“Sakay,” utos ng amang si Rinaldo Fontana nang hintuan siya nito. Kalalabas niya lang noon sa Spotlight. Late na siyang nakalabas dahil may pinagkakaabalahan sila sa headquarters ng Alleanza para sa susunod na misyon. Sunod-sunod actually ang misyon nila pero kaya naman nila. At balak niyang kumain sa kalapit na kainan bago umuwi ng bahay niya. Umandar ang sasakyan kaya umayos siya nang upo. Nasa tabi niya noon ang ama at seryosong nagbabasa ng libro. “Kung wala kayong sasabihin, pwedeng pakibaba na lang ako sa unahan?” Hindi umimik ang ama niya, patuloy lang ito sa pagbabasa. “Dad—” “Deretso lang!” sigaw ng ama niya sa driver nang huminto ang sasakyan. Pagbibigyan sana siguro siya nito pero natakot sa ama niya kaya muli itong nagpatuloy sa pagmamaneho. Hindi na lang muna umimik si