“SIR, ang Daddy niyo po.” Nakasimangot na kinuha ni Tristan ang cellphone kay Rogelio. Hindi niya nga sinasagot ang tawag nito kanina dahil ayaw niyang makausap pero binigay naman sa kanya ni Rogelio. Hindi ba nito narinig kanina ang sinagot niya sa ama? Busy siya! Sinamaan niya nang tingin si Rogelio bago lumayo. Mukhang may bagong amo ito, a. “Maglaan ka ng time mamayang gabi. May dinner dito sa bahay, Tristan.” “I’m busy—” “Kapag sinabi ko na maglaan ka ng time, maglaan ka, Tristan!” Biglang nailayo ni Tristan ang cellphone sa tainga nang marinig ang boses nito. Pagbalik niya sa tainga para makinig ulit, nawala na ito sa linya. May choice ba siya? Kilala niya ang ama, hindi niya lang sundin, gigipitin na siya niyo. Napapikit si Tristan nang maalala ang kaibigang si Raks. Magi