Chapter 16
CLARISSE'S POV
Kanina pa malalim ang aking iniisip, tulala na naka pako na lang ang tingin sa labas ng bintana. Pinapanuod ko na lang ang nag tataasan na mga puno na aming madaanan na, nilamon na rin ng kadiliman ang paligid.
Napa hawak na lang ako sa aking dibdib, bahagyang kumirot na biglang maalala ang pangyayari kanina.
Pangyayari na makita ko si Luke na kasama si Betina.
Pangyayari malala ko, kong paano niya ito halikan na mag pabigat pa lalo ng aking nararamdaman.
Wala na ba talagang pag asa sa atin, Luke?
Hindi mo na ba talaga ako mahal?
Pilit ko man na hindi maapektuhan at masaktan sa mga nakita ko kanina pero hindi ko talaga kaya.
Hindi ko kaya na makita siyang masaya sa piling ng iba.
Hindi ko matanggap na wala na talaga akong puwang sa puso niya.
Uminit na lang ang aking mga mata at luha na nag babadya naman na pumakawala, bago pa iyon tumulo kina punas ko na lang ng mabilis sa aking mata.
Wala sa sariling lumingon ako kay Travis na ngayon mag katabi kaming dalawa sa front seat ng sasakyan. Seryoso ang kanyang mukha at ang isa niyang kamay naka hawak sa manibela.
Kanina pa siya walang imik simula no'ng umalis kami sa Campus na ngayon nabalutan ng malamig na aura sa pagitan naming dalawa na walang nag kikibuan.
Kinagat ko na lang ang ibaba kong labi, pasimpleng pinag masdan ang guwapong mukha ni Travis.
"Kong may gusto kang sabihin, sabihin mo na. Hindi iyong titigan mo ako ng ganiyan." basag na tinig na lang ni Travis na mag panigas na lang ng aking katawan.
Shit, napansin niya ang pag titig ko sakanya?
Kahiya naman, nahuli niya ako.
Mariin ko na lang pinikit ang aking mata at minulat muli. Lumunok muna ng laway bago ko sabihin ang nag lalarong katanungan sa isipan ko kanina pa.
"Anong ginagawa mo sa school kanina?" Lakas loob kong tinig. Iyan rin ang kanina pang gusto kong itanong sakanya.
Hindi rin si Travis, ang klase ng tao na pupunta na lang sa Campus na walang dahilan.
"I'm just checking on you, baka kasi may ginagawa kana naman ng kalokohan." Malamig nitong tinig, na hindi niya man lang ako tinuonan na lingunin. Ganun?
Iyon na iyon?
Naningkit na lang ang mata ko, hindi inaalis ang mata sakanya at nag hihintay pa rin ng idudugtong niya na sasabihin.
Wala eh, hindi ko kumbinsado sa sinabi niya.
Napa tigil na lang ako na maramdaman ang pag hinto ng sasakyan, wala sa sariling napa lingon sa labas para alamin kong asan kami ngunit ang hindi familiar na lugar ang sumalubong sa akin.
Sandali, asan kami?
Anong ginagawa namin dito?
Hindi naman ito Mansyon ah?
Takang-taka na bumaling ako ng tingin kay Travis para huminggi ng kasagutan kong asan kami kaso bago ko pa maibuka ang aking bibig, walang imik na lumabas na siya ng sasakyan. Taranta na rin naman akong kumilos na sumunod sakanya, sabay kinuha ko ang bag ko.
Humampas na lang ang malamig na simo'y na hangin sa aking balat, tinatanggay rin ng ihip ng hangin ang hibla ng aking buhok pag baba ko lang sa sasakyan. Bumunggad na lang sa akin ang mamahalin at engrandeng restaurant sa harapan ko na mag pataka na lang sa akin kong bakit kami narito.
"Downtown." Binabasa ko ang karatula ng restaurant, napaka laki no'n at nababalutan iyon ng glass wall ang restaurant, mula sa labas nakikita ko ang mga taong kumakain sa loob.
Maanggas na tumindig na lang si Travis, at hinakbang niya ang paa niya papasok ng restaurant kaya't sumunod na rin ako sakanya.
"Good evening, Mam Sir." Matamis na pag bati ng receptionist pag pasok pa lang namin. Pormang-porma niya suot ang magandang uniforme at kay ganda ng ngiti na pinakita. "Do you have any reservations Sir?"
"Yes, under Travis Ross." Cool na tinig ni Travis na tumango naman ang babae na makuha ang ibig sabihin. "Do you have a table available, near the one I reserved?"
"Sure po, right this way po." Ginalaw ng babae ang kamay para ituro ang magiging table namin.
Napaka galang niyang kumilos na nauna na itong mag lakad at pasulyap-sulyap naman ako sa paligid na mangilan-ngilan rin akong nakitang mga customer na kumakain. Tantya ko lamang mahigit sampung table ang naroon at siguro mga 6 table lang ang okupado.
Naka suot na mga mamahalin na mga kasuotan ang mga taong naroon na hindi lamang sila simpleng mga tao, malaya silang nag uusap at masayang nag ku-kwentuhan.
Napaka ganda at mamahalin ng interior design ng restaurant lalong-lalo na rin ang ambiance nito na para bang dinala ako sa ibang bansa. Ang kagamitan rin na naroon napaka sosyal na hindi mag sasawa ang aking mata na pag masdan iyon na napapa mangha na lang talaga ako.
Agaw pansin rin sa akin ang parang dyamante na nag kikislapan na mga ilaw at chandelier, para lang akong dinala sa high class restaurant.
Ang aking pag mamasid, biglang napukaw na mapako ang mata ko sa malapad na likod ni Travis. Binilisan ko pa ang pag lakad ko para maabutan siya at pinili kong tumabi sakanya. "Travis." Sapat na lakas ng boses ko na marinig niya ang pag tawag ko.
"What?"
"Asan tayo?" Hanggang ngayon talaga hindi ko pa rin alam kong saan kaming lupalop napunta. Alam ko rin na malayo na kami lalo't mahigit tatlong oras ang byinahe namin kanina.
"Pangasinan." Namilog na lang ang mata ko sa sinabi niya. Ano? Pangasinan? Anak naman ng tinapa ito oh. Anong ginagawa namin dito? "I just have an important client to meet, hindi rin naman tayo mag tatagal dito." Casual niyang tinig na mag sasalita pa sana ako na suminggit na ang reception.
"Here's the available table Sir." Tumigil na lang ang babae sa bandang gilid at pinakita ang table na medyo kalakihan ngunit maganda naman.
"Thank you." Pinakita na lang ng babae ang magandang ngiti sa labi at nag lakad na ito paalis.
Sinenyasan na ako ni Travis na maupo na roon kaya't sumunod na rin ako. Umupo ako sa bakanteng silya at nilagay ko naman ang bag ko sa bakanteng upuan para komportable akong maka kilos.
Hindi ako naka ligtas sa seryosong pag titig sa akin ni Travis kaya't sumukli rin ako.
"Wait for me here Clarisse, just order the food you want alam kong nagugutom kana." Mabuti naman dahil kanina pa talaga kumakalam ang mga bulate ko sa tyan. Paalis n asana si Travis ngunit kaagad naman siyang tumigil na para bang may naka limutan. "And please, huwag kang gagawa ng anumang kalokohan." Paalala na lang nito.
"Cross my heart, hope to die!" tinaas ko ang kaliwa kong kamay na animo'y nanunumpa sa harapan niya, sabay pinaningkitan niya lang ako ng mata.
Binigyan ako ni Travis ng nag babandang titig, walang pasabi na hinakbang niya ang paa para iwan ako. Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang tumigil si Travis sa di kalayuan na lamesa.
Tumayo ang isang lalaki naka suot ng mamahalin na itim na suit, para batiin at makipag kamay dito. Palihim ko na lang silang pinag masdan na parang foreigner ito base pa sa itsura.
"Good evening Mam I'm John, I'll be your waiter for tonight," pakilala na lang ng waiter na lumapit sa akin. "May I take your order please?" alangan na lang akong ngumiti at kinuha ang menu at napa labi na napa titig na makita ang mga naka lagay doon na presyo ng isang order.
Seryoso na isang pag kain nag kakahalaga ng 5,000?
Grabe naman.
Alangan na lang akong ngumiti sa waiter, nag order na lang ako ng pag kain na gusto ko at syempre iyong mahal at napaka rami dahil hindi naman ako mag babayad.
Ang mokong na Travis lang naman.
Sinulit ko talaga ang pag kakataon na iyon na mag order ng mga masasarap na pag kain, hindi naman ako nag kamali dahil sulit naman sa binayad dahil napaka sarap naman talaga.
Binaba ko ang hawak kong kubyertos na kina sulyap ko naman sa gawi ni Travis at kasama niya ngayon na kumakain rin sila habang nag uusap. Hindi ko alam kong ano o tungkol saan ang pinag uusapan nila, hindi ko rin naman marinig dahil medyo may kalayuan rin naman ang pwesto ko sakanila.
Ngumuya-nguya pa ako ng pag kain, hindi maalis ang mata ko kay Travis perinte lamang na naka upo at masasabi ko rin naman na seryoso ang pinag uusapan nilang dalawa base sa kanilang mukha.
Maka lipas lamang na mahigit isang oras natapos rin ang meeting nilang dalawa. Nag lakad na kaming dalawa ni Travis pabalik ng sasakyan at sakto naman na pag pasok namin doon bumuhos ang napaka lakas na ulan.
Kagaya ng dati wala pa ring kaming imik na dalawa sa buong byahe, nilibang ko na lang ang sarili ko sa pag masid sa labas dahil na rin dala ng pagod at antok dahil pasado alas dyes na rin ng gabi ng sandaling iyon.
Napaka lakas ng buhos ng ulan kahit na rin ang hangin na medyo hindi ko na makita ang mga kabahayan at kahit na rin ang mga puno sa paligid dahil bigla na ngang sumungit ang panahon.
Maka lipas lamang ng mahigit kinse minutos tumigil na naman muli ang sasakyan ni Travis sa isang bahay. Mayron iyon na dalawang palapag siguro na pinag halong puti at itim ang kulay. Ang materyales naman na pag gawa no'n gawa sa mga matibay na kahoy at pag kakagawa ng bahay medyo maka luma ngunit napaka ganda.
Napuno ng maliwanag na mga ilaw ang loob at labas ng kabahayan, nag tataka rin naman ako kong bakit kami huminto ulit rito.
"Dito na muna tayo mag papalipas ng gabi dahil napaka sama ng panahon," parang nabasa na ni Travis ang mga katanungan na namumuo sa aking isipan. "Delikado kong ipag papatuloy pa natin ngayon," hindi na ako sumagot pa at may kinuha na si Travis na spare na payong mula sa kanyang sasakyan.
Lumabas na si Travis ng kotse at umikot pa siya ng sasakyan para kunin ako. Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan at sinuong ko na ang sarili ko palapit sakanya para hindi mabasa. Napaka lakas ng ihip ng hangin ganun rin ang buhos ng ulan na mag kasama na kaming nag lakad papunta sa bahay para sumilong muna saglit.
Niyakap ko na lang ang aking sarili sa malamig na hangin na dumapo sa aking balat. Nilapit ko pa ang sarili ko kay Travis na hawak ang payong para sa ganun hindi ako mabasa subalit hindi pa rin sapat dahil na rin sa matinding pag buhos ng ulan na nabasa pa ang suot kong uniforme at kahit na rin ang katawan ko.
Bago pa man kami maka lapit roon sa bahay sakto naman na bumukas ang pintuan at lumuha ang isang matandang lalaki nag lalaro ang edad niya sa sisenta anyos.
Sinenyasan kami na tumuloy ng pumasok sa kanyang bahay.
"Tuloy po kayo," paanyaya na lang nito na kaagad kaming pumasok at sinarhan nito ang pintuan. Lumapit ang matanda kay Travis para kunin ang hawak na payong at saka sinarhan.
Nasa gilid lamang akong pinapanuod si Travis walang imik at pinagpagan ang sarili para maalis ang kumapit na bakas tubig ulan sa kanyang katawan. Mabilis naman na kumilos ang matanda na makita kong ano ang ginagawa ni Travis at inabot ang malinis na pang punas na dapat niya itong silbihan.. "Heto po Sir Travis." Nilahad nito ang malinis na pang punas na tinaas naman ni Travis ang kaliwa niyang kamay, hudyat na hindi kailangan.
Sir?
Mabilis naman na tumabi ang matanda. "Kumain na po ba kayo Sir? Ipag hahanda ko kayo ng makakain," bakit parati niyang tinatawag itong Sir?
"Hindi na kailangan, busog pa ako." Tinapos na lang ni Travis ang pag pupunas sa sarili.
"Baka gusto niyo Sir mainit na tsokolat-----" hindi na natapos ang anuman sasabihin na mapako ang mata ng matanda sa gawi ko. Iba na lang ang ningning ng kanyang mga mata at matamis na ngiti sa labi niya na ibang sigla iyon, kong paano niya ako tignan. "Magandang gabi po sainyo Mam Erisse, nagagalak akong makita ho ulit kayo," lumapit siya akin para bumati. Sandali? Erisse? Kilala niya ang Ate Erisse ko?
"Clarisse po," kita ko naman ang pag kabigla sa mukha ng matanda na bahid ng pag tataka. Alangan na lang akong ngumiti sakanya na kina baling naman ng mata ni Travis reto na nag oobserba lamang sa ginagawa nito.
"Mang Tomas, she's Clarisse, my wife," pag papakilala na lang neto pero naroon pa rin ang pag kabigla sa mata niya. "Siya rin si Mang Tomas ang caretaker dito sa bahay ko," wala sa sariling napa tango na lang ako. Kaya naman pala tinatawag niya itong Sir.
"May mga dala po ba kayo Sir? At ako na ho ang mag hahatid," wika naman ni Mang Tomas.
"Hindi na kailangan," masungit na lintarya ni Travis. "Naka handa na ba ang silid namin?" magalong na tanong ni Travis na kaagad naman ito tumango.
"Oho, Sir, maayos na po. Sasamahan ko na ho kayo," presinta na lamang nito.
"Hindi na kailangan at mag pahingga kana." Hindi na hinintay pa ni Travis makapag salita ang matanda na nauna na itong mag lakad. Wala siyang lingon-lingon na nag lakad sa ikalawang palapag na kina sunod ko naman sakanya.
Tahimik lamang akong naka sunod na hindi pa rin natigil ang pag obserba ko sa paligid. Kahit medyo maka luma na ang pag kakagawa ng bahay, malinis at maaliwalas na kompleto sa mga gamit.
Magaganda ang mga palamuti at display roon na makikita ko sa paligid. Ang samo't-saring mga paintings sa pader, mga antique na mga display na hindi biro na may mga halaga ang bawat isa. Sakto lang naman ang laki ng bahay at gawa sa matibay na kahoy rin ang hagyan kahit na rin ang sahig.
May nadaanan naman kami ni Travis na pintuan na hindi ko alam kong ano ang nasa loob no'n. Pangalawang pintuan, binuksan ni Travis at pumasok na kami pareho, bumunggad sa akin ang saktong laki rin naman na silid. May kama, may wardrobe sa isang tabi at may banyo rin sa loob na hindi mo na kailangan pang lumabas.
Mag katabi kaming dalawa at ginala ko ang mata ko sa loob na mukhang naalagan rin naman iyon dahil malinis ang kasulok-sulokan ng silid na wala ka rin masisilip na alikabok.
"Nandon ang banyo kong gusto mong maligo at mag palit ng damit," may tinuro si Travis na pintuan na hula ko banyo siguro na kina tango ko naman. "Kong inaantok kana pwede kanang mag pahinga a------" unti-unti na lang bumaling ang mata ni Travis at ang kanyang mata bumaba na lamang na animo'y may tinitignan siya roon.
Kunot-noo na sinundan kong ano ang kanyang tinitignan at namilog na lang ang mata ko na mapako ang mata niya sa aking dibdib na ngayon nabasa na iyon ng tubig ulan.
Bumakat na ang itim kong suot na bra sa basang white uniforme na suot ko, bigla akong pinag pawisan na malala nan aka pako ang mata doon ni Travis. Pesti naman oh.
Dali-dali ko naman na niyakap ang aking sarili para maitago ang aking dibdib, ramdam ko na ang pamumula ng aking mag kabilang pisngi.
Tila ba'y napapaso naman si Travis na umiwas ng tingin at napapa lunok na lang ng mariin na gumagalaw ang adams apple niya. "You need to change clothes," Mabigat ang yabag ng paa ni Travis papunta sa wardrobe at binuksan niya iyon, nakita ko na lang ang samo't-sari niyang mga damit doon.
Hinawi ni Travis ang ilang mga naka hanger doon na mga damit, isa-isa siyang nag halungkat at nag hahanap ng damit na para sa akin at ilang beses ko siyang narinig na napa mura na lang na wala siyang mahanap.
"Okay lang naman kahit hindi na ako mag palit ng damit, matutuyo rin naman ito e----"
"No, you need to change clothes," giit niya na lang na matigilan ako. "Baka mag kasakit ka pa at mag bigay ka pa sa akin ng problema," labas sa ilong na sagot nito at hindi na ko kumibo pa. Lumapit na lang ako kay Travis na abala pa ito sa pag hahanap, sinisilip ko siyang isa-isa niyang tinitignan ang mga damit na may mag kasya sa akin.
Matapos ng ilang minute na pag hahanap.. "Here," inabot niya sa akin ang simpleng bestida na kumunot-noo naman ako na tumitig doon, walang balak na kunin iyon.
Sumalubong na lang ang kilay ni Travis na hindi koi yon tinatanggap na umiba na ang timpla ng mukha niya. "It's one of your sister clothes, naiwan niya rito," wika na lamang nito na wala pa rin akong imik. Nanatili lamang naka pako ang mata ko sa bestida at kasunod ang mabigat niyang pag hingga na palatandaan nag pipigil lamang sa inis na nararamdaman. "Look, isang beses lang si Erisse pumunta dito kaya't may mga damit siya dito, okay? Nothing happened!" biglang tumaas na lang ang kanyang boses na mapa nganga na lang ako. Ano daw?
Iritadong napa mura na lang si Travis. "Oh s**t!" he hissed on frustration at nagulat na lang ako na padabog niyang binigay sa akin ang hawak niyang bestida.
Bago pa ako maka sagot, mabibigat ang yabag ng paa niya palabas ng silid na mapa titig na lang ako sa pintuan na nilabasan niya.
Sandali, anyare sa mokong na iyon?
Bakit nag papaliwanag iyon?
Hindi naman ako nag tatanong ah?
STILL CLARISSE'S POV
Lumabas na lang ako ng banyo hawak ko ang malinis na pang punas na puti, pinupunasan ang basa kong buhok. Inayos ko ang suot kong bestida na parang sinukat lang naman sa akin ang damit.
Napa pikit na lang ako ng mata at napa takip sa aking mag kabilang taenga na marinig na lang ang malakas na kulog at kidlat.
Gumuhit na lang ang takot sa aking mga mata na malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas.
Napa tigil ako na mapag tanto kong hindi ako nag iisa sa silid na iyon. Kaagad napukaw ang aking atensyon na makita ko si Travis na naka talikod at naka harap sa napaka laking bintana.
Mukhang kanina pa siya roon naka tayo, malalim ang kanyang iniisip at hindi niya napansin ang pag dating ko.
Marahan muli akong napa pikit ng mata sabay na lang ang malakas na kidlat na kulang na lang mapa sigaw ako sa takot.
"Tapos kana pala," ang malagong na salita ni Travis ang mag papukaw na lang ng atensyon ko. Naka titig na siya sa akin at napaka ganda ng prostura ng kanyang tindig na kagalang-galang kong tignan. "Mag pahingga kana," napako ang mata ko sa kama.
Hindi ko na lang maipaliwag ang namumuong kaba at takot sa aking puso ng sandaling iyon.
Ano?
Mag tatabi kami sa iisang kama na ito?
Gagawin na namin?
gagawin na namin ang ginagawa ng mag asawa ang mag sisiping?
iniisip ko pa lang ang bagayu na iyon lumalakas na ang pintig ng aking puso, hindi maitago ang takot na aking nadarama. Simula no'ng ikasal kaming dalawa ni Travis, hindi pa kami nag kakatabi na matulog sa iisang kama kaya't ganun na lang ang takot ko na ngayon mag tatabi kami.
Naging aligaga at hindi na ako mapakali ng sandaling iyon, para na akong bulate na nilagyan ng asin at ang mata ko naging malikot na.
Pinag lalaruan ko na lang ang aking kamay para sa ganun maka tulong na mag pakalma sa akin, sabay buntong hiningga ng malalim.
"Sige, doon na lang ako matutulog sa kabilang kwarto," ang tinig na lang ni Travis ang mag pabalik sa akin sa realidad. Naka pako ang mata niya sa akin na napansin niya siguro na hindi ako komportable na mag tatabi kami sa iisang kama. "Sige aalis na ako, para makapag pahingga kana," hinakbang na lang ni Travis ang kanyang paa, tuloy-tuloy siyang nag lakad hanggang naka lampas na siya sa akin na hindi na ako mapakali.
Napa pikit ako lalo ng mata na marinig na lang muli ang malakas na daongdong ng malakas na kidlat, na mag patindi pa lalo ng takot sa akin.
Tuluyan na akong namutla at mangiyak-ngiyak na lumingon na lang sa kaliwa't-kanan ko, hindi alam ang gagawin. Tumitig na lang ako kay Travis na palapit na siya sa pintuan, na mag pakaba pa lalo sa akin.
Marahan ko na lang pinikit ang aking mata at bago pa siya tuluyang maka labas, mabilis kong hinawakan ang kanyang pulsuhan. "sandali l-lang," lakas loob kong tinig at ramdam ko naman ng pag tigil niya. Parang slow-motion lang na humarap sa akin si Travis, nabigla na lang sa akin. "P-Please stay here, huwag mo akong iwan dito. Natatakot ako," puno ng pakiusap kong tinig na ngayon maluha-luha na ang aking mga mata.