"Thank you!" "You don't have to thank me." "Yes, I have to thank you!" Nagulat na lang si Maj ng bigla siyang yakapin ni Emer sa tuwa. Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang makabalik si Maj sa bansa. Napansin niya kaagad ang schedule ni Emer na punong puno ng talkshows, mall tours at commercials. Busyng busy na ang dalaga kaya't halos hindi na sila nagkikita sa gabi pagka-uwi ni Emer. Kaya nagpasya siya na bigyan na ng van, road manager at PA si Emer katulad ng iba pang mga artist ng MJ. "Emer, nasasakal ako." Pautal-utal niyang sinabi habang nakatayo ng tuwid at hindi malaman kung saan ilalagay ang kamay niya. Ipapatong niya ba ito sa likod ni Emer? Buti na lang at bumitaw kagad ang dalaga. "Feel ko, artista na talaga ako." "You already are." Sagot niya. Masaya siya para sa a