IMBES na pagbuksan ang dating asawa na nasa labas, umatras si Sarah. Magkahalong takot at pagkalito ang nasa isipan niya ng mga sandaling iyon. Binilisan niya ang pagkilos nang marinig ang doorbell na muling tumunog. Ilang sandali lang ay may tumunog na cellphone. Nilapitan niya iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Dennis! Akmang sasagutin niya nang magpadala ito ng text kaya naman napabitaw si Sarah at tumingin sa pintuan. Nasa labas daw si Dennis at naghihintay sa pagbukas niya? Ang kaninang pagkalito niya ay lalong nadagdagan. Biglang ragasa ng mga impormasyon, boses at mga scene sa isipan niya kaya napasapo siya sa ulo dahil sa parang bombang sasabog na. Kaya napahawak siya sa magkabilaang tainga niya para hindi marinig ang doorbell at tunog ng cellphone na noo’y tumun