Nagseselos ako?! Duh! What am I thinking. Inggit lang ako kasi mas maganda si Kyra at nagustuhan siya ng ultimate celebrity crush kong si Nico Ciriaco. "Anyway," Maj continued, "I'm done with it. I'm happy for them and I now have you." Pinapakalma ko ang sarili ko sa pag-inom ng wine pero nang sabihin niya yung last part... I now have you? Me? Geez! Nasamid ako. "Okay ka lang?" Tumayo si Maj sa kinaupuan niya nang hindi ako tumiligil sa pag-ubo. Makati kasi sa lalamunan! Hinimas niya ang likod ko habang ako sinasamid pa rin. Ininom ko yung tubig at pinilit na kumalma. Nagluluha ako matapos mawala ang pagkakasamid ko. "O-okay lang ako." Sabi ko habang pinapahiran yung luha ko. "Kaya mo pang tapusin ang kinakain mo?" Tanong niya. "Yes." Umupo uli siya at kumain na kami. Tahimik na la