MATAGAL na nakaupo si Sarah sa balcony, nakatingin lang sa dagat na noo’y maingay. Medyo makulimlim ang langit, as if nakikisimpatya sa lungkot na nararamdaman niya. Pagkatapos na matanggap ang reply na iyon ni Dennis sa kanya, hindi na siya tumingin sa cellphone. Naka-off na nga. Hindi na rin siya nakikinig sa matanda kapag sinasabi ang bilin ni Dennis. Bakit kailangang ihabilin siya nito sa matanda? ‘Di ba, hindi na siya nito kilala? “Sarah, dito ka kaya sa loob. Baka umulan na, e,” dinig niyang sabi ng matanda mula sa loob. Nagpapalit ito ng beddings ng higaan niya. “Pasok din po ako maya,” aniya. Mayamaya, narinig niyang tumunog ang sliding door. “Baka umuwi na si Dennis sa sunod na araw, a. Dapat pala uuwi siya nakaraan pero may biglaang trabaho raw siya kaya hindi siya natuloy