Muli akong napahinga nang malalim habang patuloy sa pagbagsak ang luha ko. Nandito na kami ngayon ni Yssa sa may parking lot ng company, nakasakay na kami sa sasakyan pero panay pa rin ang ang paglabas ng luha ko. Hindi ko ma mapa-andar ang kotse dahil kanina pa humaharang si Troy sa dadaanan dapat ng sasakyan. Kanina pa rin siya katok ng katok sa bintana ng sasakyan pero hindi ko siya pinapansin. "Reign, Pakinggan mo na kasi si Yagba.." Imbes na lalo akong mapa-iyak ay napatawa naman ako dahil sankalokohang naiisip ng kabigan ko. "Yssa naman!" "Kanina pa kaya siya katok ng katok at kanina pa rin tayo nandito sa sasakyan at kung hindi ka titigil sa pag-iyak maloloka na talaga ako!!" Mabilis naman ako nagpunas ng luha ko at saka binatukan ang kaibigan ko. "Ayoko ngang kausapin ang i