"Are you okay? Kanina pa kita kinakausap.." Hindi ko namalayang kinakausap pala ako ni Kuya, "Yes kuya, pagod lang siguro ako." Sabi ko at saka napahinga na rin ng malalim. "Kinausap nga pala ako ni Troy kanina and he apologized for what heppened, ano ba nangyari? Bakit siya nag-sorry sa akin?" Agad ko namang pinanlakihan ng mata si Kuya, "Kinausap ka niya? Kailan?" It's been three days at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kinakausap si Troy kahit na kadalasan ay inaabangan niya ako sa labas ng bahay. Ang alam ko, after ng klase niya ay dito siya sa amin dumidiretso para lang maka-usap ako pero ayoko naman na. Ang akala ko, nagka-intindihan na kaming dalawa noong una na titigil na siya pero nagkakamali pala ako. "Kanina lang, tulog ka pa kasi kaya kinausap ko na siya sa labas, nakak