Nineteen

1800 Words
Isang linggo na ang nakalipas at nakalabas na rin si Mama sa ospital. At laking pasasalamat ko nang lumipas ang isang linggo, dahil ibig sabihin lang noon, lumipas na din ang dalawang araw, dalawang araw rin na hindi nakalaya si Tito mar. Napakasaya ko noong nalaman ko 'yon. Lalo pa nung ibinalita sa akin ni Loey na nahatulan daw si Tito mar ng 25 years na pagkaka kulong kasama nang mga ka tropa niya. At ngayon naman, pauwi na ako, hinatid ko kasi sila mama sa istasyon ng bus, dahil napag kasunduan nila ni papa na sa bicol na lamang tumira kasama si Poleng. At ang isa pang dahilan ay may naghihintay na trabaho doon kina papa. Mag aalalaga na lang sila ng baboy doon para maibenta. Napag usapan kasi namin 'yon, at yung naipon ni papa habang nasa loob ng kulungan ay iyon ang gagamitin nila pang umpisa kasama na rin ng kaunti na galing sa akin. Masaya ako ngayon dahil aa ilang taon na nahirapan si mama dahil kay tito mar, ay sa wakas, naayos na rin kami. At masaya dahil kasama na namin ulit si papa kahit pa na aalis sila pa bicol, atleast malaya siya. Ako naman ay balik na sa apartment ko. Back to normal na ulit kumbaga. Habang pauwi ay dumaan muna ako sa carinderya para kumain. Lahat kasi ng laman ng ref ko, wala na, at ang apartment ko, gulo gulo na, mag hapon din kami ni mama nag linis kanina bago siya umalis. Bukas na lang ako mamimili ng pang-stock ko, ngayon sa carinderya muna ako kumain. Habang nag papahinga sa aking kwarto ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Loey. Kahit nakahiga na ay inayos ko pa rin ang aking buhok bago sagutin ang tawag. "Hello?" bungad ko. Dahil sa totoo lang kinakabahan ako. Tapos..tama ba yung bati ko? Ano ba dapat? "Babe," aniya sa kabilang linya. "Bakit? May kailangan ka?" napipikit ako pagkatapos kong mag salita. Bakit ang hina? Bakit bigla akong naging mahinhin mag salita? "Wala naman. Just want to hear your voice, what are you doing?" aniya. At ang firm ng boses, at naiimagine ko na nasa swivel chair siya nakasandal habang kausap ako. "Wala na. Patulog na." sagot ko, piniga ko pa ang unan na yakap ko. "Ikaw?" "Nirereview ko lang yung case na hawak ko. Are you busy tommorrow?" "Saturday? May pasok ako bukas hanggang 11:30 am, why?" "Ituloy na natin yung date natin, okay lang?" kumunot ang noo ko sa tanong niyang iyon, para siyang empleyedo ko na ng papaalam sa gusto niyang gawin. Agad kong binura sa isip ko iyon. "Oo naman sige, san tayo kita?" "Sunduin kita diyan sa work mo." "Sige," "Alright, i love you babe." aniya. Kahit ilang beses na niya akong sinasabihan ng i love you ay nagugulat pa rin talaga ako. Pakiramdam ko kasi, ang bilis niya akong minahal. "Okay, see you.." sagot ko at ibinaba na ang tawag. Hindi ko pa siya sinasagot ng I love you too. Dahil alam ko naman sa sarili kong wala pa akong sa stage na yun. Oo, gusto ko siya. Atracted ako sa kanya pero wala pa sa love. Pero...sa tingin ko, kapag mas lalo ko siyang makilala, hindi siya mahirap mahalin. I mean, oo hindi ko pa siya mahal pero alam kong malapit na ako don, unti-unti na akong nahuhulog kaya alam ko na..delikado na ang puso ko. Malapit na siyang mahulog. Tulad nang napag usapan namin kagabi ay susunduin niya ako, at heto nga, nasa loob na ako ng sasakyan niya ngayon. Ang sabi niya kakain daw muna kami. Naka white shirt lang siya ngayon at khaki short at may suot na shades habang nag mamaneho, nakikita ko pa ang iilang ugat na lumalabas sa braso niya kapag iniikot niya ang manibela at ang relos niyang kulay itim. Simple lang siya ngayon pero ang pogi pa rin. Kahit pa hindi siya naka suit and tie tulad ng palagi kong nakikitang suot niya mula ng mag kita kami dito sa manila, bagay pa rin sa kanya, gwapo. Huminto kami sa isang restaurant na nag seserve ng chinese food. Hindi pamilyar sa akin ang mga pagkain na hinain pero nagustuhan ko naman ang lasa ng mga iyon. "Kumusta araw mo?" tanong ko sa kanya habang pinapapak ang crab meat sa harap ko. Tulad ng dati ay para na naman siyang nabigla sa pagtatanong ko ng ganoon. Na para bang hindi normal ang ganoon. Pero hindi ba at may naging girlfriend na siya, at normal lang sa mga mag boyfriend ang mag tanong tungkol sa mga ganoong bagay. "I..im fine." aniya at bahagyang yumuko, ngunit ng muling tumingin sa akin ay presko na ulit ang kanyang awra. "I ate breakfast with my friends, and eat lunch with you." Tumango ako. "Ilan friends mo?" sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ko ito tinatanong pero, basta, gusto ko siyang mas makilala pa. "I have seven. They're my childhood friends." aniya. "If the timing is good, ipapakilala kita sa kanila." Binigyan ko siya ng ngiti. "Sige. Ako naman nakilala mo na yung mga friends ko, dalawa lang naman sila, si Shiela at Lei. Tapos nakilala mo na rin ang pamilya ko," Isang ngiti din ang ibinigay niya sa akin. nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko ng hindi na siya sumagot. "Babe," aniya. Tumingin naman ako sa kanya. "Gusto mo bang mag bakasyon?" Tumaas naman ang kilay ko sa tanong niya. "Hmm..bakit?" "Punta tayo ng Greece," Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko."Kung makapag aya ka naman parang sa kanto lang tayo pupunta!" natatawa kong sagot. "Greece talaga? Hindi ba pwedeng baguio muna?" "Alright then let's go to baguio," seryosong sagot niya. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. "Seryoso ka ba?" "Yes." "Bakit naman agad-agad?" "I..i just want to unwind, ayaw mo ba?" Nakagat ko ang labi ko. "Pwede naman.. uwi muna ako para kumuha ng damit." "Alright." At ito na nga kami ngayon, nasa apartment ko, siya na nasa sala ng hihintay at ako na nag aayos ng gamit. Saglit akong napahinto sa paglalagay ng damit sa bag. Kanina habang kumakain kami, nakikita kong may mabigat syang dinadala. May problema siya, hindi ko nga lang kung ano 'yon. Kung titignan mo ay maayos siya, magaling magtago ng nararamdaman, abogado nga. Dala dala ang isang bag pack na may lamang damit ay lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko pa nga siyang nakasandal sa headrest ng aking sofa habang nakapikit. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Nilapag ang bag sa aking mini table at nanatiling nakatayo sa harap niya. "Loey.." tawag ko sa kanya. Mabilis siyang dumilat at hinanap ako. "Babe," aniya at nakangiting tumayo. "Anong problema mo?" tanong ko agad na ikinabigla niya. Nawala ang ngiti sa labi niya pero agad siyang nag panggap na hindi alam ang sinsabi ko. "Kanina ko pa napapansin na hindi ka mapakali, alam kong may problema ka." Nanliit ang mata niyang tinignan ako. "Anong sinasabi mo?." Kahit pa hindi ako abogado, alam ko naman na sa hitsura niyang ang sisinungaling siya. Magaling siyang mag sinungaling pero hindi naman iyon pumapasa sa akin. "Alam kong may problema ka. Pwede mong sabihin sa akin ang problem mo," pirmi kong sabi. "How sure are you na may problema nga ako? Do you even know me?" aniya at biglang nagbago ang awra niya. Mula sa pagiging sweet ay biglang naging inis. "Sigurado ako. Hindi naman kita kailangan kilalanin pa dahil nakikita ko naman sa hitsura mong problemado ka." "Wala akong problema." aniya at kinuha ang bag ko, mabilis kong hinila iyon palayo kaya siya napatingin sa akin. "What?" tanong niya. "Hindi ako sasama sayo hangga't hindi mo sinasabi kung bakit ka malungkot ngayon." "Really, Kiwi?" nangingising sabi niya. "Don't be so overdramatic can you?" Binawi ko ang bag ko at umupo sa may sofa. "Kiwi, let's go, gagabihin na tayo!" Inirapan ko siya at inilabas ang aking cellphone. Hindi ko siya pinansin. Overdramatic daw? Edi wow. "Fine. Kung ayaw mo edi huwag." hiyaw niya at nag martsa palabas ng aprtment ko. Humugot ako ng malalim na hangin. Gusto ko lang naman siyang makilala pa. Kahit papaano naman ay nagkalapit na kaming dalawa. Pero kung ayaw niya na kilalanin ko siya, hindi okay sa akin 'yon, pero kung kailangan pa niya ng time para makapag isip ay hahayaan ko siya. Kung hindi pa siya handa para sa pagbubukas niya sa akin, irerespeto ko siya. Loey is a strong man, alam ko iyon. Pero pakiramdam ko, kailangan ko siyang tulungan, kausapin at alagaan. Ilang oras din akong nakatunganga lang, walang ginagawa. At patuloy na iniisip si Loey. Hanggang sa nag alarm na yung phone ko, ala singko na. Ala singko na kaya nag pasiya na akong tumayo, kailangan ko nang mamili para may makain ako mamaya. Suot pa rin ang damit na suot ko galing sa trabaho ay pupunta na lang ako sa supermarket para mamili, hindi pa naman kasi ako nagugutom so pwede pa akong mamili ng maluluto ko. Lalabas na sana ako ngunit nabigla ako ng bumungad sa akin si Loey pagkabukas ko ng pinto. Mariin siyang nakatingin sa akin na para bang alam niyang lalabas ako. Mukhang kanina pa nga siya nandoon nakatayo. "May nakalimutan ka ba?" nalilito kong tanong sa kanya. "I need a hug." aniya na hindi ko masyadong naintindihan dahil medyo mahina. "Ha?" lumapit pa ako sa kanya kaunti para mas maintindihan siya, ngunit hindi naman siya mag salita bagkos ay hinapit niya ako para mayakap ng napaka higpit. Kahit nakakabigla ay lihim akong napangiti ng yakapin niya ako ng mahigpit. Ito naman ang gusto kong mangyari. Ang mailabas niya ang nararamdaman niya. At kung kailangan niya ng yakap, ibibigay ko iyon sa kanya oras oras para lang maging okay siya. Taas baba kong hinagod ang likod niya. Hindi na ako nag salita, hindi naman kailangan ng boses ko ngayon, presensya lang. "I..i don't know why im sad, Kiwi.." sabi niya. May kung ano sa tono niya na humahaplos sa puso ko. "Hindi ako malungkot pero hindi rin ako masaya, i don't know.. maybe im crazy? I don't know.." sa boses pa lang niya ang mahahalata mo na talaga na mabigat ang dinadala niya, lalo pa ngayon na sobrang raw ng emosyon ng boses niya. Nakakalungkot... "I can't understand myself anymore, i don't know if it's normal to think that if i dissappear right now, people would be happy? i mean..i don't know. When she said that im crazy, maybe she's right.. baliw nga talaga ako-" "No." putol ko sa kanya. "..you're not crazy," bulong ko sa kanya. Kung sino man ang nag sabi sa kanya ng mga salitang 'yon, ay masasabi kong wala siyang puso, paano niya nasasabi 'yon sa isang taong may pinag dadaanan.. hindi tama 'yon. "Hindi ka lang okay ngayon, pero hindi ka baliw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD