Nagpasyang mahiga na lang si Sarah sa kama. Nakatulog din naman siya kaagad. Nagising si Sarah nang maramdaman ang pagyakap ni Dennis sa kanya mula sa likuran. Hinalikan pa nito ang balikat niya kaya napasinghap siya. Binalingan niya ito kaya nagtama ang paningin niya. Kakaiba na ang nakikita niya sa mga mata nito kaya napalunok siya. Bago pa man niya mabawi ang sarili, mariing hinalikan na siya nito. Sabay pa ang pagkawala ng kanilang ungol nang lumapat ang labi nila. Hindi niya namalayang tumugon siya dahil sa intense na mga galaw nito. Para siyang binuhusan ng malamig nang marinig ang paglaglag ng kung ano sa sahig. Naitulak niya si Dennis at mabilis na tumalikod. Naglagay pa siya ng unan sa likuran niya kaya hindi na niya maramdaman ang dating asawa hanggang sa tumayo na lang ito.