Chapter 15

2830 Words
Chapter 15 CLARISSE’S POV “Good afternoon, Mam Clarisse,” bati na lang sa akin ng katulong ng makababa na ako. “Hinihintay kana po ni Sir Travis sa dining, para maka kain ng tanghalian.” Ang tinig niya na lang ang mag bigay takot sa aking puso at humigpit ang pag kakahawak ko sa strap ng bag na naka sabit sa aking balikat. Ha? Nandito si Travis? Akala ko kanina pa siya umalis? “Sige ho.” Alangan ko na lang na sagot at, isang matamis na ngiti ang sinagot niya sa akin. Kina kilos ko naman ang sarili ko patungo sa dining area, habang tinatahak ko ang aking daan, palakas nang palakas na ang kalabog ng aking dibdib at hindi na maitago na naman ang takot sa aking puso lalo’t makikita ko si Travis muli. Bumalik na naman ang sariwang ala-ala na ginawa niya sa akin kagabi na nahuli niya akong balak na makikipag kita muli kay Luke. Bumalik ang ala-ala kong paano niya ako pilitin sa bagay na ayaw ko. Naalala ko kong gaano nakaka takot ang kanyang mga mata ng gabing iyon na ayaw ko ng alalahanin pa. Matapos no’ng nangyari gabing iyon, na umalis si Travis sa aming silid hindi ko na siya nakita pa pero no’ng malaman kong nandito siya ngayon hindi na lamang maipaliwanag ang kilabot sa buo kong katawan. Hindi ko na mapigilan ang mag pakawala ng malalim na buntong hiningga hanggang palapit na ako nang palapit sa dining area. Nag lalakad ako sa malawak na hallway hanggang nakita ko ang isa niyang tauhan na naka tayo sa pintuan, mistulang bantay roon. Bago pa ako maka lapit, kusa niya na akong pinag buksan ng pintuan para maka pasok na. Humampas na lang ang kakaibang lamig sa aking balat pag kapasok ko lamang sa loob ng silid na iyon. Bumilis na lang ang kalabog ng aking puso na una ko kaagad napansin ang taong mag isang-kumakain sa hapag kainan. Napaka sungit ng kanyang itsura, na animo’y hindi niya man lang alam ngumiti na naka tuon lamang ang atensyon sa kinakain. Gusto kong umatras. Gusto kong umalis pero alam ko sa sarili kong, huli na para gawin ko iyon. Bahala na nga. Mabagal lamang ang ginawaran kong hakbang palapit sa hapag kainan, samantala naman ang atensyon ko naka tuon lamang kay Travis na hindi nito napansin ang presinsiya kong palapit pa lang. Humingga ako ng malalim hanggang kusa na akong umupo sa bakanteng silya na malapit sakanya para maka kain na ng tanghalian. Katahimikan ang nanaig sa silid na iyon, na nag sasalo kaming dalawa ng tanghalian. Tangi mo na lang maririnig ang tunog ng kubyertos at hiningga namin habang kumakain, na walang imikan na hindi namin kilala ang isa’t-isa. Sa totoo lang talaga napaka bigat ng aura sa pagitan naming dalawa ni Travis lalo’t sa pagiging tahimik lamang nito. Nabalutan lamang ng akwardness sa aming dalawa na para bang may dumaan na anghel. Kumalma ka lang, Clarisse. Matatapos rin ito. Kailangan mo lang mag tiis ng ilang minuto na kasama mo siya sa hapag kainan at pag katapos, makaka alis kana rin. Pag papasunod ko na lang sa sarili ko, para sa ganun pakalmahin ang sarili ko kahit papaano. Sabay buntong hiningga na lang ako ng malalim at tinuon ko na ang atensyon ko sa pag kain. Maka tapos lamang ng mahigit sampung minuto, tapos na rin akong kumain ng tanghalian. Parang nabunutan ng malaking tinik sa aking dibdib, na ngayon naka tayo na ako sa labas ng Mansyon nag hihintay ako ng sasakyan papuntang school. Samantala naman si Travis? Hindi ko alam kong asan siya ngayon, wala rin naman akong pakialam kong ano ang ginagawa niya. Basta ang alam ko lang, kanina nag mamadali na akong kumain para sa ganun mabilis akong maka alis at pag katapos at iniwan ko na siya sa hapag kainan. Tahimik lamang akong naka tayo, bahagyang palingon-lingon sa kaliwa’t-kanan ko hinihintay ang masasakyan ko. Asan na ba kasi iyon? Bigla na lang tumindig ang balahibo sa aking katawan na maramdaman na lang ang mabigat na yabag ng paa na tumigil na tumabi sa akin. Nararamdaman ko ang malamig niyang presinsiya at ang mata naman ni Travis naka pako na lang sa kawalan, na hindi na ako naka kilos pa. Anak naman ng tinapa oh. Bakit, ba parati siyang naka sunod sa akin? Hindi niya ba napapansin na ayaw ko sakanya? Napa kurap na lang ako ng aking mata, yumakap ang matinding takot sa aking puso na maalala ko ang ginawa niya sa akin kagabi. Naalala ko kong gaano siya karahas. Takot na takot, na wala sa sariling napa hawak na lang ako sa parteng collar ng aking suot na longsleeve, naroon pa rin ang kilabot na maalala kong paano niya punitin ang suot kong uniforme ko kagabi. Rinig ko na lang ang mabigat na pag buntong-hiningga ni Travis, napansin siguro nito, kong saan naka hawak na naroon pa rin ang takot sa aking mga mata. “Look, what happened lastnight Clarisse.” Pag bibitin na lang neto na hindi na ako kumibo pa sa tabi niya at nakikiramdam lamang. “I’m really sorry, I trully am..” Katahimikan muli ang bumalot sa panig naming dalawa ng sandaling iyon. “Hindi na sila sasama pa sa’yo sa School at mag babantay. You can do whatever you want.” Malagong nitong tinig at bago pa ako maka sagot na kusa na lang huminto ang itim na mamahalin na sasakyan sa tapat namin. Maanggas na hinakbang ni Travis ang kanyang paa paalis, taas-noong nag lakad na wala ng lingon-lingon pa. Sinundan ko na lang ng tingin ang malapad niyang likod hanggang kusa na siyang pinag buksan ng pintuan ng tauhan niya at pag katapos pumasok sa loob ng sasakyan. Ha? Ano daw? Nanatili lamang akong naka tayo hanggang kusa na ang sasakyan palabas ng Mansyon, na kina sunod ko na lang ito ng tingin hanggang tuluyan mawala sa paningin. Sandali, anong nangyari? STILL CLARISSE’S POV Saktong ala una pa lang ng hapon naka rating na ako sa Campus, buong araw akong tulala at malalim ang iniisip hanggang matapos ang klase. Mag isa kong tinahak ang hallway pasado alas singko pasado ng hapon kaya’t napuno ng tawanan at iba’t-ibang mga estudyante ang nag lalakad, na nilalampasan ko lamang. “Clarisse.” Ang matinis na lang na pag tawag sa pangalan ko ang mag patigil sa akin. Malayo pa lang nakita ko na si Faye at abot langit ang ngiti. Kumaway pa siya sa ire para makita ako at pag katapos nag mamadali siyang lumapit sa akin. “Faye.” “Nalaman kong nahuli ka raw ni Travis, ano? Labis mo talaga akong pinag alala nang husto. Sinabi ko naman sa’yo na huwag mo ng gagawin eh. Napaka tigas talaga ng ulo mo.” Sita niya sa akin. Sinuri niya ang katawan ko sinisiguro na hindi ako naka tamo ng anumang sugat o bali na alangan na lang akong ngumiti. “Kumusta na? Hindi ka naman sinaktan ng walang hiya mong asawa? Wala naman siyang ginawa sa’yo?” Bahid ng pag aalala ang kanyang mga mata. “Wala, ayos lang talaga.” Giit ko na lang na sumimanggot na lang siya sa akin, hindi kumbinsido sa sinabi ko. “Sigurado ka ba talaga?” Pag uulit niya na lamang na matigilan na lang ako. Labis pang nabala ang mga mata ni Faye, na tumitig sa akin na ako na mismo ang umiwas. “Sandali, asan na sila?” “Huh?” Wala sa sarili kong tinig na medyo lumampas ang mata niya sa likuran ko na animo’y may hinahanap. Binalik niya ang mata niya sa akin at may isang tandang pananong na gumuhit doon. “Ang sabi ko, asan ang bantay mo? Pansin ko ata na hindi ko sila nakita na nag babantay sa’yo.” Napa nguso niya na lang na wika, lumingon pa siya sa kaliwa’t-kanan hinahanap ng kanyang mata kong saan nga ba talaga ito tumago. “Wala sila, Faye.” Pinag patuloy ko na lang ang pag lalakad ko na sumunod naman siya sa akin. “Anong wala? You mean, nag banyo?” Iniling ko naman muli ang ulo ko. “Hindi, hindi ko sila kasama ngayon.” Kita ko ang pag kasalubong na lang ng noo ni Faye sa sinabi ko, halatang hindi makapaniwala. “Ha? Bakit? Paano nangyari iyon?” Iniling ko na lang muli ang aking ulo na hindi na lang maipinta ang mukha ng kaibigan ko. “Hindi ko rin alam, rin eh.” Kibit-balikat kong sagot. Kahit na rin ako hindi ko pa rin alam kong bakit bigla-bigla na lang hindi pinasama ni Travis ang mga tauhan niya na parating naka bantay sa akin. Walang bantay na naka sunod sa akin, kong saan ako pumunta. Wala ng bantay na parating nag mamanman ng bawat kilos at galaw ko. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kong bigla-bigla na lang ang pag bago ng desisyon ni Travis, hindi kaya na guilty siya sa ginawa niya sa akin kaya’t hindi niya na pina bantay sa akin? Ts, napaka labo. Hindi niya gagawin iyon. Kilala ko si Travis na napaka sama ng ugali at walang puso, na hindi niya iyon gagawin na walang kapalit. Malakas talaga ang kutob ko ngayon na binabalak na naman siya na hindi maganda. “You mean, malaya kana? Malaya mo ng gagawin ang lahat ng gusto mo Clarisse.” Hirit niya na lamang, biglang lumiwanag ang mukha niya sa sigla. “Halika na, pumunta tayo sa Cafe na parati nating pinupuntahan, it’s my treat na kasi malaya kana sa mga guards mong napaka higpit at asawa mong kapatid si Hitler.” Tinaas-baba niya ang kilay, sa labis na pag kasabik. “Ngayon na ba, Faye?” Alangan kong tinig. “Kaso hindi ako pu-pwede kong ngayon.” Bagsak balikat naman siyang humarap sa akin. “Hala, bakit naman?” Naka busangot nitong wika. “Ngayon lang naman ako nag aya sa’yo na lumabas tapos hindi ka naman pu-pwede.. Sige na labas na tayong dalawa, ngayon na nga lang kita nayaya na lumabas kasi bawal ka naman na pumunta kong saan-saan dahil napaka higpit ng mga tauhan na nag babantay sa’yo.” “Sorry talaga, Faye marami pa kasi akong gagawin.” Gustuhin ko naman sanang sumama sakanya ngunit hindi talaga puwede eh. “Kailangan ko kasing tapusin iyong report na gagawin ko, kailangan kong mag present no’n kay Mr. Dela Vera sa next meeting namin. Sorry talaga.” “Hay, may magagawa ba ako?” Labas sa ilong niyang sagot. Alam kong nag tatampo na siya subalit, wala naman siyang magagawa. “Basta sa susunod sasama kana ha?” “Oo, promise.” Tinaas ko ang kaliwa kong kamay na nanunumpa sa harapan niya. Nilabas na lang ni Faye ang cellphone niya sa bulsa at ilang segundo napa titig doon. “s**t, patay!” Matinis niya na lang na mura, halatang kabado na hindi maipaliwanag. “Oh bakit?” Sinilip ko naman siya bahagya na tinignan kong ano ba talaga ang tinitignan niya doon, na binaba niya naman ang cellphone na hawak. “Nag text pala si Daddy kanina pa, naroon na sila sa entrance ng School nag hihintay. Kailangan namin pumunta kina Lola.” “Ahh, sige, puntahan mo na sila.” “Sama kana rin sa akin Clarisse, diba tapos na rin naman ng pasok mo ngayon?” Anito. “Halika na sabay na tayong lumabas.” Paanyaya niya sa akin. “Hindi na Faye, okay na ako.” Pag tatangi ko na lang. “Doon kasi sa parking area sa likod nag hihintay ang sundo ko eh.” “Sige, pasensiya na talaga at kailangan ko ng mauna, Clarisse.” Anito na nababasa ko naman sa kanyang mga mata na animo’y hinahabol niya ang oras na maka alis na. Pinasok ni Faye ang cellphone niya sa bulsa. “Nag hihintay na kasi si Daddy, eh ayaw na ayaw pa naman no’n na pinag hihintay.” Yumakap siya sa akin na kina sukli ko naman ng yakap. “Sige ingat ka.” Ako na ang kumalas sa pag kakayakap naming dalawa at ngumiti siya ng kay tamis. “Ikaw rin, bye!” Nag mamadali na siyang nag lakad paalis, na kina sunod ko na lang siya ng tingin hanggang kusa na siyang mawala sa paningin ko. ***** Nag patuloy na akong nag lalakad hanggang maka rating na ako ng parking area. Tuminggala ako sa kalangitan na ngayon nag aagaw na ang liwanag at dilim, katahimikan na lang ang sumalubong sa akin na wala akong makitang anumang tao bukod lang sa akin. Nag patuloy ako sa pag lalakad na pabaling-baling ako sa kaliwa’t-kanan hinahanap ng aking mata ang aking sundo. Hindi ko rin mahagilap ang sasakyan ni Travis kahit na rin ang driver. Asan na ba kasi iyon? Bakit parang wala pa dito? Dapat sa pag kakataon na ito, nandito na sila. Naiinip kong hinahanap ng aking mata ang kotse subalit wala talaga akong makita. Mabibinggi kana lang talaga sa katahimikan ng paligid kasabay ang malamig na simo’y ng hangin. Asan na ba kasi? Iniling ko na lang ang aking ulo na pinag patuloy ang aking pag hahanap at baka naroon lang iyon naka park sa pinaka dulong bahagi ng parking area. Pinag patuloy ko na lang ang aking pag lalakad hanggang maka apat na hakbang pa lang ako na kaagad akong mapa tigil, na mahagip na lang ang familiar na bulto ng tao medyo malayo sa akin. Bumilis ang kalabog ng aking puso, hindi maipaliwanag ang aking mararamdaman na makita ko si Betina at Luke. Hindi ako maka galaw. Hindi ako maka kilos. Gusto kong ihakbang ang paa ko subalit hindi ko magawa dahil para bang naka pako ang paa ko sa sahig. Sinundan ko na lang ng tingin si Betina at Luke na ngayon naka suot pareho ng uniforme at mag kasamang nag lalakad. Hindi maalis ang matamis na ngiti sa kanilang mga labi na mag pabigat ng aking nararamdaman. Hindi maitago ang kirot sa aking puso na ngayon, sobrang dikit ang kanilang mga katawan. Napaka sweet nilang tignan at naririnig ko rin ang munti nilang kwentuhan at asaran. Bumaling ang tingin ko sa maaliwalas at guwapong mukha ni Luke, sobrang saya. Sobrang tamis ng ngiti na pinukulan niya kay Betina, na dapat ang mga ngiti niya sa akin dapat iyon. Dapat ako ang kasama niya ngayon. Para na lang sinuntok ng malakas ang aking dibdib na hindi na ako maka hingga na tinatanaw sila sa malayo na masayang-masaya samantala naman ako heto palihim na nasasaktan. Palihim na nahihirapan. Pilit akong nag papakatatag. Pilit ko man kalimutan ang nararamdaman ko sakanya, pero hindi ko kaya. Napaka sakit. Sobrang hirap, akala ko okay na ako pero hindi pa pala. Uminit na lang ang sulok ng aking mata hanggang hinatid ni Luke si Betina sa sasakyan nito. Hinawakan ni Luke ang kamay ni Betina at nilapit niya pa ang mukha niya rito para bigyan ng matamis na halik sa labi. Bago pa lumapat ang kanilang mga labi, kusa na akong tumalikod dahil ayaw kong masaksihan na may mahal na siyang iba. Ayaw kong masaksihan na wala na talaga akong puwang sa puso niya. Parang gripo lamang na bumubuhos ang daplis ng luha sa aking mga mata at wala sa sariling napa hawak ako sa aking dibdib na ngayon, sobrang sakit na no’n na parang tinaga nang paulit-ulit. Napa tutop na lang ako sa aking bibig para pigilan na kumuwala ng impit ng iyak ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong tumakbo. Gusto kong sumigaw para ilabas lahat ng sakit sa aking dibdib subalit hindi ko magawa dahil sobrang bigat na ng puso ko. Hindi ko na kaya. Hindi ko matanggap na may mahal na siyang iba. Natigilan na lang ako na makita ang itim na pares ng sapatos na naka tayo sa harapan ko, luhaan akong napa anggat ng tingin para tignan kong sino iyon at nakita ko si Travis na naka tayo. Sandali. Kanina pa siya rito? Huli na para itago pa ang daplis ng luha sa aking mga mata. Tumitig na lang ako sa blangkong expression na kanyang pinapakita na pinapanuod akong tahimik na umiiyak. Ilang segundo siyang naka titig sa akin hanggang lumihis kanyang mata na gumalaw sa aking likuran, pinapanuod kong ano ang tinitignan ko at wala akong reaction na mabasa sa kanyang mukha. Mariin na lang akong napa lunok ng laway, wala sa sariling humawak na lang ako sa manggas ng kanyang longsleeve. “U-Umalis na t-tayo.” Basag kong pakiusap dahil hindi ko na kayang tumagal pa doon dahil lalo pa akong nahihirapan. Lalo lamang akong nasasaktan. Umanggat ang aking tingin na mag tagpo ang mata naming dalawa ni Travis, wala pa rin kibo at nabahiran ng luha at sakit ang mga mata ko. “A-Ayaw ko na dito, please umalis na tayo. Please Travis.” Pumatak na lang ang daplis ng luha sa aking mga mata na tumitig sa mga mata niyang puno ng lamig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD