Chapter 17

3038 Words
CHAPTER 17 CLARISSE'S POV Nagising na lang ako na walang kadahilanan, ginala ko na lang ang mata ko sa paligid at katahimikan na lang ang sumalubong sa akin. Umupo ako sa malambot na kama, nilamon na ng kadiliman ang buong kwarto na naka patay rin ang lahat ng ilaw. Tangi na lang nag bigay ng liwanag ang maya't-maya na pag kidlat na pumapasok sa loob ng kwarto na mag bigay takot na lang sa aking sarili. Hindi ko alam kong anong oras na basta ang alam ko malalim na ang gabi. Tila ba'y batang nawawala na palinga-linga ako sa kabuuang silid na animo'y may hinahanap at mag pahina na lang sa akin na hindi ko mahagilap ang kanyang presinsiya. "T-Travis," sapat na ang lakas ng aking boses para marinig niya ang pag tawag ko sakanya subalit katahimikan na lang ng silid ang sumalubong sa akin. Tangi ko na lang naririnig ang malakas na buhos ng ulan, ang malakas na ihip ng hangin. Maya't-maya rin ang malakas na kulog at kidlat na mag patakip na lang ako sa mag kabila kong taenga takot na takot at hindi malaman ang gagawin. "T-Travis," tawag ko muli sakanya ngunit wala pa rin. Maluha-luha na ang aking mga mata na hindi ko siya mahagilap sa silid na iyon. Kanina lang bago ako matulog nandito lang siya pero ngayon hindi ko mahanap kahit ang anumang bakas niya. Nag patuloy lamang ang masungit na panahon at ang malakas na kulog at kidlat ang mag payakap na lang sa akin ng malakas na comforter. "Travis, asan ka?" tawag kong muli subalit naroon na naman muli ang nakaka takot na kidlat na mag papikit na lang ng aking mga mata. Nanginginig na ang aking katawan, takot na takot sa malakas na pag buhos ng ulan. Napa tili na lang ako ng malakas kasabay ang malakas na kulog at sinabayan pa ng nakaka kilabot na kidlat na mag pakaripas na lang sa akin na bumaba sa ibabaw ng kama. Takbo lang ako nang takbo, basta ang alam ko lang ang umalis. Basta ang alam ko lang ang lumayo na hindi ko maririnig ang nakaka kilabot na tunog na iyon. Nabahiran lamang na bakas ng luha ang aking mga mata, pikit-matang tumakbo palabas ng silid na iyon. Wala na akong pakialam kong maka banga at tama man ako sa sobrang dilim basta ang gusto ko lang ang maka alis. Bago pa ako tuluyang maka labas ng silid, napa tigil na lang ako na bumunggo ako sa matigas na bagay na mag patigil na lang sa akin. "The hec-----" hindi na natapos ang matinis na pag mumura niya. Sakto naman lumiwanag ang kalangitan na makita ko ang masungit at guwapong mukha ni Travis, na nabahiran ng pag tataka ang mukha niya na may daplis ng luha ang aking mga mata. "What happened?" "Saan ka pumunta? Kanina pa kita hinahanap," parang bata na sumbong ko sakanya na mahina akong humihikbi. Hindi na maipinta ang aking mukha sa takot na bigla na lang hindi ko siya nakita. Hindi ko alam ang gagawin ko, na iniwan niya ako. "Kumuha lang ako ng tubig sa ibaba kaya umalis muna ako sagli----" hindi ko na siya pinatapos ng anumang sasabihin na niyakap ko na siya ng sobrang higpit. Ramdam ko naman ang biglang paninigas ng katawan ni Travis, halatang nabigla sa pag yakap ko sakanya. Nanatili lamang siyang naka tayo na siniksik ko pa mukha ko sa malapad niyang dibdib. "Huwag mo na akong iiwan ng ganun, natatakot ako mag-isa. Please huwag mo na akong i-iwan,"iyak ko na lamang ng tahimik kasabay ang pag patak ng luha sa mga mata ko. Katahimikan lamang ang nanaig sa pagitan naming dalawa ni Travis, "Okay, I promise. I won't leave you again," ang malagong na salita niya ang mag bigay gaan sa akin at kasunod no'n naramdaman ko ang pag haplos niya sa aking buhok para ipahiwatig na hindi siya aalis at hindi niya ako iiwan muli na mag pakampanti sa akin. STILL CLARISSE'S POV Napa ungol na lang ako ng mahina at dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Akmang kikilos na sana ako pabangon sa pag kakahiga subalit kaagad akong natigilan na maramdaman na may naka pulupot na bagay sa aking baywang na hindi ako maka kilos. Sandali, ano iyon? Dahan-dahan kong sinilip sa ilalim ng comforter para alamin kong ano iyon at bumilis na lang ang kalabog ng aking dibdib na makita na kamay na naka yakap sa maliit kong baywang. Mariin na lang akong napa lunok ng laway, para alamin kong kaninong kamay iyon at nanginginig ang katawan ko na makita ang mahimbing na natutulog na si Travis sa tabi ko. Anak naman ng tinapa, bakit katabi ko siya? Anong ginagawa niya rito? Bigla na lang akong nataranta at naging blangko ang aking isipan lalo't sobrang dikit ng katawan namin. Naka patong pa ang ulo ko sa kanyang braso na ginawang unan iyon samantala naman ang kamay niyang isa naka pulupot nan aka yakap sa akin kaya't naka ramdam ako ng init at kuryente sa katawan ko na hindi ko maipaliwanag. Kumabog na lang ng malakas ang aking puso at dahan-dahan akong tuminggala, ilang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa ni Travis at malaya kong napag mamasdan ang guwapo niyang mukha na mahimbing pa rin na natutulog. Mayron na matangos na ilong. Maputi at makinis na kutis. Ang kanyang kilay makapal rin at ang kanyang labi mamula-mula rin. Isa nang total package si Travis na hindi ko maikakaila na guwapo nga talaga ito at ang lakas rin ng dating. Hindi ko mawari sa aking sarili kong bakit parang mahika na lang na inaakit ako na pinapanuod siyang natutulog sa tabi ko, na hindi ako mag sasawang pag masdan iyon mag hapon. Hindi ko alam na guwapo at ibang charisma pala ni Travis sa malapitan. Ang guwapo rin pala ng kumag na ito. Erase, Erase Clarisse! Umayos ka nga. Ano bang iniisip mo diyan? Huminggga na lang ako ng malalim, nag hahanap ng magandang tyempo kong paano ako makaka alis sa kanyang pag kakayakap na hindi niya mahahalata. Buong ingat rin ang galaw ko lalo't maling galaw at kilos ko posibleng mag lapat ang mga labi namin. Shit. Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Pinag papawisan na ako ng malagkit kahit hindi naman mainit sa loob ng silid lalo't patagal nang patagal na mag kadikit ang mga katawan namin. Bigla na lang akong nanikip ang pag hingga ko na hinila pa ako ni Travis palapit sa kanyang katawan kaya't sumampa na lang ako sa matigas niyang bisig na mag pataranta sa akin at ang mainit niyang hiningga na tumatama sa balat ko. Mali ito, mali. "Ahh!" malakas ko na lang na tili na sigaw at mag pagisingt na lang kay Travis. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na itulak nang malakas si Travis pabitaw sa akin at kasunod no'n ang malakas na tunog na pag kalabog na pag kahulog niya sa kama.. "Damn it!" matinis niyang mura na taranta sa sama ng pag kabagsak. Taranta at takot na takot naman akong mabilis na kumilos na naupo sa malambot na kama, tinakpan ko ang katawan ko ng makapal na comforter. "Tangina, bakit ka ba nanunulak?" uyam na tumayo si Travis, naka pikit pa ang isa niyang mata dinarama ang malakas na pag kakabagsak. Hindi na maipinta ang mukha niya sa inis lalo't naka hawak siya sa likod ng ulo niya, iyon ata ang tumama ng malakas sa pag kahulog niya. Aba, wala akong pakialam doon. Kasalanan niya naman kong bakit ko siya, tinulak ano? Naka yakap siya sa akin. Iyon iyon! "B-Bakit tayo mag katabi sa kama, ha?" taranta kong tinig na naging malikot na ang aking mata. Naningkit na lang ang mata ni Travis pinag halong antok at kirot na pag kakatama niya. "Siguro may binabalak ka na masama sa akin, ano? Umamin kang lintik ka!" singhal ko na lang na tinig na niyakap ko na lang ang sarili ko, na ayaw ng mag padikit sakanya. "Seriously?" napa angat na lang ang gilid ng labi ni Travis at nanunuyang bumaling ng tingin sa akin. "Ikaw ang unang umiyak at yumakap sa akin kagabi, nag mamakaawa na huwag kitang iwan at umalis sa tabi mo tapos ngayon manunulak ka. Ah s**t!" matinis niya na lang na mura na bahagyang humawak sa likuran ng kanyang ulo, napa pikit muli ng mata sa kirot at sakit no'n. Bigla na lang akong natigilan, hindi inaalis ang mata ko kay Travis na maya't-maya napapa daing na lang sa lakas ng pag kabagsak. Ay ganun? Ako ang humiling no'n sa kanya? Lintik ka naman talaga Clarisse, ikaw rin naman pala ang may kasalanan eh. "Kong may binabalak akong masama sa'yo dapat ginawa ko na iyon matagal na," habol niya na lang na tinig at ewan ko bigla akong natigilan sa sinabi niya. Lintik naman kasing ito eh, nangongonsensiya pa. "Eh kasi naman, nabigla rin naman kasi ak----" "Forget it!" pag susungit na lang nito at pinagalaw niyang bahagya ang kanyang ulo. "Mauna na akong bumaba, sumunod kana lang sa akin." walang buhay na tinig niya, bago pa ako maka sagot na tinalikuran na ako ni Travis at nag lakad na siya palabas ng silid at naiwan na lang akong mag isa roon. Inis ko na lang sinapo ang aking mukha hindi inaalis sa pintuan na nilabasan niya. Nanatili pa ako sa ibabaw ng kama ng ilang minute hanggang napag pasyahan kong bumaba para makapag handa na. Nag hilamos muna ako at nag ayos muna ako ng aking sarili bago ko napag pasyahan na bumaba na dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Pasado alas syete na ng umaga ng sandaling iyon at habang nag lalakad pababa sa unang palapag, nag mamasid-masid rin ako sa loob ng kabahayan. Nalilibang naman akong pinapanuod ang madaanan ko na kahit simple at hindi gaanong kalaki ang bahay kagaya sa Mansyon masasabi ko na maganda talaga. Napako na lang ang mata ko sa labas ng bintana na napaka lakas pa rin ng buhos ng ulan at ganun rin ang malakas na ihip ng hangin. Napaka dilim at sarado ang kalangitan, na alam ko sa sarili kong walang pag asa na titila ang malakas na ulan ngayon. Hanggang tuluyan na akong naka baba sa unang palapag at nag paagaw na lang pansin sa akin na maabutan ko si Travis at si Mang Tomas na seryoso silang nag uusap sa malawak na sala. Hindi na maganda ang mustra ng kanilang mukha pareho na tila ba'y may hindi magandang balita akong maririnig. "Marami pa naman pong mga pag kain Sir, kasyang-kasya pa iyon hanggang sa susunod na linggo na stock," tugon naman ng matanda na napa tango na lang ng ulo si Travis. "Mag papadala na lang ako ng lista ng mga dapat niyong bilhin Mang Tomas sa bayan mamaya at gusto ko maayos na ang lahat," rinig kong bilin na lang ni Travis, hindi ko mahulaan kong ano ba talaga ang pinag uusapan nilang dalawa. "Good morning Mam," bati na lang ni Mang Tomas na mapansin niya ang presinsiya kong palapit sa kanilang gawi. "Magandang umaga rin ho," sukli ko naman na bati at hinakbang ko ang paa ko palapit sa kanilang dalawa. "Sige na, maari kanang umalis." Isang tango na lang ang sinukli nito bago hinakbang ang paa nito paalis. Kina sunod na lang namin pareho ni Travis ang matanda hanggang tuluyan na itong nawala sa aming paningin. "Anong nangyari? Bakit seryoso ata ang pag uusap niyong dalawa?" taka ko naman na tinig. "Wala naman," naka pamulsang wika ni Travis at pinako ang tingin sa kawalan. "Hindi pa tayo makaka uwi ngayon," "Ha? Bakit naman?" nag kasalubong na lang ang kilay ko sa sinabi niya at bored naman na humarap sa akin si Travis. "Masama pa rin ang panahon at pag buhos ng ulan dulot na paparating na low pressure kaya't hindi muna tayo makaka uwi," ang salita na lang ni Travis ang mag pabagsak na lang ng balikat ko. Anak naman ng isda oh. Napaka malas talaga. "Binalita rin sa akin ni Mang Tomas na ilang route ng daanan ng mga sasakyan pabalik ng Maynila nag karoon ng landslide kaya't medyo mahihirapan pa maka tawid ang mga sasakyan at wala rin na signal sa phone kaya't mahihirapan rin tayo mag contact... Kailangan nating mag hintay ng dalawang araw at higit pa rito bago humupa ang malakas na ulan at maayos ang daanan." Kalmado niyang tinig. "Ano? Hindi pu-pwede iyon marami pa akong dapat tapusin na paperworks sa school," taranta kong tinig lalo't marami pa akong aasikasuhin na projects at gagawin. Kailangan na kailangan ko rin maihanda na ang presentation ko sa Professor ko kundi lagot talaga ako. Isang beses na akong nag fail sa presentation ko kay Ms. Castro at ayaw ko ng maulit pa iyon, ano? Hindi na talaga. "Kainis naman eh! Kasalanan mo ito eh!" himutok na binaling ko ang sama ng loob ko kay Travis. Aba, siya lang naman ang sisisihin ko wala ng iba. "Ts, and it's my fault now, huh?" medyo tumaas ng konti ang kanyang boses, mag kasalubong ang kilay halatang iritado na bumaling ng tingin sa akin. Aba, naman syempre! Kanino pang kasalanan ito? Kundi sa'yo lang naman. Gusto ko pa sanang sagut-sagutin siya ng sandaling iyon pero pinili ko na lang itikom ang bibig ko. "Eh kong sana hindi ka nag matigas na hindi tayo nag stop over rito mag damag, hindi sana tayo aabutan ng bagyo rito. Bakit mo naman kasi ako sinama-sama pa dito eh." Asik ko na lang muli na nilapit pa ni Travis niya sa amin na nag kakapikunan na kaming dalawa sa pag kakataon na ito. "Are you blaming me now?" pigil niyang tinig. "Hindi ka rin naman ang apektado sa sitwasyon ngayon kundi ako rin, Clarisse.. Kailangan din ako sa kompaniya ngayon, na marami akong dapat asikasuhin na trabaho at I meet na mga clients. I have still lot of things to do and I can't do it all because we're both stuck in this f*****g place!" inis niya na lang na tinig at hindi na ako kumibo pa. Masama pa rin talaga ang loob ko. Inis na lang napa hilamos ng mukha si Travis, uyam na pinagalaw ang kanyang panga at walang imik na bumaling ng tingin sa akin. Tinigna ko siya ng kay talim na nag kokompitensiyahan na kaming sumukli ng titig sa bawat isa. Nag pakawala na lang si Travis na mabigat na buntong-hiningga. "Okay, kumain kana ng agahan. Let's talk later." Final niyang tinig at tinalikuran niya na lang ako. Kay talim kong sinundan si Travis ng tingin palayo na ilang ulit ko siyang minura sa aking isipan. Bwisit ka talaga. Bwisit! TRAVIS POV "Ahh damn it!" matinis niya na lang na mura na tinaas niya ang kaliwa niyang kamay, hawak ang cellphone humahanap ng magandang signal. Inis na lang na pinagalaw niya ang kanyang panga na nag hahanap siya ng magandang spot na makaka kuha ng magandang coverage ng signal ngunit wala siyang mahanap. Alam niyang walang signal kagabi pa, pero umaasa siyang makaka hanap ng isa o kahit dalawang signal. "Damn it!" inis niya na lang na himutok na hinithit na lang ng mariin ang sigarilyo na hawak at pag katapos inis niyang diniin na pinatay na lang ang upos sa ashtray. Uyam na binaba na lang niya ang hawak na cellphone at sinilid sa bulsa bahid ng pag kairita. Pinag halong inis at frustrate ang kanyang nararamdaman ngayon lalo't may mahalaga pa naman siyang mail na inaabangan sa importante na client at hindi niya matanggap-tanggap na wala kahit ni isang signal! Mabibigat ang yabag ng kanyang paa nag lakad paakyat sa ikalawang palapag. Hindi na mamustra ang mukha niya hanggang mapa tigil na si Travis na mapa daan na lang sa silid. Naka bukas ng konti ang pintuan ng kwarto kaya't malayang pinapanuod ni Travis ang asawa na naka talikod, hindi napansin ang presinsiya na bagong dating lamang. Ihahakbang niya na sana ang paa paalis subalit nag paagaw pansin sakanya na ngayon naka harap ito sa wardrobe at naka taas ang kaliwang kamay na pilit na may inaabot sa pinaka taas na shelves sa loob ng mga damitan niya. Kumikintid-kintid pa ng paa ang kanyang asawa at bahid ng determinasyon ang mukha nito na maabot ang isang bagay na na naka lagay sa kahon. Kinagat niya pa ang ibabang labi at kumintid-kintid pa ito ng paa at pilit na inaabot ang bagay na iyon. "Ts," iling niya na lang na pag susungit at hindi na siya maka tiis na pinapanyuod ito at nag lakad na siya palapit rito. "Let me help you," presinta na lang na tumigil na siya sa likuran nito. "Hindi na kailangan kaya ko na," pag mamatigas nitong muli na tinaas niya pa lalo ang kamay para maabot iyon kundi kasamaang palad wala pa rin. "Umalis kana, kaya ko na ito at hindi ko kailangan ng tulong mula sa'y-----" hindi na natapos ang anumang sasabihin na bigla na lang natapilok si Clarisse kaya't bago pa bumagsak ang katawan na maagap niyang nasalo ang katawan nito. Humawak siya ng mariin sa baywang nito at sumampa ang katawan sa malapad niyang dibdib kaya't namuhay na lang ang matinding init na namumuo sa kanyang katawan. Hinigit niya pa lalo ang katawan ng asawa kaya't nag titigan silang dalawa sa mata. Sumiklab lalo ang naninibugsong init ng kanyang damdamin na maramdaman niya ang pag dikit ng dibdib nito sa kanyang katawan na napa lunok na lang siya ng mariin. Hindi niya maipaliwanag sa kanyang sarili na bigla siyang naapektuhan sa simpleng pag dikit ng kanilang mga katawan. Tumitig na lang si Travis sa maganda at inosenteng mukha ng kanyang asawa at dahan-dahan na bumaba iyon napunta sa magandang mga mata nito, papunta sa matangos na ilong hanggang tumigil sa mamula-mula na parang rosas na labi nito, nag uudyok sakanyang tikman iyon. Nag hihila sakanya na lasapin iyon. Tangina, bakit ganito ang iniisip ko? Puno ng lagkit niyang napa titig sa labi ng kanyang asawa na parang magnet na hinihila sakanya na angkinin ang masarap at malambot nitong labi muli. “T-Travis, baka pwede mo na akong bitawa---" hindi niya na pinatapos ang anumang sasabihin na siniil ng matamis na halik sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD