ALAM nu Tristan, lalamig din ang issue sa pagitan nila ni Sarah kaya sinunod niya ito na umalis. Bumalik siya sa trabaho. Saktong tumawag si Akilah para sabihing aalis ito kaya walang bantay sa apartment nito kung saan nagbabantay sa maaaring maging kilos ni Magda. Though alam na niya kung sino, kailangan bantayan pa rin niya ito dahil huhulihin ito ng Alleanza. May escape plan na siya para kay Magda. Sa ngayon, kailangan na niyang makisama. Saka mas mabuting sila ang nagbabantay kay sa Markesa. Wala siyang tiwala sa mga ito. Gusto man niyang sabihin sa ama na si Rinaldo alam niya na ang eksaktong kinaroroonan ng kapatid, hindi niya magawa dahil wala pa rin siyang tiwala rito. Kaya balak niyang ilayo ang kapatid. Ayaw niyang magaya ito kay Molly. Pero sa character ng kapatid, mukhan