Chapter36:Part 1

1008 Words

UMILING si Sarah bago umalis. Pumunta siya sa gilid ng pool at doon pinaglaruan ang paa. Nilubog niya iyon sa tubig. Sa unahan may mga naliligo. May mga bata rin kaya pinanood niya ang mga ito. Hindi pa man siya nagtatagal nang may tumabi sa kanya. Walang iba kung hindi si Dennis. Hindi lang nito malaman kung paano siya i-approach. “Galit ka, Pea?” Hindi sumagot si Sarah, tumayo siya at iniwan ito. Nakita niyang tumayo na rin si Dennis bago siya tuluyang makatalikod kaya alam niyang sumunod ito sa kanya. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad kahit na tinatawag siya nito. “Dennis! Hindi ka na ba maglalaro?” Tumingin siya sa babaeng tumawag. Aba, tinaas pa nito ang hawak na baraha. “Sinusundo na ako ng misis ko,” sagot nito na ikinasama niya nang tingin dito. Baka sabihin, e, ang selosa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD