Nawala ang kanina lang ay masayang ngiti ni Troy kay Althea, napakurap pa ako ng ilang beses para lang masigurado, kung totoo lahat ng nakikita ko. "R—Reign..." Kinuha ko ang panyo mula sa bulsa ko at mabilis kong pinunasan ang nagbabadyang luha ko. "Hi Reign, pasok ka muna." Ani Althea, mabilis akong umiling at pinilit na lakasan ang loob ko. "R—Reign....." Napako ang tingin ko sa kanila lalo na nang yakapin ni Althea si Troy mula sa gilid niya, "Baby, nasabi mo na ba sa kanya?" Umiling si Troy at bakas sa mukha niya ang kung anong emosyon mula 'ron, "Reign...." Napayuko ako at kasabay 'non ang muling pagpatak ng luha ko. "Reign.. I'm two weeks pregnant, We're glad na magiging magulang na kami ni Troy..." Halos mapako ako sa aking kinatatayuan nang sabihin ni Althea ang katagang i