“HINDI niya ako ipapatawag kung hindi siya sure. Saka malalim ang pinagsamahan nila ng Daddy ko kaya matindi ang koneksyon nila. Mas kilala niya ang Tatay ko kumpara sa amin na mga anak.” Napatango-tango si Supremo sa sinabi ni Tristan. “Alright. Anyway, pinapabilis ko naman na ang pag-retrieve ng file ni Bunny at ng donor.” Tumingin si Supremo kay Viper. “How long?” “Give us at least one hour, Supremo,” sagot ni Viper habang naka-monitor sa ginagawa ng isang tauhan nito na nasa London. Pagdating sa Europe, dalawa lang ang pinagkakatiwalaan ni Supremo. Si Viper at hindi niya kilala. Pero si Viper, oo. Ito kasi ang madalas na lumalabas ng bansa kasama ni Supremo. Tumango si Supremo kay Viper. Dahil may ginawa si Supremo, siya na ang naghintay nang update. At habang naghihintay, nag-c