LUMABAS si Dennis sa silid ni Sarah na nakangiti. Inabot sila ng dalawang oras na kwentuhan. Anything. Usually, he gets bored kapag ganoon katagal, pero pagdating kay Sarah, never niyang naramdaman. Parang kulang pa nga.
What happened to him?
Hanggang sa pagtulog ay nkangiti siya.
Isang tampal sa balikat niya ang gumising sa kanya.
“Dumating si Boss Jericho. Nasa baba siya, gusto ka raw niyang makausap.”
Tumango siya sa kasamahan bago tumayo mula sa kinauupuan. Tumingin siya sa relo niya, mahigit isang oras pa lang siyang nakatulog. At pasado alas dos pa lang ng madaling araw noon.
May nangyari ba kaya napasugod nang ganitong oras? Or may nagawa siyang mali?
Binaba ni Boss Jericho ang hawak nitong kopita at tumingin sa kanya.
“Maupo ka,” anito.
Naupo naman siya sa upuang nasa harap nito.
“Ilang taon ka na, Dennis?”
“Trenta na ho, Boss Jericho.”
Tumango ito. “May asawa?”
“Wala ho.”
“Girlfriend?”
“Wala din po.”
“May experience ka na ba s3x?”
“Ho?!”
Nang mapagtanto ang sinabi nito ay napaisip siya. Of course, meron. Lalaki din naman siya, a. Pero madalas siyang nasa misyon at opisina kaya hindi na niya alam kung kailan ang huli niya.
“Kako, kung may naikama ka na.”
“Meron din naman, boss. Siyempre, lalaki rin po ako.”
“Good. Para hindi na ako mahirapan maghanap para kay Ma’am Heidi.”
Natigilan siya nang marinig ang pangalang tawag kay Sarah.
Anong ibig sabihin nito?
Tumayo ang tinawag niyang Boss Jericho at may tinawagan. Hindi na niya narinig ang pinag-usapan ng mga ito dahil lumabas ito.
Tumingin siya sa silid ni Sarah. Ang bagal ba niya?
Matagal na bumalik si Jericho kaya sinamantala niyang pumasok ng banyo at may tinawagan.
“Naghihintay kami ng signal mo,” sagot ni Tres sa kabilang linya.
Nasapo niya ang ulo.
Right. Sa kanya manggagaling ang signal. Pero paano niya nga masasabi? Nalibang siya kay Sarah.
“Dennis!” Tumingin siya sa pintuan nang marinig ang boses ng isa sa kasamahan niya.
Agad niyang pinatay ang cellphone. Nagpadala na lang siya ng mensahe saglit at lumabas na. Paglabas niya, nakabalik na si Jericho.
“Sumama ka muna sa akin sa kabilang isla. May susunduin lang tayong mahalagang tao,” anito.
Tumango siya rito. Pero bago siya humakbang ay sumulyap siya sa silid ni Sarah.
SAMANTALA, nagising si Mang Nardo sa sunod-sunod na katok. Madaling araw pa lang iyon dahil sa kalat pa rin ang dilim.
“Guadalupe, may kumakatok. Baka si Dennis ‘yan.”
“Huh?” Papungas-pungas si Guadalupe na naupo. “Paanong si Dennis, e, may duty ’yon ngayon.”
“Malay mo.”
“Sandali nga at sisilipin ko.” Bumaba ang matanda mula sa papag at lumabas ng maliit na silid nito.
Lumapit muna si Guadalupe sa bintana para tingnan kung sino ang nasa labas. Napakunot siya ng noo nang makita ang hindi kilalang babae. May mga kasama ito na mga lalaki, apat kaya kinabahan siya.
Bumalik ang matanda sa loob ng kwarto nito at pabulong na sinabi sa asawa ang mga nakita. Unusual sa kanya ang pangyayaring ito. Saka babae ang nasa labas. Hindi man niya nakita ang mukha pero mukhang hindi normal na babae ito lalo na ang mga kasama nitong nakasuot na mga leather jacket.
“Ako na ang lalabas, Guadalupe. Hangga’t maaari, magtago ka. Maliwanag?”
“P-pero saan? Paano ka? Tawagan ko kaya ang malaking bahay?”
“Kapag may putok ng baril silang narinig, pupunta sila Dennis dito. Sigurado ako dyan.”
“N-Nardo…” Halata ang takot sa mukha ng matanda.
“Sige na, lalabasin ko lang. Baka mainip sila.”
Niyakap ni Guadalupe nang mahigpit ang asawa bago pinayagang lumabas.
Ika-ikang lumabas si Nardo. Hindi na niya nagawang higitin ang tungkod. Mahirap na baka mainip ang mga ito at basta na lang pagbabarilin ang bahay nila. Nadadala naman sa pakiusapan ang bagay na ito kaya haharapin niya muna.
Halata ang kirot sa mukha ng matanda habang naglalakd papunta sa pintuan. Pagbukas niya ay bumungad sa kanya ang limang tao kasama na ang babae. Walang ilaw doon, pero sapat na ang liwanag ng buwan para makita ang mukha ng babae.
“Magandang gabi ho. Kayo ho ba si Mang Nardo?”
Nagulat man pero tumango ang matanda.
“Ako nga, hija. May kailangan ba kayo?”
“Maaari ho ba kaming pumasok?” anito.
Ngumiti ang matanda at nilakihan ang pintuan. Mukhang mabait naman ang babae pero mahirap na, hindi pa rin niya kilala ito.
Naiwan ang dalawang lalaki sa labas, ang dalawa naman ay sumunod sa babae.
“Ako nga ho pala si Lisa. Um, kaibigan po ako ni Dennis,” pakilala nito na ikinaawang ni Nardo ng labi.
“D-Dennis? ‘Yong p-pamangkin namin?” Si Guadalupe.
“Oho,” sagot naman agad nito sa asawa niya.
“Ganoon ba? Anong kailangan niyo nang ganitong oras? Wala siya rito, nasa malaking bahay.”
“Alam ho namin. Binabantayan niya si Sarah. Tama ho ba?”
“Heidi ang pangalan niya, hija. Kaya sino kayo?” Si Nardo na noo’y titig na titig sa babae.
Bumaling ang Lisa na nagpakilala sa kanila sa isang lalaki. May dinudukot ito sa likuran kaya kinabahan siya. Iniharan pa ni Nardo ang sarili sa asawa sa pag-aakalang baril iyon.
Isang folder ang inilabas ng lalaki kaya nakahinga siya nang maluwag. Binigay nito kay Lisa at ito naman ay bumuklat niyon at inilagay sa lumang center table nila.
Mukha ng alaga nila ang naroon. Iba ang suot nito, magara at mukhang may party yata.
May inilabas pa si Lisa. Isang babae naman. Hindi pa niya nakikita iyon.
“Ito ang totoong Heidi, hindi ang babaeng ‘yan.” Sabay turo nito sa alaga nila.
“Anak ho ng madrasta ni Sarah si Heidi. Pero iyon ang pinakilala sa inyo ng taong nagdala kay Sarah dito. Kaya sa pangalan pa lang ho, may mali na. Siguro naman ho naririnig niyo kay Sarah na hindi siya si Heidi, right?”
“L-lagi niya akong tinatama noon,” ani ng asawa. Tumingin din ito kay Nardo. “‘Di ba? Pero ngayon hinahayaan niya na kami na Heidi ang itawag sa kanya.”
“It’s because hindi po siya si Heidi. Kaya kailangan ni Sarah nang tulong natin. Nasa panganib po siya ngayon.”
Nagkatinginan silang mag-asawa.
“A-anong ibig niyong sabihin.”
Sumandal ang babae sa kinauupuan nito. “Kailangan po nating maitakas si Sarah ngayon din mula sa mga kidnapper niya dahil nasa panganib po ang buhay niya. May masamang balak ho sila kay Sarah kaya nais tulungan ni Dennis ang alaga niyo. Alam kong may concern kayo sa kanya kaya sana paniwalaan niyo ako.”
“Paano kami makakasiguro na maililigtas nga ang alaga namin? Paano niyo naman malalabanan ang mga nasa malaking bahay, e, armado sila?” sunod-sunod na tanong ni Guadalupe.
Ngumiti ang babae. “Nakapalibot na po ang mga tauhan namin sa isla na ito. May air support din po kami kaya siguradong maliligtas po namin si Sarah. Tanging signal ni Dennis ang hinihintay namin. At ngayon lang ho ay tumawag si Dennis para sa signal. At gusto niyang ilikas muna namin kayo dahil siguradong madadamay kayo dahil sa pagpapakilala sa kanya bilang pamangkin.”
“Gusto kong makausap si Dennis bago magdesisyon,” mungkahi ni Guadalupe.
“Sure po.” May kinuha ang babae sa bulsa nito na cellphone at may tinawagan. Saglit lang nag-usap ang mga ito bago binigay kay Guadalupe.
“D-Dennis?” ani ni Guadalupe nang itapat sa tainga ang cellphone.
“Si Dennis po ito, Manang. Pakiusap po, paki-evacuate ng bahay bago mag-umaga. Please? May naghihintay na sasakyan po sa inyo sa baba kasama si Lisa. Explain na lang po lahat niya pagdating sa headquarters ang lahat. Mabuting tao po sila, kaya magtiwala po kayo,” ani ni Dennis sa kabilang linya sa mahinang boses. Mukhang nagmamadali rin ito.
Napatingin si Guadalupe kay Nardo bago sumagot. Pero hindi na nito natapos dahil nawala sa kabilang linya.
Ngayon lang napagtanto ni Guadalupe kung bakit maraming tanong lagi si Dennis pagdating sa alaga niya. Nagbabalak na pala itong itakas ang alaga. Pero hindi ba delikado?
“P-paano si Dennis kung aalis kami? Baka mapahamak siya!” nag-aalalang sabi ni Guadalupe.
“‘Wag ho kayong mag-alala dahil kaya niya po ang sarili niya, saka may back up naman po sa paligid. Hindi po nila papabayaan si Dennis,”
“Anong trabaho ba talaga ni Dennis? Bakit parang hindi siya ordinaryong binata lang?” singit ni Nardo.
“Masasagot po namin ‘yan pagdating sa headquarters. Ito lang ho ang maibibigay kong assurance sa inyo, mabuting tao po si Dennis. At gusto niya lang na mailigtas si Sarah dahil mali na po ang ginagawa sa alaga niyo. Kayo ho ang makakapag patunay na mali ang ginagawa ng mga taong iyon dahil mas matagal kayong nakasama ni Miss Sarah sa isla na ito.”
Nagkatinginan lang ulit ang mag-asawa.
“Matagal ko nang nahahalata kay Dennis ang pagiging mapagmatyag niya. Pero ramdam kong mabuting bata siya. Kaya sasama kaming mag-asawa sa inyo ngayon,” ani ni Nardo.
“‘Wag ho kayong mag-alala, kapag tahimik na rito, maaari pa rin kayong makabalik dito. Sa ngayon po, kailangan niyo munang lumikas dahil babalikan po kayo nila. At inaalala kayo ho kayo ni Dennis kaya gusto niyang ilikas muna kayo bago kami kumilos.”
Dahil sa mga sinabing iyon ni Lisa ay lalong tumibay ang paniniwala ng mag-asawa na nasa mabuting kamay sila. At ang panalangin ng dalawa bago umalis ay maitakas si Sarah sa malaking bahay na iyon. Matagal naman nang pinag-usapan ng mag-asawa ito pero wala silang kakayahan na tumulong.
NAPABALIKWAS nang nagising si Sarah nang marinig ang malakas na pagbukas ng pintuan.
“D-Dennis? Is that you?” aniya. Naupo pa siya. “Dennis! Magsalita ka naman!”
Walang boses pero may mga yabag kaya kinabahan siya. Humigpit ang hawak niya sa kumot. Kasi kung si Dennis ito, sasagot kaagad ito sa kanya. Sa pagkakaalam niya, si Dennis ang nakatalaga sa pagbabantay sa kanya kaya nakakapagtaka.
Nahuli bang laging nasa loob ng silid niya si Dennis? Hindi kaya pinatay din nila si Dennis?
Sa isiping iyon ay nanghina na naman si Sarah. Dahil na naman sa kanya kaya may namamatay.
Nabalot nang takot at lungkot ang dibdib ni Sarah sa isiping wala na si Dennis.
“Kumusta ka na, Joanna?”
Natigilan si Sarah nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaking nagsalita. Tanging ito lang ang tumatawag sa kanya ng second name niya! Hindi siya maaaring magkamali! Hindi!
“A-anong ginagawa mo rito? ‘Wag mong sabihing ikaw ang nagpa-kidnap sa akin? Bakit? Huh?”
Natawa lang ito. Hindi na rin ito nakapagsalita dahil narinig niya ang pagtawag dito. Bossing naman ang tawag dito, at mukhang may inabot ang bagong dating. Wala na nga si Dennis, hindi ni
Napapitlag si Sarah nang bigla na lang may humawak sa baba niya. Kasunod niyon ang pagsalpak ng gamot sa bibig niya.
“Lunukin mo, Joanna, para ganahan kami mamaya sa palabas,” anito.
Muntik nang mabilaukan si Sarah nang basta na lang siyang painumin din ng tubig. Kaya ang dalawang klaseng gamot na iyon ay tuluyang pumasok sa lalamunan niya. Nabasa rin ang leeg at ang damit niya dahil sa hindi maayos na pagpainom sa kanya ng tubig
“Bossing, pabalik pa lang sila Boss Jericho. Pag-alis po nila ay siya ring dating po ninyo,” dinig ni Sarah.
“Sabihin mong isagawa na nila ang dapat na isagawa. Kailangan kong bumalik agad ng Manila ngayon dahil may mga aasikasuhin ako. At kailangang mai-send na agad kay Ma’am ang video, huh? Pakisabi kay Jericho.” Binitawan ng lalaki ang baba niya at tinulak siya pahiga na ikinagulat niya.
“Sasabihin ko ho, bossing.”
“Mabuti. Kamo, sakto lang ang dating nila. Sigurado akong eepekto na ang gamot kay Joanna.”
Tumayo naman ang lalaki at dinig niyang dumadayal ito sa cellphone nito. Ilang sandali lang ay narinig niya ang boses sa kabilang linya. Ang tinatawag nitong Jericho ang kausap nito.
“Walang dapat sayanging tam0d, Jericho. Kailangang may mabuo agad. Kung kailangang bantayan, bantayan niyo para sigurado. ‘Yan ang bilin ni Ma’am. Maliwanag?” anito sa kausap na ikinakunot niya ng noo.
Anong ibig sabihin nito?
“A-anong balak niyo sa akin?” lakas-loob na tanong ni Sarah. Pero ang totoo niyan ay kabado na siya. Hindi naman siya tanga para hindi mapagtagpi-tagpi ang pinag-uusapan ng mga ito.
Biglang iniwas ni Sarah ang sarili nang maramdaman ang paglapit ng mukha nito sa kanya. Naramdaman pa niya ang hininga nito na tumama sa pisngi niya, may kasamang laway din kaya pinahid niya ang mukha ng kumot.
“Kailangan mong magdalangtao sa lalong madaling panahon,” bulong nito na ikinaawang niya ng labi.
Kailangan niyang mabuntis? Bakit?!
“Sino ang nag-utos sa ‘yo nito? Sino? At bakit ako?!” Imbes na sagutin siya nito, tinawanan lang siya nito. At kasunod niyon ang tunog ng mga yabag na papalabas ng silid niya.
Nang mga sandaling iyon ay nakakaramdam na siya nang kakaiba sa katawan niya kaya naikuyom niya ang kamao niya. Pamilyar na siya rito dahil ilang beses na siyang nakainom ng ganitong klaseng gamot.