"Ang haba naman pala ng pila, Reign!" Sabi ni Yssa sa akin. Kadarating lang namin dito sa unang kompanyang pag-a-aplyan namin ni Yssa. Sobrang haba ng pila. Napakarami 'rin talagang nag-a-apply dito sa kompanyang ito, "Alis na kaya tayo? 'Dun tayo sa kabilang company," Sabi pa ni Yssa, Mabilis naman akong umiling at ipinakita sa kanya ang stamp naming dalawa, "May number na tayo, sayang naman kung palalagpasin natin ito." Sabi ko. Kibit-balikat nalang akong sinagot ni Yssa at saka umupo sa tabi ko. Sa ngayon, hihintayin nalang namin na tawagin ang number namin para sa screening. "Reign, si Troy ohh..." Mabilis na napakunot ang noo ko at napatingin sa ininguso ni Yssa sa akin, at nakita ko nga si Troy na nakaupo malapit sa amin, What?! Pinapasok siya dito? Eh halos pang-bahay na nga