SERYOSONG nakatitig si Tristan sa huling location ni Magda. Malaki ang posibilidad na nasa malapit lang ito. Eskwelahan ang lumalabas na exact location niya pero hindi naman tanga ang mga gaya ni Magda. Maghahanap ito ng fake location, hindi nito ipapakita ang mismong kinaroroonan nito. Nang makita niya ang mukha niya na pinakita sa akin noon sa dati niyang tirahan, naghinala na siya. At nang makausap niya nga ang naging kaklase nito, pangalan ng kapatid niya ang binigay nito. Palihim niyang binayaran ang pamilyang iyon para itago ang lahat sa mga magtatanong— lalo na sa Alleanza. After na ma-dismiss ang meeting nila ay dumeretso siya sa bahay ng ama niya. Matagal ding hindi siya nakapunta rito dahil na-busy siya kay Sarah nitong mga nagdaan. Ngayon lang din siya ulit nagpakita dahil ka