"Reign, Kagabi pa may naghihintay sa 'yo sa labas," Napatingin ako kay Kuya Michael na ngayon ay nasa tabi ko at umupo na rin para kasabay ko na siyang kumain, "Akala ko ba bakla ang kaibigan mong 'yon! Eh lalaki naman pala 'yon!" "Hindi bakla 'yon.." Bahagya akong napangiti at saka sumubo ng pagkain, "Sabi sa akin ni Manang, kagabi ka pa daw hinihintay ng lalaki na nasa labas.." Ani Kuya at napakibit-balikat, "Oo nga pala, Sila Mama nasa Japan, may business meeting sila ni Papa kasama ng ilang mga investors." Napatango na lang ako at muling ipinagpatuloy ang pagkain ko, Noong isang araw pa nagpaalam sa akin sila Mama na pupunta nga sila ni Papa sa Japan para sa isang Business meeting 'ron. "Kuya, may tanong ako.." Napahinga ako ng malalim nang makita kong bahagyang kumunot ang noo n