ISANG buwan nang nasa Pilipinas si Sarah kaya isang buwan na ring hindi mapakali si Tristan. Akala niya, okay na siya. Hindi pa pala. Hinahanap ng puso’t-isipan niya ito. “Nandito ka na naman.” Nag-angat siya nang tingin nang marinig ang boses ni Sachi. “I missed her,” seryosong sabi niya. Si Sarah ang nasa isipan niya ng mga sandalling iyon. “Okay lang ma-miss mo siya. Pero ‘wag mong kalimutang maraming nag-aalala sa ‘yo, huh?” paalala nito sa kanya. “Tumatawag si Anthony kanina, hindi ka raw niya matawagan, ilang araw na. Bakit na naman ba?” “Kaya naman niya…” aniya, sabay sandal ulit sa pader. Tumingin siya sa urn ng anak. Matagal na niyang gustong iuwi ang urn ng anak pero baka magalit sa kanya si Sarah, lalo pa’t bumalik na ito. Lalo lang siya nangulila sa anak at sa asawa n