Habang nag mamaneho siya ay nakatitig lang ako sa kanya, hindi pa rin makapaniwala na nag open-up na siya sa akin. Masaya ako dahil doon.
Kanina ng yakapin niya ako uoang mglabas ng saloobin ay nabigla talaga ako dahil hindi ko naman 'yon inaasahan. Gusto kong mangyari iyon ngunit hindi ko inasahan na agad agad. Kaya masaya talaga ako na nalaman ko ang iniisip niya. Pinisil ko ang kamay niya. Hawak ko kasi ito habang ang isang kamay niya ay nasa manibela. Lumingon siya sa akin, binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.
Hindi niya ako nginitian tulad ng inaasahan ko. Kagagaling niya lang sa down moment, his vulnerability ay nasa high level pa.
"Nagugutom ka na ba?" tanong niya.
Nilingon ko muna ang labas ng kotse dahil alam kong nasa boundary na kami ng boundary na kami ng baguio dahil marami ng pine trees. I don't know kung nasaan na kami, first time ko kasi itong makakapunta sa baguio so wala pa akong alam, basta may pine tree, baguio na siguro iyon.
"Hindi pa naman ako nagugutom, ikaw ba?"
"No."
Tumango ako. "Nasaan na ba tayo?"
"Nasa Pico na tayo," sagot niya. Tumango ako at natuwa sa nadaanan naming simabahan. May iilan din akong nakita naglalakad sa gilid ng kalsada.
"Pero saan ba tayo tutuloy? Mag hotel ba tayo?"
"No. May resthouse kami sa La trinidad, doon tayo tutuloy." sagot niya. "Is that okay?"
"Ang alin?" lito kong tanong.
"Na sa resthouse tayo tutuloy, o gusto mo ba sa hotel na lang."
"Ah, hindi na. Keri na rin sa resthouse mo para wala na rin bayarin." ngiti ko sa kanya.
Ngumisi naman siya pabalik. "Hindi kita pag babayarin sa kahit na ano, sagot kita."
"Kahit pa," sagot ko at tinuon na lang ulit ang atensyon sa bintana.
Nakakaramdam ako ngayon ng excitement sa totoo lang, first time ko rito ay palagay ko magagawa ko na ang isa sa mga pinapangarap ko, ang makapamitas ng strawberry!
Pangarap ko talaga 'yon noong bata pa ako hanggang ngayon! Gusto ko maexperience iyon tapos mag pipicture ako habang nasa gitna ng mga strawberry.
Isa rin sa mga gusto kong gawin ay yung maexperience ang fog habang kumakain ng mainit na sabaw at may mainit pa na kape on the side hehe.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nag imagine pero naramdaman ko na lang na tumigil na kami sa isang kulay brown na bahay. Parang nipa hut. Pero kung titignan mo, alam mong magarbo ang pagkakagawa. "Ayan na yung rest house mo?" tanong habang nakatanaw doon at tunatanggal na ng seatbelt ko.
"Yes, babe." sagot niya bago naunang bumaba. Umikot siya papunta sa side ko para pagbuksana ko ng pinto ngunit inunahan ko na siya. Natigil siya doon at inilingan ako. Hindi ko anman siya pinansin at pinag tuunan na lang ng pansin ang ganda ng paligid.
Pinapaligiran ng mga halaman at bulaklak ang malaki niyang bahay. makikita mo talaga na inaalagaan ang lugar.
Ang bahay na nasa harap ko ay yung mga karaniwan na makikita mo sa isang magazine. Nipa-hut style na bagay sa lugar. Bato ang paligid ngunit nipa ang bubong, i don't know if it's true or display lang.
Umakyat ako sa tatlong hagdan bago makapunta sa front door. May duyan pa sa gilid at maliit na table na pwedeng pagtambayan habang nag kakape. May iilan pang halaman na nakalagay sa paso na nakapatong sa bawat kanto.
Maganda.
"You like it?"
Napalingon ako kay Loey. Dala dala ang bag pack na dala ko. Muntik ko nang makalimutan na kasama ko siya dahil masyado akong nalunod sa ganda ng rest house niya.
Tumango ako. "Maganda, ganito yung mga style na nakikita ko sa mga magazine."
Ngumiti siya at inakbayan ako. "Let's go inside."
Pag pasok pa lang namin sa loob ay hindi na ako nagulat sa ganda nito. Black and white lang ang kulay ng loob, classic ang dating. Malinis at maayos, may malaki pa ngang banga na kulay itim na nasa gilid ng pintuan.
"Sir Loey," lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Sa likod namin.
Isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid-50's na.
"Tito mulong," ani Loey at nilapitan ang lalaki. Nagmano pa siya dito. "How are you, tito?"
"Ayos lang." sagot noong lalaki at tinapik ang balikat ni Loey, isang saglit siyang naoatingin sa akin ay nakaramdam na agad ako ng kaba.
Dapat din ba akong mag mano? Shrt. Bahala na. Lumapit ako sa kanila at agad na nag mano sa tinawag ni Loey na tito. "Mano po," nginitian ko pa siya pag katapos.
"Nobya o asawa?" tanong noong lalaki kay Loey. Napahalakhak naman si Loey at tumingin sa akin. Nilapit niya ako sa kanya at niyakap mula sa likuran.
"What do you think, tito?" nangingising tanong ni Loey.
Alam kong nagbibiruan na sila dahil sa kanilang mga ngiti. Kunwaring nag isip si Tito mulong. Kaya hindi ko na rin mapigilan maoangiti. "Nobya?" aniya.
"Asawa po." sagot ni Loey kaya tiningala ko siya.
"Huy," saway ko sa kanya.
Nanliliit ang mga matang binalingan niya ako. "Why?" tanong niya.
"Umayos ka nga,"
"Why? You're my girlfriend. Tingin mo saan tayo papunta? sa kasal lang."
Nginusuan ko siya. "Gaano ka naman nakakasiguro na tayo nga sa huli?"
"Because i will make it happen."
"Nailed it." nilingon ko si Tito mulong na nakangiting nanonood sa amin.
Pakiramdam ko nagbabad ako sa araw, ang init ng mukha ko.
"Ako ay aalis na," nakangiti pa rin si tito mulong. May inabot pa itong susi kay Loey. "Mag enjoy kayo sa inyong bakasyon."
"Thanks, Tito!" ani Loey. At saglit na niyakap ang tito niya.
Pagkasarado ng pinto ay nakangiting humarap sa akin si Loey.
"Close kayo no?" komento ko.
"Yup." sabi niya. "Kahit pa dito na siya nakatira sa baguio."
"Ang cute niyo ngang panoorin," komento ko ulit.
"He's my favorite tito." sabi niya. "Well...siya lang kasi yung tito ko, kapatid ni papa. Half brother rather."
"Magkapatid."
"Yes, parehas silang tinakwil ni lolo." natatawa pa siya. Niyakap niya ako sa beywang.
Alas otso na ng gabi 'yon kaya nag pasya kami na kumain. Nag padeliver na lang siya ng pagkain namin at sabay kaming kumain.
Dahil sa pagod sa biyahe ay parehas kaming mabilis nakatulog. Kaya kinaumagahan ay maaga akong nagising. Nilingon ko siya sa gilid ko. Mahimbing pa rin ang tulog. Pagod talaga siya.
Hindi ko na siya ginising at nauna na lang tumayo. Dinampot ko ang aking cellphone sa bedside table at tinignan ang oras. 8:43 am na, at kanina pa ata nakalabas si haring araw. Pagkatapos kong maligo ay dumiretso agad ako sa baba, magluluto ako ng almusal. Nakita ko naman sa fridge kagabi na may itlog at mga frozen food. Nag saing lang din ako ng kaunti. Habang hinihintay ang sinaing ko ay nagpasya akong lumabas.
Ang ganda agad ng sumalubong sa akin, sariwang hangin. Napangiti ako ng makitang nag sasayaw ang ilan sa halaman na nadoon. Naglakad ako ng kaunti hanggang sa makarating sa may duyan. Gawa sa rattan ang duyan, siguro ay pwede naman akong sumakay dito ng hindi ako makakasira. Kakaibang saya ang naramdaman ko ng umpisahan kong itulak ang sarili ko para magalaw ang duyan. Iniangat ko ang paa ko at ninamnam ang katahimikan. Grabe, ito ang totoong definition ng peace of mind.
Yung mag isa ka lang, walang iniisip..walang magulo at lalong walang sakitan. Pure peace lang.
Lalo pa ngayon, wala na si tito mar sa buhay namin, lubos lubos talaga ang pasasalamat ko sa lahat ng mga tumulong sa amin, lalo na kay Loey. Dahil kung hindi dahil sa kanya, malamang kasama ko pa rin sa iisang bubong ang lalaking 'yon. Kaya isa talaga si Loey sa itinuturing kong blessing galing kay God.
"Babe,"
Napadilat ako. Nakita ko agad si Loey na nakatayo malapit sa akin. Wala pa rin siyang damit pang itaas.
"Loey," bati ko sa kanya at tumayo na ako. "Goodmorning."
"Goodmorning too, babe." ani Loey at hinapit ako sa beywang. Shet. Halos ka face to face ko na yung dibdib niya.
"Nag prito na ako ng itlog at tocino, gusto mo na bang kumain?" tanong ko.
"Where's my hug's first?" aniya.
Di ko mapigilan mapangiti sa sinabi niya. Kaya walang sabi sabi na tumingkayad ako at binigyan siya agad ng isang mahigpit na yakap. Yakap ng pagtanggap at pasasalamat.
Nang humiwalay na ako ay malapit pa rin ang mukha namin. Parehas kaming nakangiti dahil sa yakap na pinag saluhan.
"Ang sarap naman ng yakap na 'yon," sabi niya at naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya sa beywang ko. "What a way to start my day."
Pinatakan ko siya ng halik sa labi.
"Ay, oo nga pala!" sabi ko ng may maalala. "Pwede ba tayong pumunta sa farm ng strawberry? Pangarap ko kasi talagang mamitas ng strawberry, may alam ka bang farm?"
"Really?" tanong niya. Nag twitwinkle pa ang kanyang mga mata na animo'y namamangha sa isang bagay.
Tumango ako at ngumuso. "Oo. Parang si Strawberry shortcake. Gusto ko talaga 'yon! Tapos mag susuot ako ng pang malupitang outfit tapos pipicturan mo ako doon ha, yung maganda-"
"Paano ka naman nakakasigurong pipikturan kita?" taas na kilay na tanong niya.
"Hoy, bakit! At bakit hindi ka naman papayag,"
"I'll do it kapag may bayad. I won't do it kapag wala."
"Eh, anong bayad ba? Huwag naman msyadong mataas presyo mo ah!"
"Kiss ang bayad." sabi niya at ngumisi pa.
"Alright. Kiss lang pala." sabi ko at mabilis siyang pinatakan ng halik sa labi.
"Okay na?"
"No."
"Ano pa?" naiinis ko ng tanong. Kinurot ko na rin siya sa batok
"Kiss-"
"Na-kiss na nga kita!"
"Kiss for 29 hours, straight."
"Hoy?! Bwisit ka naman! Ano ba mga sinasabi mo!" pinalo ko siya sa braso. Humalakhak ang pilyong lalaki. Nakatingin lang ako sa kanya ng masama. Pero sa loob loob ko, masaya akong makita na tumatawa siya. Kung paano lumabas ang maliliit niyang dimples sa gilid ng labi niya.
Nilapit niya ako sa kanya at hinalikan sa ulo. "I love you, babe."