si Travis ngunit ramdam ko ang matinding galit niya kung ano man ang nangyari kanina. Binitawan niya ang aking kamay, na napa hawak na lang ako sa pulsuhan ko dahil napa- higpit ang pag kakahawak niya roon kanina. Ramdam ko rin ang mabibigat niyang pag hingga ng sandaling iyon at katahimikan na lang ang nabalutan ng malamig na atmosphere sa pagitan namin. “Sige na, mag papalit muna ako ng damit.” Pag puputol ko ng malamig na tensyon sa panig naming dalawa, akmang tatalikod na sana ako na marinig ko siyang nag salita.
“Sit.” Maikling awtoridad niyang utos na hindi niya ako tinatapunan ng tingin. Nang mapansin niyang hindi ako sumunod, inulit niya pa ang sinabi niya. “Ang sabi ko maupo ka.” Kahit ayaw ko man na sumunod, pinili kong maupo sa gilid ng kama para matapos na ito.
Pinag-lalaruan ko ang aking kamay para sa ganun mapakalma ko ang aking sarili.
Wala nang sinabi pa si Travis, tinalikuran niya na ako nag lakad at may kinuha sa drawer sa isang tabi at hindi ko na kina-lingon kong ano ang kinukuha niya roon hanggang bumalik siya na may hawak siyang box na lalagyan, hindi ko alam kong ano ang laman no’n.
Piniling maupo ni Travis sa tabi ko na ilang pulgada lamang ang layo ng katawan namin sa isa’t-isa. Nanatili lamang akong tahimik at nakikiramdam lamang sa nangyari hanggang binuksan na ni Travis ang box, isa lang iyon na first aid kit at hinanda na.
Hindi ako naka ligtas sa kakaibang titig na pag suri niya sa akin ni Travis na kahit ako mismo naalangan na lang na napa- tingin siya sa sugat ko sa braso akmang kukunin niya ang kamay ko na kaagad ko naman iyon na kina-iwas na mag kasalubong na lang ang kilay niya. “Hindi na kailangan, kaya ko na gamutin ang sarili k—--“ hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na inagaw niya sa akin ang pulsuhan ko at hinila iyon kaya’t kulang na lang mapa-subsob ako matipuno niyang pangangatawan.
“Ako na.” Parang batas niyang utos, at mag patinuod na lang ako na malanghap ang kaaya-aya niyang pabango at konting init rin sa katawan ko, na mag kadikit na ang katawan namin. Gamit ang isa niyang kamay padampi niyang nililinisan iyon gamit ang bulak.
Bahagya na lang akong napapa-pikit ng aking mata sa kirot at hapdi sa tuwing nilalapat niya iyon sa sugat ko.
Naka-tuon lamang si Travis sa pag gagamot ng sugat ko, hindi ko rin mabasa ang expression sa kanyang mga mata pero ibang-iba iyon.
Ibang-iba iyon sa mga matang pinapakita nkya sa akin, para bang nag aalala siya na hindi ko maipaliwanag ngunit ayaw niya lang ipakita iyon.
Ewan, iba kasi ang ningning ng mata niya. Ang galing rin kasi ni Travis mag tago ng tunay niyang emosyon at nararamdaman na hindi ko mabasa kong ano nga ba ang ang tumatakbo sa isipan niya ngayon.
“Ahm,” mahina kong daing na medyo napa-diin ng konti ang pag dampi niya ng bulak at nahila ko ang sarili ko palayo sakanya.
“Ts, stay still!” Pag susungit niya na lang na dahan-dahan na hinatak muli ang pulsuhan ko. “Tiisin mo na lang,” pag papasunod niya na lang na bahagya naman akong napa-tango at nabalutan ng katahimikan sa panig naming dalawa.
Siguro maririnig mo na lang ang mabigat na pag hingga naming pareho at nang hindi na ako maka tiis, binuka ko na ang aking bibig. “Travis,” panimula ko na lang at hindi siya sumagot. “M-Maraming salamat, maraming salamat pala sa pag ligtas mo sa akin.” Kung wala siya at baka kong ano na ang nangyari sa akin.
Kong wala siya, panigurado nag tagumpay na ang lalaking iyon na patayin ako.
Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin, kong sino nga ba ang may kagagawan neto?
At bakit, gusto niyang mawala ako?
Tumitig na lang ako sa seryoso at guwapong mukha ni Travis na abalang ginagamot ang sugat sa braso ko hanggang ngayon nag tataka pa rin ako kong bakit napaka bilis niyang maka- rating sa condo ni Faye?
Kanina pa siya doon?
Binabantayan niya ba ako?
“Kong may gusto ka pang sabihin, sabihin mo na hindi iyong tinitigan mo ako ng ganiyan.” Malagong na tinig niya, na napa kurap na lang ako ng aking mata na biglang dinapuan ng matinding hiya sa aking dibdib.
Shit.
Napansin niya iyon?
Napansin niyang kanina pa ako naka-titig sakanya?
Nakaka-hiya ka talaga, Clarisse!
Malamlam na inalis ni Travis ang mata niya sa pag gagamot sa sugat ko at nag tagpo ang titig namin. “Ano na? May gusto ka bang sabihin?” Naiinip na wika nito.
“Wala,” naiwika ko pa. “Gusto ko lang malaman, anong ginagawa mo kanina sa condo ni Faye?”
Nilagyan ng gamot at ointment ni Travis ang sugat ko sa braso at pag katapos tinaas niya ang kaliwa niyang kamay at hinawi na lang ang buhok ko.
Ginamot iyon ni Travis at pag katapos nag lagay pa siya ng ointment at gamot ata. Tinaas ni Travis ang kanyang kamay at hinawi na lang ang buhok ko, hindi na ako gumagalaw na nanatili na lang nanigas na may tinitignan doon.
Biglang bumigat ang pag hingga ni Travis, ang mata niya’y naging matalim rin na tiyak nakita niya ang sugat ko sa parteng leeg. “I’ve been following you since earlier,” maikli niyang sagot na napako na lang sa leeg ko na animo’y may tinitigan doon.
Bumigat na lang ang pag hingga ni Travis, uyam na pinagalaw ang panga palatandaan na hindi niya magugustuhan ang kanyang nakita, na panigurado nakita niya na ang sugat sa leeg ko. “Fvck! I should have killed that darn bastard!” Kumuha ulit si Travis ng panibagong bulak at dahan-dahan na dinadamping ginagamot ang sugat ko.
Sobrang lapit ng katawan namin sa isa’t-isa ni Travis, hindi ko maiwasan na mapaso na lang at maka ramdam ng mainit na boltahe na nanalaytay sa katawan ko na lumalapat ang katawan niya sa akin, hinayaan ko na lang siyang gamutin ako.
Maya’t-maya na lang ako napapa-pikit ng mata ko sa hapdi, na maririnig ko na lang ang matinis na mura na lang ni Travis. “Kaya ayaw kong lumalabas ka na walang kasama dahil alam kong mangyayari ang bagay na ito. Tangina talaga!” Matinis niya na lang na mura na hindi na lang ako kumibo pa hanggang lumipas ang sandali.
Mariin na lang akong lumunok at hindi ko maiwasan na pinanuod na lang ang guwapong mukha Travis na tutok na tutok sa pag-gagamot, hindi maalis ang mata ko sa mata niyang puno ng lamig at misteryoso.
Kahit puno ng sungit at medyo nakaka-takot siya kung minsan ramdam ko ang pag-alala niya sa akin.
Kahit takot, ayaw niyang ipakita at iparamdaman kung minsan ang tunay niyang nararamdaman alam kong may kabutihan rin naman na tinatago sa kanyang pag katao at nakikita ko iyon ngayon.
Hindi ko alam kong ilang segundo akong naka-masid lang kay Travis hanggang napansin niyang may mga matang naka-titig sakanya kaya’t napa anggat siya ng mukha at mag tagpo ang titig naming dalawa.
Lumakas na ang kalabog ng aking dibdib na nataranta na ako, gusto ko man iiwas ang aking tingin ngunit huli na dahil nahuli niya na akong naka titig sakanya.
Kakahiya ka talaga, Clarisse.
Nahuli kang naka-titig sakanya.
Umiwas ka, umiwas ka.
Nangingiusap at ibang lagkit ang mga mata ni Travis na animo’y hini-hypnotismo niya ako na mapa- sunod sakanya sa paraan na titig niya sa akin hanggang naramdaman ko na lang ang pag hawak niya sa baba ko na mag pantay ang aming mukha, na mapaso na lang ako.
Palakas nang palakas ang kalabog ng aking dibdib, na naririnig ko na mismo ang tunog ng t***k ng puso ko hanggang unti-unti nang nilapit ni Travis ang mukha niya sa akin hanggang namalayan ko na lang na lumapat ang mainit at malambot niyang labi sa akin.