ILANG beses pa siyang lumunok. Kabado na si Sarah dahil sa tagal nilang nakatigil. Nakakapagtaka lang. Hindi man lang ito nagpapanik? Tumatawag na siya sa emergency hotline pero nawalan bigla ng signal ang cellphone niya. Unti-unting nababasa ng pawis ang bahaging naka-mask niya. Isa lang ang ibig sabihin nito, kailangan na niyang basagin ang wall sa pagitan nilang dalawa. “Hindi ka man lang ba hihingi nang tulong, Mister?” Bumaling ito sa kanya nang seryoso. “Babalik din ‘yan, Miss.” Ngumiti ito sa kanya. “Pero paano?” “Malalaman naman nilang may na-stuck sa elevator kapag ni-review ang cctv.” Tama naman. Sana hindi na magtagal iyon. Hindi na ito nagsalita kaya nanahimik na lang siya. Kahit na anong pigil niya sa sarili na hindi mag-panick, lumabas pa rin. Pakiramdam niya bumalik