Chapter 20: Good news

1763 Words

HINALIKAN muna ni Tristan si Sarah sa labi bago bumaba. Inayos niya rin ang kumot nito na nakabalot sa hubad na katawan nito. Saglit niyang pinagmasdan ang maganda at maamong mukha nito bago pumasok sa banyo para maligo. Napaharap si Dennis sa salamin at pinagmasdan ang sarili. May bakas doon ng kuko ni Sarah. Hinaplos niya iyon sabay pikit. Nang maalala ang nangyari kanina ay napamura siya. “Damn it!” Gusto pa rin niyang angkinin ang dalaga. Pero natatakot siyang baka masobrahan ito. Baka dumagdag pa sa stress na pinagdadaanan nito. Binilisan ni Tristan ang pagligo at lumabas. Naupo siya sa inupuan kanina ni Sarah. Ilang beses na niyang pinag-iisipan kung tatawagan si Rogelio. Kasi kapag tinawagan niya, simula na naman ng pangungulit ng Papa niya. Kaya nga ang kinontak niya lang nito

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD